Chapter 31: Afraid

4.7K 83 0
                                    

<Chelsey POV>

Hindi ko inaasahan na pupunta si Kapser dito sa library 'di ako makapag focus sa activity na ginagawa ko. Ano na naman ba ang balak ng lalaking 'to at bakit na isipan niyang tumabi sa kinauupuan namin.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Kresh at Sir Zebren hindi ko kayang sabihin sa kanilang dalawa ang plano ni Kasper dahil madadamay ang pamilya ko at ayokong mangyari 'yon.

Naiirita ako sa mga pinagsasabi ni Kasper kay Kresh kala mo mabait 'yun naman pala may tinatagong ka demonyohan. Nakipagpalit siya ng upuan kay Natasha kaya napalingon ako sa kanyang direksyon.

Katabi niya na si Kresh kaya naman mas lalo akong kinabahan. Ang sama ng tingin ko sa kanya gusto ko siyang sakalin at sipain palabas ng library. Napatingin siya sa aking direksyon kaya naman iniwas ko agad ang aking mga mata.

"Ayos ka lang ba Chelsey ? Kanin ko pa kasi napapansin na hindi ka mapakali" Sabi ni Natasha.

"A--ayos lang ako"

Ibinalik ko ulit ang aking atensyon sa sinasagutan kong activity, makalipas ang ilang minuto nagulat kami ng kalampagin ni Sir Zebren ang lamesa kaya napatingin ang lahat ng tao sa kanya.

"Pwede ba ! kung maglalandian kayo doon kayo sa labas at wag dito !" Sigaw ni Sir Zebre.

Inihagis niya ang notebook ni Kresh sa tapat ni Kasper kaya natamaan siya sa mukha. Mabilis na lumabas si Sir Zebren sa library at sumunod naman si Kresh.

I think nagselos si Sir Zebren kay Kasper dahil kung anu-ano ang pinagsasabi niya kay Kresh. Halata mo naman sa dalawa na gusto nila ang isa't isa kaso mga nagkakahiyaan sa feelings nila.

"Ano masaya kana sa nangyari ?" Sarcastic na sabi ko kay Kasper.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at mabilis akong lumabas ng library habang nakasunod sa likuran ko si Natasha.

"Saglit lang Chelsey ! Hinihingal na ako !" Sigaw ni Natasha.

Huminto ako sa paglalakad at lumapit sa akin si Natasha. Nakakairita talaga ng ulo ang Kasper na 'yon kailangan kong makaisip ng paraan para mapigilan ang plano niya kay Kresh at Sir Zebren.

"Babaita ka talaga ! Ang sama mo naman kay Kasper may ginawa ba sayo ang lalaking 'yon at ganon na lang kainit ang ulo mo sa kanya ?" Tanong ni Natasha.

Kailangan kong palayuin si Kresh kay Kasper para hindi mapahamak ang kaibigan ko. Hindi ako papayag na bati ang kaibigan ko ay madamay sa kabaliwan niya.

Nakita ko si kresh na naglalakad patungo sa direksyon namin pero parang lutang ang isip niya kaya mabilis akong lumapit sa pwesto niya. Ano na naman ba ang nangyari sa kanya ?...

"A--ayos ka lang ba ? Nasaktan kaba ?" Nagpapanic na tanong ko.

"Ayyy ! Oa teh ? ayos lang ako di lang ako makapaniwala na nagseselos si Zebren kay Kasper" Sabi ni Kresh.

<Kresh POV>...

Nakita ko sila Natasha kaya naglakad ako patungo sa kanilang pwesto with matching lutang ang utak. Nasa alapa-ap na naman ang utak ko jusko po !...

Zebren Blare ! Panggulo ka lagi sa isip ko naiirita na ang mga brain cells ko sayo.

"A--ayos ka lang ba Kresh ? Nasaktan kaba ?" Nagpapanic na tanong ni Chelsey sa akin.

"Ayyy ! Oa teh ! ayos lang ako di lang ako makapaniwala na nagseselos si Zebren kay Kasper"

Isa pa 'tong kaibigan ko ang oa maka asta kala mo nanay ko. Hinatak niya ako papunta sa open field kasama si Natasha. Sinapian na naman ang kaibigan kong 'to palibhasa di naturukan ng gamot ngayon para sa anti-baliw.

"Teh yung braso ko baka matanggal kakahatak mo !" Reklamo ko.

"Alam mo kanina kapa nababalisa Chlesey simula ng makita mo si Kasper" Sabi ni Natasha.

Binitawan na niya ako at umupo kami  sa isang malilim na puno dito sa open field. Hinabol ko pa ang aking paghinga di ko lubos maisip na may gantong kagandang paaralan. Dahil sa sobrang laki ng open field pwede ka ng magpatayo ng mall sa lugar na 'to.

"Lumayo ka kay Kasper Drem dahil mo pa siya kilala ng mabuti" Sabi ni Chelsey habang pinaglalaruan ang maliit na damo.

"Huh ? Bakit naman ? Mabait naman ang lalaking 'yon pero may pagka bulero minsan" Nakangiting sabi ko.

"Hindi siya mabait !" Inis na sabi niya.

Nag iba ang expression ng kanyang mukha nakita ko sa kanya ang galit at inis na ngayon ko lang nakita kay Chelsey.

"Pati ba naman ikaw Chelsey gusto mong palayuin ako kay Kasper ?"

"Oo !"

Ang bitter naman nila kay Kasper, bakit ayaw nila sa kanya ? wala naman siyang ginawa sa akin ?...

"Pero maiba tayo ng topic... Nagselos talaga si Zebren kay Kasper ?" Kinikilig na tanong ni Natasha.

Tumango ako at bigla niya na lang ako pinaghahampas sa braso at namumula ang kanyang mukha. Ito na naman tayo sa kaibigan kong ginawa akong punching bag kapag kinikilig.

"Teh masakit kaya ! Ano bang big deal 'don kung nagseselos si Zebren ?" Tanong ko.

"Isa lang ang ibig sabihin nyan ! May gusto sayo si Sir Zebren at ayaw ka niyang makita na kasama mo si Kasper kaya nagseselos siya !" Sagot ni Chelsey.

Putik ! Kanina wala siya sa mood at naiinis pero ngayon bigla na lang ngumiti. Nakakatakot na talaga ang mga kaibigan ko jusko...

Ganon ba 'yun kapag may gusto sayo ang isang tao magseselos siya ? Baka mamaya ganon lang talaga si Zebren at isa pa masakit kaya mag assume na may gusto sayo ang isang tao.

"Swerte mo girl ! May Zebren kana samantala ako wala pa" Naka busangot na sabi ni Natasha.

"Oo nga ! Ako nga yung crush ko di ako manotice... Baliw na baliw pa naman ako sa kanya matagal na" Sabi ni Chelsey.

Natawa na lang ako sa pinagsasabi nilang dalawa. Bakit ba kasi binigyan ako ng ganitong mga kaibigan na baliw. Pero kahit ganyan sila love na love ko ang mga yan.

"Pero Kresh totoo ang sinabi ko sayo kanina na wag kang lalapit kay Kasper" Seryosong sabi ni Chelsey.

"Sige ! Pero sa isang kondisyon anong problema at bakit gusto mo akong palayuin kay Kasper ?" Sagot ko.

Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin at nakita ko na namumutla siya. Kilala ko na si Chelsey kahit di pa taon ang pagkakaibigan namin kita ko sa mata niya na may gusto siyang sabihin pero ayaw niya lang.

"B--basta ! Layuan mo si Kasper"

Malalaman ko din lahat ng kasagutan na 'yan at kapag nangyari 'yon doon lang ako lalayo kay Kasper. Sa ngayon wala naman akong nakikitang kakaiba o masamang intensyon si Kasper sa akin.

Napatingala ako sa pangit at napabuntong hininga ng malalim. Naalala ko na nama ang mga sinabi sa akin ni Zebren na nagseselos siya...

...

Super thank you sa inyong lahat

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now