Chapter 17 : Sick

5.9K 128 3
                                    

Habang binaba ang chapter na ito iplay nyo ang kantang 'to...

...

<Zebren POV>...

Ang aga-aga masama na ang aking pakiramdam feeling ko mabibiyak ang ulo ko. Hindi na ako pumasok dahil hindi ko kayang bumangon.

"Nasanaan kaya si Pangit ?"

Ewan ko ba kung bakit ko siya hinahanap, bumukas ang pinto ng kwarto at napatingin ako doon. May dalang soup at gamot si Manang Fely inilapag niya 'yon sa maliit na lamesa.

"Kamusta ang pakiramdam mo anak... Ayos ka lang ba ?" Tanong niya.

"I'm fine Manang Fely... Thank you po" Sagot ko.

"Nako wala 'yon basta ikaw" Masayang sabi ni Manang Fely

Bata pa lang ako si Manang Fely na ang nag alaga sa akin after mawala si Mommy sa amin. Halos siya na ang nag silbing Mommy ko. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil laging siyang nandyan sa tabi ko. At siya naman ang nasasandalan ko sa mga problema.

"Pumasok na po ba si Kresh ?" Tanong ko.

"Uyy ! Hinahanap si Kresh Dela Fuente... Sabihin mo nga sa akin anak may gusto kaba sa kanya ?" Tanong ni Manang Fely.

"MANANG FELY ! Wala akong gusto kay Kresh tinatanong ko lang po kung nakapasok na siya"

Tumawa si Manang Fely at pinakain ako ng dala niyang soup. May nararamdaman ba ako para kay Kresh ? Kahit ako nalilito sa mga bagay na 'yan.

"Alam mo anak bagay kayo ni Kresh. Mabait siya at maganda higit sa lahat masipag pwede na mag asawa"

"Sus ! Manang ang pangit kaya niya promise"

Itinaas ko ang kanang kamay ko at tumawa ng kaunti si Manang Fely. Oo aaminin kong maganda siya, simple, masipag at mabait pero ang magustuhan ko siya never.

"Kayo talagang mga kabataan ang gulo nyo pagdating sa pag-ibig"

Well ayoko kay Pangit dahil amazona siya baka mamaya mabali pa ang mga buto ko. At higit sa lahat pumuti man ang uwak hinding-hindi ko siya magugustuhan.

"Sige na anak at may tatapusin pa ako. Inumin mo na ang gamot pagkatapos magpahinga kana at tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka" Sabi ni Manang Fely sa akin.

Tumango ako, lumabas na siya at isinara ang pinto. Uminom na ako ng gamot at nagpahinga baka sakali paggising ko ayos na ang aking pakiramdam...

<Kresh POV>...

Last subject na kaya wala ng masyadong nakikinig sa UCSP. Naisip ko si Monster kung ano ang kalagayan niya ngayon.

"Hoy girl ! Tulaley ka na naman dyan may problema ba ?" Tanong ni Chelsey.

"Wala naman, hindi sa lahat ng oras kapagtulala may problema na di mo alam yung iba hobbit lang nila" Sagot ko.

"Oo na, alam ko naman na lagi kang may explanation sa lahat ng bagay" Natatawang sabi niya.

Ang saya ko ngayon dahil success ang plano naming dalawa ni Chelsey. Siguro todo linis sila sa kanilang katawan at todo hilod. Ang saya nilang panoorin sa ganong kalagayan. Alam kong masama ang gumanti pero sila naman ang na una.

"Ang creepy mo naman ngayon, kanina tulala ngayon naman ngumingiti ka dyan mag isa"

"Doon ka nga tumingin kay Maam wag sa akin dahil wala sa mukha ko ang green board !" Inis na sabi ko kay Chelsey.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now