Chapter 11 : First Day Of School

6.9K 131 5
                                    

Dalawang araw makalipas ang nangyari heto na ako papasok sa isang paaralan na kung saan mayayaman ang mga estudyante. Sana maging maayos ang unang araw ko sa Werdomz Academy.

"Excited kana ba Kresh ?" Masayang sabi ni Chelsey

"Oo, kinakabahan na nga ako" Sagot ko.

Nandito kami ngayon sa sasakyan nila Mr.Blare kasama ko palang mag aaral sa Academy si Chelsey. Na unang pumasok si Monster dahil ayaw niya daw ng kasabay sa kotse.

"Ano pa lang room and section mo ?" Tanong ni Chelsey

"Room 315 section 17" Sagot ko

Grabe ang layo naman ng section ko may galit ba sila sa mga Dreve na gaya ko ?.

Sa bagong building na gawa ang mga Luxurious, ang mga Ellites naman sa 1st floor, 2nd floor naman ang mga Bernier at ang panghuli sa 3rd floor naman ang mga Dreve.

Kulay blue ang uniform ko dahil isa akong Dreve parehas kami ng suot ni Chelsey. Napag usapan namin ni Mr.Blare na tuloy ang pagbabantay ko kay Monster.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko nandito na pala kami sa parking lot ng Academy. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin dahil first day of school ko pa lang dito sa Academy.

"Mag iingat kayo mga iha maiinit sa mata ang mga Dreve" Paalala ni Mang Jose.

Naglakad na kami papasok ng Academy dahil malapit ng magsimula ang klase. Madaming estudyanteng pumapasok at iba iba ang kulay ng aming damit. Nag mukha tuloy kaming rainbow sa mga suot namin.

Kung tutuusin kakaunti lang ang mga Dreve na gaya ko na nag aaral sa Werdomz Academy dahil limitado lang ang nakakapasok dito, mas marami ang mga Bernier at Ellites. Eh ano pa kaya ang mga Luxurious na bilang lamang. Ang mga Luxurious ang out standing sa Academy na 'to kasi sila ang pinaka mayaman sa lugar ng Nispero at nangunguna na dyan sila Zebren.

Matapos ang mahabang paglalakad sa Werdomz nakapasok na din kami. Papunta kami ng gymnasium dahil may importanteng annoucement na magaganap.

"Parang biglaan naman ata ang annoucement ngayon ?" Nagtatakang sabi ni Chelsey.

"Malay mo naman may sense ang sasabihin nila" Sagot ko.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad napaka laki ng gymnasium at naka aircon pa 'to. Kasya ata ang mahigit limang libong estudyante sa gymnasium.

"Grabe ang laki at ang ganda ng gymnasium Chelsey !" Sabi ko habang inililibot ang aking paningin.

Naka upo na kami habang naghihintay ng mahalagang annoucement sa buong Academy. Hiwalay ang upuan ng mga Luxurious, Ellites, Bernier at Dreve.

Nakita ko si Zebren katabi sila Nogor at Silon sa upuan ng mga Luxurious.

"Chelsey ! isa pa lang Luxurious sila Nogor at Silon ?" Tanong ko.

"Oo, balita ko nga napaka yaman ng mga pamilya nila at syempre walang tatalo sa yaman ng mga Blare dito sa Nispero" Sagot niya.

Sabagay tama si Chelsey wala talagang tatalo sa yaman ng mga Blare at si Zebren ang magmamana ng lahat ng ari-arian ni Mr.Blare dahil siya ang kaisa-isang anak nito.

Natigil ang aming pag uusap ng may magsalita sa harap na umalingaw-ngaw sa buong gymnasium.

"We have a speacial annoucement for today. We are here because I want to tell all of you na next week we have a star gazing 2018" Sabi ni Mrs. Goers.

Nagkaroon ng hiyawan at saya ang buong gymnasium, kita mo sa kanilang mukha ang excitement kaya naman na curious tuloy ako.

Star gazing ? Mukha siyang boring pakinggan... Teka ano ba yung Star gazing ? Maghuhunt ng star ? What ever !...

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now