Chapter 1 : Encounter

11.4K 283 14
                                    

"Aling Cindy wag nyo muna akong paalisin ! Magbabayad ako ng upa sa susunod na linggo promise !" Pagmamaka-awa ko.

"Nako Kresh ! Sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo napaka tagal ng isang linggo ! Umalis kana dahil may lilipat na dito bukas !" Sigaw niya sa akin.

Napaka malas ko sa araw na 'to tinanggal na nga ako sa trabaho pati ba naman sa inuupahan ko pinapalayas ako.

"Aling Cindy ! Maawa na po kayo sa akin wala po akong mapupuntahan kahit isang gabi pa po !"

Lumuhod ako sa harap ni Aling Cindy para akong isang paslit na nagmamaka-awang bilhan ng candy. Wala akong pake kahit mag mukha akong tanga sa harap niya. Ang mas importante sa akin ay wag akong paalisin dito sa inuupahan ko.

"Ang kulit mo talaga Kresh ! Kahit umiyak kapa dyan at lumuhod sa harapan ko buo na ang desisyon ko !"

Inihagis ni Aling Cindy ang mga gamit ko sa labas ng kalsada kaya agad kong kinuha ang mga gamit na nagkalat sa daan. Inilibot ko ang aking paningin pinagtitinginan na pala ako ng mga tao sa kalsada. Kita ko sa kanilang mga mata ang awa at habang ang iba naman ay masaya sa kanilang nakikita.

"Kawawa naman siya, wala na nga ang mga magulang niya pinalayas pa ni Aling Cindy"

"Nako ! Bagay lang sa kanya yan masyado kasing pabibo !"

"Salamat naman at mawawala na sa lugar natin si Kresh ! Malas kasi siya dito sa lugar natin"

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko sa mga chismosa kong kapitbahay na walang inatupag kundi pag-usapan ang buhay ng iba. Actually bagay silang magreporter tutal gising naman sila 24 hours at doon naman sila magaling. Ang sarap putulan ng mga dila at ipakain sa pirana gigil si ako !.

Nang makuha ko na ang mga gamit ko at naayos 'to, na isipan kong batuhin ang bahay ni Aling Cindy bilang pang bawi sa ugali niya. Actually matagal na akong nagtitimpi sa ugali ng matandang 'to ang sarap bigwasan.

"Yan bagay lang 'yan sa inyo ! Kala mo naman ang ganda ng paupahan mo ! Para sabihin ko sayo ang pangit ng paupahan mo bulok !" Sigaw ko sa tapat ng bahay ni Aling Cindy.

Nagsimula na akong maglakad at bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Gabi na wala ng masyadong tao sa kalsada kaya nakaramdam ako ng takot.

Ang dami kong dalang gamit para tuloy akong pupunta sa ibang bansa para magtrabaho. Ilang minuto na din akong naglalakad kaya nakaramdam ako ng pagod at nagpahinga sa gilid ng kalsada, kinuha ko ang litrato ni mama at papa na tanging na iwan sa akin. Tiningnan ko ang litrato at sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari noon na ngayon ay kinalimutan ko na.

Flash Back...

"Anak pupunta lang kami ng Papa mo sa probinsya dahil may aasikasuhin kami, kaya ikaw wag kang magpapasaway sa Tita at Tito mo"

"Oo naman po Mama ! basta promise nyo na babalik kayo agad ah !"

"Oo naman babalik kami agad promise !" Sabi ni mama at itinaas niya ang kanyang kanang kamay bilang panunumpa.

Niyakap ako ni Mama ng napaka higpit yung tipong 'yun na ang huli naming pagkikita. Nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko 'yun pinansin tanging yakap ni Mama ang nasa isipan ko.

"Tandaan mo anak mahal na mahal ka namin ng Mama mo !" Sabi ni papa.

"I love you Mama at Papa"

"I love you too din anak" Sabi ni Mama at Papa sa akin.

Nagyakapan ulit kami nila Mama at umalis na sila ni Papa sakay ng isang motor. Lumabas ako ng bahay at hinabol ko 'yun habang umiiyak.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now