Chapter 30 : Jealous

4.9K 93 1
                                    

After ng events na nangyari sa Academy balik na ulit sa dating gawain. Ang daming kailangan ipasa tulad ng homework, projects and activity. Actually nagpuyat talaga ako para makapagpasa ng kailangan sa ibang subjects dahil malapit na ang Monthly Test.

"Hindi ko talaga makuha ang sagot !" Sabi ni Natasha habang hawak ang notebook niya.

"Ikaw lang ba ? Ako nga kagabi pa dyan hindi ko masagot sagutan. Halos tawagin ko na ang lahat ng santo para lang matapos sa Activity na yan" Sabi ko.

"Pa kopya naman ako guys ! Please sasabog na ang utak ko ayaw ko na !"

Kahit kailan talaga itong si Chelsey napakatamad ang hirap kayang sagutan bawat tanong tapos mangongopya lang siya. Kagabi ko pa sinasagutan itong tanong pero wala talaga.

Ang hirap talagang mag-aral dahil sunog kilay ang kailangan para makapagtapos ka. Hindi ka makakapasa sa pag aaral kung katulad ka ni Juan Tamad.

"Diba ba matalino si Zebren ?" Sabi ni Natasha.

"Ay oo nga tama ! Si Zebren kaya niya 'tong sagutan at for sure basic lang 'to sa kanya" Bulong ko sa aking sarili.

Sigurado ba sila na kay Zebren sila lalapit ? Pwede naman sa iba na lang, matapos kasi yung nangyari sa concert mas lalo akong na huhulog sa kanya. Bawat kilos niya pakiramdam ko may kakaiba.

"Pwede wag na tayong humingi ng tulong kay Zebren ? K--kasi baka busy si Zebren" Sabi ko

"Hindi 'yon busy kapag ikaw ang may kailangan tara na !" Sagot ni Natasha.

Hinatak ako nila papunta sa library dahil nakita daw nila si Zebren doon. Gusto kong umatras kaso nandito na kami sa loob ng library at masyadong malakas  sila Chelsey para pigilan ko.

"Bitawan nyo ako ! Masama ang pakiramdam ko !" Pagpupumiglas ko.

"Sus ! Reason mo bulok ! Wag nga kami Kresh wala kang maloloko dito, ang sabihin mo in love ka kay Zebren kaya ayaw mo siyang makita" Sabi ni Natasha.

Nanglamig ang aking buong katawan at hindi ako makagalaw ng makita ko si Zebren at Jane na masayang nagtatawanan, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Ewan ko ba pero nalulungkot ako at the same time na iinis ako sa mga nakikita ko.

"Oh no ! Wrong timing tayo ngayon"

"Mas mabuti pang bumalik na lang tayo sa classroom" Sabi ni Chelsey.

Nakakailang hakbang palang kami kami ng tawagin ni Zebren ang pangalan ko. Ayaw kong lumingon kaso parang nag automatic ang mga paa ko paharap sa kanya.

"B--bakit ?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko nawala na parang bula sila Chelsey, napangiwi ang aking labi ng makita kong naka upo sila sa pwesto ni Zebren.

"Ayos ! Nauna pa talaga silang lumapit kaysa sa akin, kakaiba talaga ang mga kaibigan ko" Bulong ko sa aking sarili.

Lumapit ako sa kanila nakita ko na seryoso sila Chelsey sa kanilang ginagawa habang nakikinig sa tinuturo ni Zebren. Umupo ako sa gitna nila Natasha katapat ko si Zebren at katapat naman ni Natasha sa left side ko si Jane habang si Chelsey ay nasa right side ko.

"Wow ! Ang galing mo naman Zebren bihira mo alam mo sagutan itong activity" Sabi ni Chelsey.

Bubuklatin ko palang sana ang hawak kong notebook ng kunin sa akin ni Zebren. Napatingin ako sa kanyang direksyon.

"Akin na nga yan ! Kaya ko yan sagutan !"

"Ako na ang sasagot nito, mag focus ka na lang sa iba mong gagawin" Sagot ni Zebren.

Siniko ni Natasha ang tagiliran ko kaya hindi ko napigilang sumigaw.

"Aray ko ! Ano ba ?"

Napantingin ako sa paligid halos lahat ng tao sa library ay nakatingin sa akin.

"Warning Ms.Dela Fuente isa pang-ingay at papalabasin na kita dito !" Sabi ng librarian

Nagtawanan sa buong library kaya napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Na agaw ang atensyon ko ng hawakan ni Jane ang kamay ni Zebren.

"Paturo naman ako dito kasi ang hirap" Sabi ni Jane.

Napalingon kami sa right side ko dahil may tumabi sa gilid ni Zebren. Paglingon ko si Kasper Drem pala kaya agad ko siyang binati.

"Ikaw pala Kasper ! Kamusta ?"

"Ayos lang... Ito in love pa din sayo"

"Sira ulo ka talaga puro ka kalokohan" Sabi ko.

Natawa ako sa biro ni Kasper napaka bulero niya talaga. Napatigil ako sa pagtawa ng magsalita si Zebren habang sinasagutan ang notebook ko.

"Nasa library tayo para mag-aral at hindi makipaglandian !" Inis na sabi niya.

Aba ! Sino ang nakikipaglandian ? Baka siya 'yon bihira mo lagi niyang kasama si Jane. Ang sarap nilang pagdikitin actually mag kamukha na sila.

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagsasagot ng activity, hindi ako makapag concentrate dahil sa ginagawa ni Jane kay Zebren at todo titig pa siya. Ito naman na lalaking 'to walang paki sa ginagawa ni Jane sa kanya.

Nakipagpalit si Kasper ng upuan at katabi ko na siya ngayon. Kinuha niya ang activity na sinasagutan ko kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na matalino pala si Kasper.

"Ang galing mo naman ! Ako nga hirap na hirap sagutan yan tapos ikaw basic lang sayo".

"Ganon talaga kapag inspired lalo na kapag katabi mo ang babaeng gusto ko" Sabi ni Kasper.

Napatitig ako kay Kasper ako ba ang tinutukoy niya o si Natasha ? Imposible naman na si Chelsey kasi lumipat siya sa kabila.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng libray para malaman kung sino ang tinutukoy niya.

"Wag mo na siyang hanapin dahil nandito siya sa tabi ko at tinitingnan ko ngayon" Dugtong na sabi niya.

Nanglaki ang aking mata at walang gustong lumabas na salita sa aking bibig. Nagulat ang lahat ng tao sa library ng kalampagin ni Zebren ang lamesa.

"Pwede ba ! Kung maglalandian kayo doon kayo sa labas at wag dito !" Sigaw niya.

Inihagis niya ang notebook ko kay Kasper kaya natamaan siya sa mukha. Tumayo si Zebren at mabilis na lumabas ng library agad ko siyang sinundan para makausap.

"Hoy ! Monster Zebren ! Anong problema mo ? At sino ang nakikipaglandian ako ?" Inis na sabi ko.

"Wala kana doon... Ikaw ! Bakit hindi ba totoo ?"

Ang sarap niyang sampalin sa mukha wala siyang karapatan na sabihan ako ng malandi. Wag niya akong igaya sa mga naka one night stand niya.

"Ang kapal din ng mukha mo para sabihan ako na nakikipaglandian ! S--sige nga paano mo nasabi ?"

"Hindi ba halata na nakikipag flirt ka kay Kasper Drem ! Diba sabi ko sayo lumayo ka sa kanya !" Sigaw niya.

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Ano bang problema niya kay Kasper at pinalalayo niya ako ?

"Alam mo ang hirap mong intindihin ! Sabihin mo ano ba kasi ang problema mo ng matapos na ito !"

"Hind mo ba nahahalata Kresh ? Nagseselos ako ! Ayoko nakikitang magkasama kayo dahil bestfriend ko siya dati ! Natatakot ako na baka isang araw makuha ka din niya sa akin" Sagot niya.

Umalis siya sa aking harapan at nagsimulang maglakad palayo sa akin. Hindi mag sink in sa utak ko ang mga sinabi sa akin ni Zebren. Pero bakit siya natatakot na makuha ako ni Kasper ? Ano ba ako para sa kanya ?

"Si Zebren nagseselos ? Pero bakit ? Hindi naman kami ?" Sabi ng utak ko...

...

Maraming salamat po sa nagbabasa at sa mga silent reader dyan.

Don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now