Chapter 3 : Maid

7.2K 177 6
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto na itinuro sa akin ni Manang Fely naka aircon ang loob ng kwarto at may flat screen tv pa. Inayos ko ang aking mga gamit at may cabinet pala sa kwarto na 'to kaya tiniklop ko ang aking mga damit at nilagay 'don. Feeling ko tuloy mayaman na din ako.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko kinuha ko ang litrato nila Mama upang ilagay sa maliit na lamesa.

"Mama at Papa nakahanap na po ako ng trabaho. Promise po yung 15k na maiipon ko ipangtutustos ko 'yon sa aking sarili"

Kung nandito lang sana sila Mama sana mabibigyan ko sila ng sahod at mabibilihan ko sila ng gusto nilang gamit. Ibinaba ko na ang litrato at kinuha ang towel upang maligo.

Pagpasok ko sa cr nakita ko na mayroon itong shower at may bathtub pa. Complete package na siya at may mga shampoo, sabon na din pala dito. Binuksan ko ang shower na sobrang lamig 'yun naman pala may adjustment kung gusto mo ng warm or cold.

Makalipas ang ilang minuto natapos na din akong maligo at nagpapatuyo na lang ng buhok. Pinindot ko ang aircon tumama ang malamig na hangin sa aking mukha.

"Ang sarap sa pakiramdam ng may aircon sa kwarto mo ! Mukhang mapapasarap ako sa pagtulog !" Sigaw ko sa loob ng kwarto.

Nakaramdam ako ng antok kinapa ko ang buhok ko at tuyo na 'to. Sinet ko ang alarm ng 5:00 ng umaga at pinatay ang ilaw.

...

(Idol By BTS) Alarm Clock...

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko kaya mabilis akong bumangon at nagtungo sa CR upang maligo. Natataranta ako dahil sabi ni Manang Fely dapat 5:00 gising na at bawal ang malate.

Hindi na ako nagshampoo bahala na hindi naman nila ako aamuyin at isa pa sila na nga ang nakiki amoy sila pa ang maarte. Mabilis akong nagsuot na pang maid na damit at tinali ko ang aking buhok. Naglagay ako ng light na make up at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Ikaw ba ang bagong maid ni sir Zebren ?" Tanong ng babaeng mistisa, matangos ang kanyang ilong na mayroong mapupulang labi.

Ganda niya mga teh ! Noong nagpaulan ng kagandahan late na akong ginising ni Mama sayang tuloy huhuhu !.

"Ako nga bakit may problema ba ?"

"Nako ! Masungit 'yon si Sir Zebren at nakakatakot pa, wala kayang nagtatagal sa ugali niya dahil sobrang tigas ng ulo at napaka pasaway !" Sabi niya

Oh my gosh ! Anong klaseng matigas na ulo ang sinasabi niya ? Hmmm... Erase ! Erase ! Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak ko jusko po !.

"Nako ! Ako sa oras na sungitan niya lagot siya sa akin !" Tinaas ko ang aking kamao.

"Ako nga pala si Chelsey... Ikaw anong pangalan mo ?" Tanong niya

"Ako si Kresh nice to meet you !" Masayang sabi ko.

Nakipag handshake sa akin si Chelsey at tinanggap ko ang offer niya na maging magkaibigan kami para may ka close na ako sa mansyon na 'to. Hindi parin ako makapaniwalang nandito ako sa loob ng mansyon ng pamilyang Blare.

Naagaw ang atensyon namin ni Chelsey ng may sumigaw sa aming pwesto at may nakalagay na pangalan sa gilid ng kanyang dibdib.

"Hoy ! kayong dalawa anong tinatanga-tanga nyo dyan ? baka isumbong ko kayo kay Mr.Blare para matanggal kayo !" Sigaw niya tinarayan niya ako bago siya umalis.

"Ellaine Rodriguez ? Anong problema niya ang sungit !" Sabi ko.

"Nako Kresh wag mo na lang 'yan pansinin isa lamang siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Mr.Blare. Alam mo masama na kung masama pero napaka sipsip ng babaeng 'yan nakakainis !".

Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin dahil na babasa ko sa kanyang mukha na ayaw niya na nandito ako sa mansyon. Agad kaming nagtungo sa kusina upang tulungan silang maglagay ng pagkain sa lamesa.

Inilagay ko sa lamesa ang hotdog at kanin inayos ko din ang lamesa kasama ang spoon at pork. Dapat makita ako ni Mr.Blare na masipag dahil napaka laki ng utang na loob ko sa kanya dahil tinanggap niya ako bilang katulong ng kanyang anak.

"Sus ! Masyadong pabida kabago-bago palang nagpapakitang gilas na !" Pagpaparinig ni Ellaine.

Hindi ko na lamang siya pinansin at bumalik sa kusina baka sakaling may kailangan pang gawin. Kinausap ako ni Manang Fely na linisin ang kwarto ni Zebren pagkatapos kumain ni Mr.Blare at Mrs.Blare na bago niyang asawa.

Tinawag ako ni Chelsey na dalhin ang baso kala Mr.Blare at lagyan ko na din daw ng tubig ang baso. Sinunod ko ang sinasabi ni Chelsey at mabilis akong pumunta sa lamesa nila Mr.Blare para lagyan ang baso ng tubig.

Inilapag ko ang baso ngumiti sa akin si Mr.Blare kaya naman ngumiti din ako. Habang naglalagay ng tubig sa kanilang baso tinabig ako ni Ellaine kaya natapon ang tubig sa damit ni Mrs.Blare nakilala ko siya dahil na kwento siya sa akin ni Manang Fely.

"Oh my god ! Bobita ka nakakainis ! Kabago-bago mo palang palpak na !" Sigaw ni Mrs. Blare nagtawanan ang grupo nila Ellaine sa kanilang nasaksihan.

"Pasensiya na po Mrs.Blare hindi ko po sinasadya" Hinawakan ko ang damit ni Mrs.Blare at pinunasan ko ang kanyang damit gamit ang tissue.

"Don't touch me ! Nakakadiri baka mamaya may germs kapa !" Hinawi ni Mrs.Blare ang aking kamay dahilan para mapatumba ako sa sahig.

Agad lumapit sa akin si Chelsey at Manang Fely tinulungan nila akong tumayo. Pinipigilan ko ang luhang lumabas sa aking mata ayokong makita nila na mahina ako. Lumapit sa akin si Mr.Blare natatakot ako dahil baka sisantihin niya ako.

"Are you alright Ms.Dela Fuente ? I'm sorry sa nagawa ng asawa ko"

Nagulat ako sa sinabi ni Mr.Blare dahil humingi siya ng sorry sa akin. Tumingin ng masama sa akin si Mrs.Blare tumayo siya at umalis, sinundan ni Mr. Blare ang kanyang asawa habang ako nakayuko dahil sa isang aksidenteng di ko naman sinadya.

"Ayos ka lang ba Kresh ?" Tanong ni Manang Fely.

Tumango ako bilang sagot kahit ang totoo ay hindi ako ayos dahil nahihiya ako sa asawa ni Mr. Blare. Tinuro ni Chelsey si Ellaine at nanglaki ang kanyang mata.

"Siya ang may kasalanan kaya natapon ni Kresh ang tubig !" Sigaw ni Chelsey.

"Anong ako ? May ebidensya kaba ? Palibhasa ang tanga kaya na tapon niya ang tubig !" Pagpaparinig ni Ellaine mabilis na lumapit si Chelsey sa pwesto ni Ellaine at hinablot niya ang buhok nito.

"Halika dito ! Napaka maldita mo talaga ! Palibhasa sipsip !" Sigaw ni Chelsey, tumulong ako sa pag awat dahil hindi sila mapigilan ng iba pa naming kasama.

"Tama na Chelsey bitawan mo na ang buhok ko ! Impakta ka !" Sigaw ni Ellane tumigil lang sila sa away nila ng sumigaw si Manang Fely.

"Tumigil na kayo ! Walang kakain ngayong umaga at tanging si Chelsey at Kresh lang ang kakain hanggat hindi nyo natatapos ang gawain ninyo hindi kayo kakain !" Sigaw ni Manang Fely na umalingaw-ngaw sa loob ng mansyon.

"Sige simulan nyo na ang inyong trabaho !" Nagsi-alisin na ang grupo nila Ellaine kasama ang iba pang maid. Sinabihan ako ni Manang Fely na after kong kumain linisin ko na ang kwarto ni Zebren.

Mabilis akong kumain at iniwan ko na si Chelsey dahil napaka bagal niyang kumain. Narinig ko na tinatawag niya ako ngunit hindi ko na lang siya pinansin.

"Hay nako nakakapagod ang araw na 'to. Mahirap palang maging Maid kung ang mga kasama mo naman ay mga demonyo !"

Nakakapod palang maging isang maid ng mga Blare ang sakit sa brain cells ....

....

Salamat nga pala sa mga friends ko ! Labyu guys 😉😂

-Author na cute 😘😍

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now