Chapter 10 : Thank You

6.1K 150 0
                                    

Kasalukuyan kaming tumatakbo sa kalsada at tumatawid kasabay ng mga sasakyan para matakasan ang mga humabol sa amin. Dalawa laban sa pito ?! lugi kaming dalawa ni Monster.

Beep Beep !

Ang sakit sa tenga ng busina ng sasakyan parang matatanggal ang tutuli ko anytime. Naka tawid na kami pero hindi pa din sila sumusuko sa paghabol.

"Teka lang pagod na ako ! pwede mag pahinga ?" Tanong ko.

"Mamili ka uuwi kang madaming pasa o tatakbo tayo hanggang makatakas sa mga unggoy na 'yon ?" Sagot ni Zebren.

Sus ! Di niya ba alam na kaya kong makipag basagan ng mukha. Well noong high school laman ako minsan ng Guidance Office dahil sinasapak ko ang mga classmate kong makukulit sa klase.

Minsan trip ko lang manapak sa mukha dahil boring at wala akong malibangan. Ang sama ko ng high school diba ? Baka magulat si Zebren kapag nakita niyang kaya kong makipag basagan ng mukha.

Hindi pa ako tapos sumagot sa tanong niya ng biglang hatakin niya ang kamay ko. Pumasok kami sa isang eskinita na sobrang sikip.

"Ang dami naman na pwedeng daanan bakit dito pa ?" Tanong ko.

"Shut up ! This is a safe place to hide" Masungit na sabi niya.

"Alam mo napaka sungit mo ! May dalaw kaba kasi tinalo mo pa ako?"

Tiningnan namin ang aming likuran hindi pa din sila tumitigil sa paghabol sa amin. Hindi ba sila napapagod ? Ako ?! pagod na pagod na ayaw ko na !...

Nasa gitna na kami ng eskinita at lumiko kami sa kaliwang bahagi. Agad kaming naka kita na pwedeng pagtaguan.

"Dito talaga sa drum ? wala na bang iba ?" Hinihingal na sabi ko.

"Alam mo kanina kapa ang ingay mo ! Pag ako na inis iiwanan talaga kita dito"

Pumasok ako sa drum at ganon din siya malaki naman 'to kaya nag kasya kami. Binuksan namin ng kaunti ang drum para makahinga. Narinig na namin ang mga yabag nila kaya nakaramdam ako ng takot.
"Where are they ? Hanapin nyo dahil tuturuan natin sila ng leksyon !" Sigaw ng lalaking kalbo na naka tuxedo.

Oh my gosh ! teacher ba siya para turuan niya kami ng leksyon ? Ano kayang subject niya ? Grabe kung titingnan ng mabuti ang lalaki ng katawan nila samantala kami para lang kaming palito na kapag inihipan mo ay tatalsik na.

"Boss ! Ito na ang pinaka dulong daanan for sure na nandito lang sila"

"Oo nga boss ! Nandito lang sila nagtatago"

"Bilis ! Hanapin nyo ang pwede nilang pagtaguan !"

Sinimulan na nilang hanapin ang pwede naming pagtaguan natatakot ako sa pwedeng mangyari. Wrong move si Monster dahil ito na pala ang pinaka dulo ng eskinita.

"Paano na yan dead end na pala ang eskinita na 'to?" Bulong ko sa kanya.

"Sorry, hindi ko naman alam na dead end na at malay ko bang ito na ang pinaka dulo".

Napa sampal ako sa sarili kong noo dahil sa mga sinabi niya. Malapit na sila sa aming pinagtataguan habang palapit sila ng palapit mas lalo akong kinakabahan.

"So anong plano ?" Tanong ko.

"I don't know ! Maybe we die here ?" Walang emosyon na sabi niya.

Napaka talino talaga ni Monster ang ganda ng plano niya grabe. Dahil wala naman siyang plano ako na ang nag isip. Tumayo ako at lumabas ako sa drum para makatakas.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now