Chapter 38 : Surprise

4.1K 91 3
                                    

<Jane POV>...

Nakakairita dapat sa akin lang si Zebren pero inagaw lang sa akin ni Kresh napaka landi niya talaga. Ang lakas ng loob niyang agawin sa akin si Zebren, oo ex girlfriend niya na lang ako kaya dito ako nag-aral sa Werdomz Academy dahil nais kong makipagbalikan sa kanya.

Flash back...

Nakita ko si Zebren naglalakad papunta ng cr kaya mabilis ko siyang nilapitan. Katulad ng dati gwapo pa din siya kung hindi lang sana ako nakipaghiwalay sa kanya edi sana kami parin hanggang ngayon.

"Zebren ! Pwede ba kitang makausap ?" Sabi ko.

"Oo naman, ano bang pag-uusapan natin ?" Tanong niya.

Ewan ko ba kung dapat ko bang sabihin sa kanya pero desperada na akong makipagbalikan sa kanya. Nakipaghiwalay lang naman ako dahil utos ni Mommy sa akin. Sa sobrang katangahan ko sinunod ko ang sinabi ni Mommy that time ang sakit sa pakiramdam kasi yung hiniwalayan kong lalaki ay ang taong mahal ko.

After kong makipaghiwalay kay Zebren nag-aral ako sa ibang lugar o sabihin na nating ibang bansa.

"M-may pagasa pa ba ako sayo kung makikipagbalikan ako ?" Diretsong sabi ko.

Hindi ko mabasa ang nasa isip ni Zebren natatakot ako sa pwede niyang sabihin. Alam ko na minahal niya ako kaya ramdam ko na may chance pa ako sa kanya.

"Sorry pero... Wala ng pagasa para magkabalikan pa tayo"

Nang marinig ko ang sinabi niya para akong binuhusan ng yelo sa aking kinatatayuan. Ang sakit marinig na wala akong pagasa sa kanya.

"P--pero b--bakit ?" Tanong ko.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha ang sakit kasi ang akala ko may chance pa pero nagkamali pala ako. Alam kong may dahilan siya kung bakit ayaw na niyang makipagbalikan sa akin.

"Sorry Jane... pero may nagpapatibok na ng puso ko walang iba kundi si Kresh" Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.

Para akong sinampal ng paulit-ulit sa mga narinig ko. Di hamak na much better ako kaysa sa babaeng 'yon, ano bang nakita niya kay Kresh ?...

"P--pero Z--zebren bakit siya pa ? nagbalik ako para sayo" Patuloy pa din ako sa pag-iyak.

"Dahil kakaiba siyang babae sa lahat ng nakilala ko. Di ba ikaw naman ang nakipaghiwalay ?"

"Oo ako ang nakipaghiwalay pero ginawa ko 'yon dahil sabi ni Mommy sa akin !" Sigaw ko.

Natawa na lang siya sa sinabi ko may isang salita si Zebren kaya alam kong wala na talaga akong pagasa.

Hinalikan ko siya sa kanyang labi nagulat siya sa ginawa ko. Alam ko ang kahinaan ng mga lalaki kaya alam kong bibigay siya pero nagkamali ako tinulak niya ako kaya napasalampak ako sa lapag.

"Jane ! Nababaliw kana ba ?! may iba na akong gusto at hindi ikaw 'yon !" Sigaw niya sa akin.

Naglakad na siya papunta sa akin habang ako patuloy na umiiyak. Ang sakit pala kasi umasa ako na may babalikan pa ako ngunit wala na pala. Kasalanan lahat 'to ni Kresh kung di niya inagaw at nilandi si Zeben edi sana nagkabalikan pa kaming dalawa. Pagbabayaran niya ang lahat ng 'to.

End of flashback...

Tinawagan ko si Syndra nakilala ko siya dahil nakita ko siyang nakikipagtalo kay Kresh kaya nabuhayan ako ng loob na maari kong makasama si Syndra sa plano ko laban kay Kresh.

Nagring ang phone maya-maya sinagot na niya 'to

"Hello ? Sino 'to ?" Tanong niya.

"Si Jane ang ex ni Zebren"

"Oh I know you ! ang desperadang babae na gusto makipagbalikan kay Zebren pero ayaw na sa kanya" Pang-aasar niya.

Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko dahil kailangan ko ang babaeng 'to sa plano ko. Huminga ako ng malalim para kausapin siya ulit.

"Oo ako nga... I have a plan against Kresh Dela Fuente diba gusto mong makabawi sa kanya ?" Sabi ko.

Naramdaman ko na good news 'to sa kanya kaya alam kong papayag siya sa ipapagawa ko.

"Ano naman 'yon ?" Tanong niya.

Sabi ko na nga ba hindi siya tatanggi sa plano ko dahil kilala ko ang babaeng 'to gagawin ang lahat manalo lang laban sa kalaban niya.

"Mag sulat ka ng death treat kay Kresh at ilagay mo sa locker niya" Sabi ko.

Tumawa siya ng napaka lakas kaya inilayo ko ang phone sa tenga ko.

"Sure ! Mukhang masaya yan... Sige ibaba ko na para makapagsulat ako ng bonggang bongga" Sabi niya.

Ibinaba ko na niya ang phone napangiti ako dahil mukhang sumasangayon sa akin ang araw ngayon. Ano kayang reaksyon ni Kresh kapag nakatanggap siya ng death treat ?...

Pumunta ako sa mansyon nila Zebren alam kong welcome pa din ako 'don. Madalas niya akong papuntahin sa bahay nila noong kami pa.

Nasa tapat na ako ng mansyon nila Zebren sakay ng kotse ko ibinaba ko ang window ng kotse. Nang makilala ako ng mga guard na nagbabantay sa gate nila pinapasok na ako. Pinark ko sa gilid ng mansyon nila ang kotse at mabilis na pumasok sa loob ng mansyon.

Ganon pa din siya katulad ng dati at walang pinagbago walang makakatalo sa yaman ng mga Blare dahil sila ang may pinaka malaking companya at negosyo sa buong Nispero.

Pagpasok ko sumalubong sa akin si Ellaine ang katulong nila Zebren.

"Kayo po pala Maam Jane ang tagal nyo na pong hindi pumupunta dito" Sabi niya.

Malapit ng lumubog ang araw kaya alam kong pauwi na si Kresh galing sa Academy.

"Na saan si Zebren ?" Tanong ko.

"Nasa kwarto niya po kanina pa po siya umuwi galing sa Academy"

Mabilis akong sumakay ng elevator nila ng makarating na ako sa 2nd floor nila nagpunta ako sa kwarto niya at nakita ko na naka bukas ang kayang pinto.

Pagpasok ko nakita ko siyang umiinom ng alak kaya naman lumapit ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.

"Tama na 'yan lasing kana Zenbren ang dami mo ng nainom" Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang bote ng alak na nasa kamay niya.

Niyakap niya ako at umiyak siya sa balikat ko. Ramdam ko ang sakit na dinadala niya kaya niyakap ko din siya dahil alam kong kailangan ni Zebren ng masasandalan.

"K--aya pala a--yaw niya akong sagutin ni Kresh dahil may namamagitan pala sa kanila ni Kasper" Sabi niya habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.

Sabi na malandi talaga ang babaeng 'yon bihira mo di pa nakuntento kay Zebren.

"Shhh ! Wag ka ng umiyak nandito lang ako" Sabi ko habang hinahagod ko ang kanyang likod.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at amoy na amoy ko ang alak na nagmula sa kanyang bibig. Napatingin ako sa kanyang labi hinakikan ko 'to at naramdaman ko na gumaganti siya ng halik napahiga na kami sa kama habang naghahalikan na miss ko ang mga halik sa akin ni Zebren.

Mas lalong lumalalim ang kanyang mga halik at naramdaman ko na pinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng damit ko. Sa wakas makukuha ko na ang gusto ko at mapapasa-akin na siya.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Zebren at nakita ko si Kresh na nakatulala sa aming dalawa. Ngumisi ako sa kanya at nakita ko na may tumulong mga luha sa kanyang mga mata.

Surprise Kresh Dela Fuente I hope you like it...

...

Malapit na matapos sa wakas !

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now