Chapter 39 : Liar

4K 85 3
                                    

<Kresh POV>...

Hindi mapakali ang isip ko kung kanino galing ang death treat na 'yun. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari sa akin ganon na lang ba ang galit niya para lang pagbantaan ang buhay ko ?.

Sino kaya ang posibleng gumawa 'non ? Ang spice girls ba ang may gawa o may iba bang galit sa akin ?...

Lumulutang ang utak ko dahil sa pesteng death treat na 'yan nakatulala ako habang naglalakad patungo sa classroom.

"Hoy babaita ! tulala ka na naman dyan ang tagal mo kanina pa kita hinihintay" Sabi ni Chelsey.

Hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kailangan kong malaman kung sino ang may kagagawan ng sulat na 'yon.

"Hoy naririnig mo ba ako ? may problema ba ?" Tanong ni Chelsey.

Umiling ako sa tanong niya ayokong may maka alam lalo na ang mga malalapit kong kaibigan dahil baka madamay pa sila. Much better kong ako lamang ang makaka alam.

"Kilala kita Kresh ! Alam ko kung may problema ka kaya sabihin mo na kasi sa akin please !" Pagmamakaawa niya.

Pumasok na ako sa loob ng classroom at halos lahat sa akin ay nakatingin. Hindi ko mabasa ang mga nasa isip nila baka mamaya pinapatay na nila ako o di naman kaya kinasusuklaman na.

Nagkaroon ng tilian sa loob ng klase kaya inilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Zebren sa labas ng classroom na may dalang bulaklak at chocolate.

Naramdaman ko na namumula ang aking mukha kaya tinakpan ko ng libro ang mukha ko. Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking 'to ? Araw-araw niya na lang ba ako pakikikiligin ?...

Umupo ako sa aking upuan at mabilis na yumuko sa aking desk hindi ko mapigilang hindi kiligin napapakagat ako sa aking labi. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakakahiya naman baka isipin nila na maharot ako kaya wag na lang.

"Infairness ang swerte ni Kresh kay Zebren"

"Alam mo ngayon ko lang nakitang mag effort ng todo si Zebren"

"Kung ako kay Kresh sasagutin ko si Zebren at baka maunahan pa siya ng iba"

Well sasagutin ko siya sa araw ng birthday niya sa susunod na linggo na 'yon at excited ako. Hindi ko pa napagiisipan kung ano ang ibibigay ko sa kanya.

Naramdaman ko si Zebren sa aking harapan kaya iniangat ko ang aking mukha naka ngiti siya sa akin with kindat ang kuya nyo.

Hinampas ako ni Natasha sa braso habang si Chelsey naman kinikilig dahil kasama ni Zebren si Silon. Grabe baliw na baliw siya sa lalaking 'to sa lahat ng pwedeng magustuhan niya si Silon pa.

Tumabi si Nogor sa upuan ni Natasha kaya hinampas niya ang braso nito. Natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa nila para silang mga bata kung kumilos.

Iniabot ni Zebren ang bulaklak at chocolate na dala niya. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"S--salamat"

Matapos niyang ibigay sa akin ang dala niya lumabas na sila ng classroom dahil bawal silang malate sa klase nila. Bago siya lumabas sinabi niya na pupuntahan niya daw ako mamayang break time.

Gusto kong tumalon, sumigaw at maglumpasay sa saya na nararamdaman ko sa totoo lang ngayon ko lang naranasan na may magbibigay sa akin ng bulaklak at chocolate sa akin dahil NBSB kasi ako.

Nilapitan ako nila Natasha sabay kuha sa chocolate na binigay sa akin. Pinabayaan ko na lang sila dahil flowers palang ay masaya na ako. Ang babaw ng kaligayahan ko hahaha !...

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Onde as histórias ganham vida. Descobre agora