Chapter 40 : Trust

4K 88 1
                                    

<Zebren POV>...

Ang sakit ng makita ko na may kahalikan na iba si Kresh parang gusto kong pumatay ng tao na nasa paligid ko. Gusto kong patayin si Kasper dahil inagaw na naman niya ang babaeng mahal ko.

Naglalakad ako papunta sa parking lot ng Academy habang nakasunod sa aking likuran sila Silon. Di ko alam kung tama ba ang mga pinagsasabi ko kay Kresh kanina. Gusto kong manghingi ng sorry sa mga na sabi ko pero galit ang nangunguna sa akin. Nang makita ko siyang umiyak gusto ko siyang yakapin dahil ayoko siyang nakikita na sasaktan pero poot at galit ang namamayagpag sa aking damdamin.

"Zebren ! Saan ka pupunta ? pakinggan mo ang explaination ni Kresh !" Sigaw ni Silon sa akin.

Explain ? para saan pa ? nakita ko na ang dapat kong makita ano pa bang dapat pakinggan ko ?...

"Kung totoong mahal mo si Kresh  pakikinggan mo ang sasabihin niya at isa pa nasaktan mo yung tao sa mga sinabi mo !" Singit sa usapan ni Nogor.

Oo mahal ko si Kresh pero wala ako sa mood para pakinggan ang mga sasabihin niya. Baka mamaya kasinungalingan ang marinig ko galing sa kanya. Baka kasi may namamagitan na sa kanilang dalawa ni Kasper at ayaw lang niya sabihin sa akin.

Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanila. Gusto kong mapag-isa muna. It's time to relax my mind ang daming nangyari sa araw na 'to.

"Palibhasa wala kayo sa kalagayan ! Kaya napaka dali nyong magsabi ng advise !" Galit na sabi ko.

Lumapit sila sa aking kinatatayuan.

"Alam namin, pero sana hindi ka muna nagpadala sa galit mo" Sabi ni Nogor.

"Tama si Nogor at isa pa hanggat maaari humingi ka ng tawad sa mga sinabi mo kay Kresh dahil hindi siya katulad ng ibang babaeng nakilala mo" Sermon sa akin ni Silon".

Oo ibang-iba nga si Kresh sa mga babaeng nakilala ko pero ngayon lahat ng positibong pananaw ko sa kanya ay biglang napalitan ng negatibo.

"Salamat sa payo mga tol pero sa ngayon hindi ko muna magagawa ang mga gusto nyo" Walang emosyon na sabi ko.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at pinaharurot ko 'to pauwi sa mansyon. Habang nagmamaneho ako nag flash back sa utak ko ang nakita kong paghahalikan ni Kresh at Kasper.

Sa sobrang inis ko madiin ang pagkakahawak ko sa manibela kaya mas lalong bumilis ang takbo ng kotse ang sarap magpakamatay.

Mabilis akong naka uwi sa bahay bumaba na ako sa kotse at mabilis na nagtungo sa kusina upang kumuha ng alak limang bote ang kinuha ko baka kapag na ubos ko ang lahat ng 'to maalis ang sakit na nararamdaman ko. Nagtungo ako sa kwarto at hindi ko na nilock ang pinto.

Bawat pag-inom ko ng alak ang siyang pagtulo ng aking mga luha. Kabaklaan ang umiyak pero mahal ko ang pinag-uusapan dito kaya napaka sakit 'non para sa akin.

"B--bakit mo a--ako n--niloko Kresh ?" Sabi ko habang umiiyak inihagis ko ang bote ng alak at nabasag 'to.

Malapit ko ng maubos ang panghuling alak na iniinom ko ng lumapit sa akin si Jane. Kinuha niya sa kamay ko ang bote ng alak hindi ko napigilan na hindi umiyak sa harapan ni Jane dahil sa mga oras na 'to kailangan ko ng taong nasa tabi ko yung kayang magpapagaan ng sakit na nararamdaman ko.

Yumakap ako kay Jane at naramdaman ko na niyakap niya din ako. Para sa akin walang malisya 'to dahil kaibigan ko na lang siya at wala na akong nararamdaman sa kanya. Kinausap niya ako kung pwede pa ba kaming magkabalikan pero hindi ako pumayag dahil may iba ng nagpapatibok ng puso ko walang iba kundi si Kresh Dela Fuente.

Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap at hinalikan niya ako sa labi, nabigla ako sa ginawa ni Jane gusto ko sana siyang itulak palayo pero pagtingin ko sa kanya naging si Kresh siya kaya gumanti ako ng halik.

Lumalalim ang halik ko sa kanya nakikita ng mata ko na si Kresh ang kahalikan ko at hindi si Jane. Napahiga na kami sa kama at naipasok ko ang kamay ko sa loob ng damit niya.

Bumukas ang pinto bumungad sa amin si Kresh na nakatulala at may tumulong luha sa kanya mata. Ibinalik ko ang paningin ko sa aking kahalikan na gulat ako dahil si Jane pala ang kahalikan ko at hindi si Kresh.

Tumakbo si Kresh palabas ng kwarto kaya hinabol ko siya.

"F*ck ! Kresh wait !" Sigaw ko.

Pababa na sana siya ng hagdan ng mahawakan ko siya sa kamay at mabilis ko siyang niyakap.

"Yung nakita mo kani---" Hindi pa ako tapos mag salita ng itulak niya ako at sampalin sa mukha.

"O--ok na no n--need to explain ! So p--patas na tayo ngayon ! pumunta ako para makausap ka tapos g--ganon lang ang maabutan ko !" Sigaw niya sa akin habang patuloy siyang umiiyak.

Umalis siya sa aking harapan at bumaba ng hagdan nakita ko siyang lumabas ng mansyon habang patuloy na umiiyak. Gusto ko sana siyang habulin kaso hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ang tanga mo Zebren !" Sigaw ko.

Inihagis ko ang vase na nasa gilid ko kaya na basag 'to at naramdaman ko na may dugong dumadaloy sa aking kamay. Hindi ko nararamdaman ang sakit ng sugat dahil mas malala pa 'to sa sakit na nararamdaman ko.

Lumabas ng kwarto si Jane at hinawakan ang kamay kong may sugat.

"Ayos ka lang ba ? gamutin natin ang sugat mo" Sabi niya.

Nag dilim ang paningin ko kay Jane kung 'di dahil sa kanya 'di sana naging komplikado ang lahat.

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa kanyang braso.

"Aray Zebren  ! nasasaktan ako bitawan mo ako !"

"Talagang masasaktan ka ! Dahi sayo naging mas komplikado ang lahat ! Umalis kana baka kung ano pa ang magawa ko sayo" Inis na sabi ko.

Binitawan ko ang kanyang braso at mabilis siyang lumabas ng mansyon.

"Ang bobo ko ! Ano na naman bang katangan ang nagawa ko ! Fvck !" Inuntog ko ang aking ulo sa pader at pinagsisipa ko ang pinto ng kwarto ko.

Kailangan kong makausap si Kresh sa lalong madaling panahon. Mabilis akong lumabas ng mansyon at sumakay ng kotse ko para hanapin si Kresh dahil pag may nangyaring masama sa kanya 'di ko mapapatawad ang aking sarili...

...

Salamat dahil sa inyo malapit ng matapos ang kwento na 'to

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔On viuen les histories. Descobreix ara