Chapter 2 : Contract

8.3K 179 6
                                    

Nasa harap ako ng isang malaking bahay o mas magandang sabihin na isang mansyon. Kailangan ko ng trabaho at matutuluyan dahil pinalayas si ako, baka mamaya sa kangkungan ako nito pulutin.

Kanina pa ako nagdo-doorbell pero wala akong nakikitang lumalapit sa gate na 'to na ubod ng laki. Grabe hindi ako makapaniwala na may gantong kalaking bahay sa Nispero na mala palasyo ang ganda. Sa taas ng malaking gate na 'to may nakalagay na "Blare's Family". So 'yan pala ang apelyido nila.


"Tao po ! May tao ba dyan ? Mag aapply sana ako bilangang maid nyo !" Sigaw ko sa tapat ng malaking gate.


Malas ko talaga sa araw na 'to, ano matutulog ako sa kalsada !? Letche naman ! pati ba naman ang kapalaran ko 'di na umaayon sa mga gusto ko !. Tumalikod na ako para umalis ng may narinig akong kaluskos sa gate kaya humaharap ako. Tumambad sa akin ang matandang babae na may puti ang buhok at kulubot ang kanyang mukha.


"Pasensiya na Iha ! May tinapos pa kasi ako sa loob ng Mansyon"


"Ayos lang po ! Nakita ko po kasi na naghahanap po kayo ng maid para sa isang Monster ?" Kamot batok kong tanong.


"Oo ! Umalis kasi kanina ang bagong maid dito sa mansyon"


Bakit kaya ? Baka naman mahigpit ang amo nila dito o 'di kaya pinag mamalupitan sila.


"Bakit naman po ?"


"Nako ! Wag mo ng alamin mahabang istorya" Sabi niya.


Kung titingnan ng mabuti si lola mabait siya, simple at hindi mataray. Hindi katulad ng ibang matanda na ang sungit. Palibhasa wala ng dalaw kaya nagsusungit na sila.


"Ako si Manang Fely o Lola Fely... At ikaw iha anong pangalan mo ?". Tanong niya.


"Ako po si Kresh Dela Fuente, 17 years old na po ako".


"Halina't sumunod ka sa akin".


Naisara na ni Manang Fely ang gate at nagsimula na siyang maglakad. Nakasunod ako sa likuran ni Manang Fely habang naglalakad hindi ko maiwasang 'di mamangha sa ganda at ayos nitong mansyon.


Kung titingnan mo ng mabuti may fountain sa gitna ng Mansyon at napapaligiran 'to ng mga halaman. Sa kanang bahagi naman ay isang garden na mayroong rosas at sunflower. Sa kaliwang bahagi naman mukha siyang park na maliit lamang. Inshort perfect kung ako ang nakatira dito siguro nagmukha akong prinsesa.


"Wow ! Ang ganda naman po dito sa mansyon na 'to Manang Fely !"


"Nako iha ! Mas magagandahan kapa kapag nasa loob kana ng mansyon ni Mr. Blare"


Huh ? Sino naman si Mr.Blare ? Hindi kaya siya ang may ari ng mansyon na 'to ?

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now