Chapter 28 : Concert

4.7K 94 1
                                    

<Kasper POV>...

Nasa canteen ako dahil tapos na ang klase kasama ko ang tropa ko na sila Kenjie at Neil. Simula ng mag-away kami ni Zebren sila ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Kinalimutan ko na ang pagkakaibigan namin ni Zebren dahil isang basura lamang 'yon para sa akin.

"Kasper na balitaan mo naba nandito si Jane ang ex girlfriend mo" Sabi ni Kenjie.

"Anong paki-alam ko sa kanya ?! Tara na marami ng tao mamaya sa canteen" Sagot ko.

Aaminin ko na mayroon pa din akong nararamdaman para kay Jane pero hindi na katulad ng dati.

"Dito na daw siya nag-aaral, actually kahapon lang siya lumipat dito sa Academy" Singit ni Neil sa usapan.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil ayoko ng topic nila masyadong complicated sa akin. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Jane na aalala ko ang ginawa nila sa akin ni Zebren.

Nasa canteen na kami kaya agad kaming pumasok. Pagpasok ko nakasalubong ko si Jane ngumiti siya sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko at nag slow motion ang paligid.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, dapat nga nagagalit ako sa kanya pero bakit ganito ang impact niya ?.

"Hoy ! Natulala natulala ka ata kay Jane ?" Sabi ni Neil.

"H--hindi ! S--sino may sabi ? Tara na nga gutom na ako"

Maglalakad na sana ako ng tawagin ni Jane ang pangalan ko. Matapos akong tawagin ni Jane tumaas ang lahat ng palahibo ko at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Kasper Drem... Masaya akong makita kang muli" Sambit niya at naglakad palabas sa canteen.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, bumalik lang ako sa realidad ng akbayan ako ni Kenjie.

"Sus ! Halata naman sayo na mahal mo pa ang ex girlfriend mo"

"A--alam mo a--ang k--ulit mo" Hindi ako makapagsalita ng diretso.

Narinig kong tumawa si Neil sa sinabi ko at pumila na kami para bumili ng makakain.

<Chelsey POV>...

Biglaan ang annoucement sa Academy mamaya na ang special concert kung saan magpeperform ang magagaling na banda. Tulad ng Silent Sanctuary, Sponce Cola, IV Spades at marami pang iba.

Sobrang excited na ng mga estudyante mamaya, buti na lang at may dala akong extra na damit pangpalit.

Kasalukuyan akong papunta sa library dahil inutusan na naman ako ni Mrs.Choi na ibalik ang hiniram niyang libro. Mga nasa anim na libro at sobang kapal kaya nabibigatan ako.

Paliko na ako sa hallway ng may nakabangga sa akin na isang lalaki. Mabilis kong kinuha ang mga librong na laglag sa sahig natataranta ako dahil baka magalit ang taong naka banggaan ko. Kukunin ko na sana ang huling libro ng iabot niya ito sa akin kaya napataas ang aking ulo...

"Silon Great ? Tama ako diba ?" Sabi ko.

"Oo, ako nga... Ayos ka lang ba Chelsey Domingo right ?" Tanong niya.

Oh my goshhh ! Yung crush ko sa pangkat ng Luxurious nasa harap ko at iniabot pa sa akin ang libro wahhh kyahh ! Pwede sumigaw sa kilig ?...

"Ayos ka lang ba ? Pasensiya na pala kung nabangga kita"

"A-ah... W--wala 'yun k--kasalaan ko din naman kasi" Nauutal kong sabi.

"Tulungan na kita sa dala mong libro tutal may nakalimutan ako sa libary"

Gusto kong gumulong sa kilig at saya feeling ko lumilipad ako sa langit. Sana hindi na matapos ang oras at araw na 'to. Kinakabahan ako dahil katabi ko si crush at tinulungan pa ako sa pagbitbit ng libro...

"May dumi ba ako sa mukha ? Kasi kanina mo pa ako tinitingnan" Nagtatakang sabi ni Silon.

"A--ay o--oo sa bandang noo mo" Pagrarason ko.

Sige Chelsey mag sinungaling kapa, sino ba ang hindi matutulala sa isang tulad niya sobrang gwapo niya at gentleman pa swerte ng magiging girlfriend niya sana ako na lang 'yon.

Nasa library na kami at tapos ko na din isauli ang mga libro kaya naisipan ko ng umalis dahil gusto ko ng sumigaw dahil sa sobrang kilig goshhh !

"S--sige a--aalis na ako baka kasi hinahanap na ako sa klase namin"

"Sige, ingat ka kita na lang tayo mamaya sa open field"

Tumakbo ako palabas ng library sa sobrang saya ko napapasayaw ako ng BOOM BOOM ng Momoland. Great !!!

Naglakad na ako papunta sa klase habang nakangiti nawawala ata ako sa aking sarili.

<Natasha POV>...

Humiwalay muna ako kala Kresh dahil may titingnan ako sa computer laboratory. Nasa 2nd floor ang com lab habang naglalakad ako napansin kong may kasabay akong tao kaya tiningnan ko ang aking likuran.

"Nogor Lei ? Pupunta ka din ba sa com lab ?" Tanong ko.

"Oo, teka ikaw si Natasha Love ? Tama ako diba ?" Sabi niya.

Dahil same lang naman kami ng pupuntahan sabay na kaming naglakad. Habang naglalakad kami napansin ko na naka tingin sa akin si Nogor.

"Ingat ka baka madapa ka... Wala sa mukha ko ang daanan nasa harapan mo" Sabi ko.

Agad siyang nag iwas ng tingin at nakita kong namula ang kanyang pisngi na ipinagtaka ko. May lalaki palang gumagamit ng make up ? O sadyang natural lang na namumula ang mukha ng lalaking 'to ?...

"S--so anong balak mo mamaya sa concert ?" Tanong niya.

"Edi mag enjoy ! Masaya 'yun tulad ng dati" Ngiti ko.

Nasa tapat na kami ng com lab bubuksan ko na sana ang pinto ng unahan na ako ni Nogor. Sabi niya ladies first daw pero ang totoo sa panahon ngayon hindi na uso ang kasabihan na 'yan.

"Sino ba ang hahanapin mo dito ?" Tanong ko.

"A--ah s--si Mr.Villanueva !" Sagot niya.

So same pala kami ng teacher sa com lab, pinuntahan ko na si Mr.Villanueva at kasunod ko sa aking likuran si Nogor.

"Mr.Villanueva titingnan ko po sana kung naipasa ko ba sa computer nyo yung activity na pinapagawa nyo" Sabi ko kay Mr.Villanueva.

Chineck ni Mr.Villanueva ang kanyang computer at nakita niya ang activity ko na naka save sa kanyang computer.

"Ikaw naman Mr.Nogor Lei... Ano ang kailangan mo ?" Tanong ni Mr.Villanueva.

"K--kasi may nakalimutan po akong isave sa activity ko"

Lumapit siya sa bukas na computer at umupo siya doon wala pang isang minuto tumayo na siya.

"Mr.Villanueva ok na po... Salamat" Sagot niya.

Lumabas na kami ng com lab at nakita ko na nakasunod padin siya sa aking likuran.

"Diba sa 1st floor ang room mo ? Bakit sa 3rd floor ka pupunta ?" Tanong ko.

"A--ay oo nga pala... Nakalimutan ko ! Sige kita na lang tayo sa open field mamaya !"

Natataranta siyang umalis pababa ng hagdanan. Ang weird ng lalaking 'yon ano bang klaseng paaralan 'to ang daming mga estudyanteng weirdos. Umakyat na ako dahil malapit na magsimula ang klase at baka mapagalitan pa ako ng next subject namin...

...

Maraming salamat po sa walang sawang pagbabasa.

Don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now