Chapter 44 : To the rescue

4.1K 83 0
                                    

<Zebren POV>...

Kanina ko pa hinahanap si Kresh sakay ng aking kotse pero hindi ko mahanap kung nasaan siya ngayon. Hindi ako mapalagay at kinakabahan ako sa mga oras na 'to.

"Kresh where are you ?" Sabi ko habang nagmamaneho.

Narinig ko na tumutunog ang phone ko kaya mabilis kong sinagot ang tawag.

"Hello ? Sino 'to ?" Tanong ko.

"Did you miss me my friend ?" Natatawang sabi niya.

Kilala ko ang boses na 'to walang iba kundi si Kasper Drem ang matalik na kaibigan ko noon.

"Kamusta kana traydor na kaibigan ? Alam mo ba kung nasaan si Kresh ? Kasi ako alam ko kung nasaan siya" Sabi niya.

"G*go napaka tagal na 'non pero hindi mo pa din makalikutan, pumuti na ang uwak pero ikaw di pa umuusad ! Tell me na saan siya !" Galit na sigaw ko sa kanya.

Nangiinis na naman ang lalaking 'to. Ano bang sadya niya at tinawagan ako ng siraulong  'to ? Narinig kong may sumigaw na babae kaya bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Hahaha ! Alam mo ba na hawak namin ngayon si Kresh ? Pakinggan mo ang sigaw niya para maniwala ka"

"Ahhh ! Tama na nasasaktan ako ! Ahhh !" Sigaw ni Kresh.

Nararamdaman ko nahihirapan siya sa mga oras na 'to at kailangan niya ako sa tabi niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Zebren ! Makinig ka sa akin wag kang pupunta dito please !" Umiiyak na sabi ni Kresh.

Naka kuyom na ang aking kamao at kapag nakita ko ang mukha ng Kasper na 'yon babasagin ko ang mukha niya. Wala siyang karapatan na saktan ang babaeng mahal ko.

"So naniniwala kana ? Kung ako sayo pumunta ka dito sa Academy para maligtas mo siya nasa bodega kami at hihintayin kita... Matalik kong kaibigan" Sabi niya at pinatay na niya ang phone.

Mabilis akong nagtungo sa Academy para mailigtas si Kresh laban kay Kasper. Sisiguraduhin ko magbabayad siya sa ginawa niya.

...

Nasa parking lot na ako ng Academy kaya mabilis akong bumaba ng kotse at nagtungo sa bodega nito. Napaka dilim ng buong lugar at nababalutan 'to ng katahimikan, nag mistula siyang ghost town.

"Kailangan kong mag-ingat dahil alam ko na nandito lang si Kasper sa paligid" Sabi ko sa aking sarili.

Binagalan ko na ang aking paglalakad papunta sa bodega dahil kailangan kong mag-ingat. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto papasok, bumungad sa akin ang mga estudyante ng Ellites sectin B.

"Wow ! Sa sobrang dami nila mukhang mapapasabak ako sa gera" Bulong ko sa aking sarili.

Nakarinig ako ng mga yabag papunta sa aking direksyon kaya mabilis akong nagtago sa likod ng pinto.

"Bakit bukas ang pinto na 'to ?" Sabi ng lalaki.

"Dahil ako ang nagbukas" Sabi ko at mabilis ko siyang sinipa ko ang kanyang likuran kaya napa salampak siya sa sahig. Tinali ko ang kanyang mga kamay gamit ang wire at niligyan ko ng tape ang kanyang bunganga.

Nang maayos ko na ang lahat naglakad akong muli para hanapin kung saan nila tinago si Kresh. Maraming nagbabantay sa ikalawang palapag ng bodega kaya nag isip ako ng paraan kung paano makaka-akyat doon. May nakita akong maliit na hagdan na bakal kaya naman doon ko na isipang dumaan.

Mabagal ang ginawa kong pag-akyat dahil may kalumaan na ang hagdan na inaapakan ko. Nang makarating na ako ikalawang palapag. May nakita akong patungo sa aking direksyon kaya kinuha ko ang tubo na gawa sa bakal.

"Nakakapagod naman ang araw na 'to bihira mo kanina pa tayo nandito" Sabi ng lalaking may kalakiha ang katawan

"Sinabi mo pa... Tagal naman kasi dumating ng Zebren na 'yon"

Bumungad ako sa kanilang harapan, nagulat sila ng makita nila ako kaya mabilis kong inihampas sa ulo nila ang tubo ng bakal na hawak ko. Bumagsak ang kanilang katawan sa sahig.

"Sus ! Basic ! Ang lalamya nyo naman mga pare !" Sabi ko at hinili ko ang kanilang katawan papunta sa isang silid kung saan hindi 'to makikita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, madami ang pinto at sili sa bodegang 'to kaya mukhang mahihirapan ako sa paghahanap. Inuna ko ang nasa kaliwang bahagi ko. Bawat silid ay daha-dahan kong binubuksan ang pinto ngunit bigo akong makita siya.

Naagaw ang aking atensyon sa isang silid na may ilaw kaya nagtungo ako doon. Sinilip ko ang silid nakita ko si Kresh naka tali ang kanyang mga kamay at paa. May sugat din ang kanyang labi dahilan para mamula ako sa galit.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, pagpasok ko sakto naman na walang tao kaya mabilis akong nagtungo sa direksyon ni Kresh. Wala siyang malay at may pasa ang kanyang mukha na animoy sinuntok o di kaya sinampal.

"Kresh ? Kresh ? Gumising ka nandito na ako !" Sabi ko habang tinatapik ang kanyang braso.

Minulat niya ang kanyang mata at may tumulong luha sa kayang mukha kaya pinunasan ko 'yon.

"B--bakit ka n--nandito ? Diba sabi ko s--sayo wag kang pupunta dito" Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa kanyang noo...

"Di ko hahayang saktan ka nila Kresh kaya nandito ako. Wag kang mag-alala ililigtas kita" Sabi ko.

Tatanggalin ko na sana ang mga tali sa paa at kamay ni Kresh ng maramdaman ko na may humampas sa aking likuran dahilan para mawalan ako ng malay. Pero bago 'yon narinig kong tinatawag ako ni Kresh.

"Zebren ! Zebren gumising ka ! Mga hayop kayo wala kayong puso !" Sigaw niya.

Makakatakas kami ni Kresh sa impyernong lugar na 'to at pagbabayaran nila ang kanilang mga ginawa sa babaeng mahal ko. Sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa kulungan...

...

Once again thank you sa mga postive feedbacks nyo love lot's guys

Don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now