Chapter 37 : Death Treat

4.3K 99 5
                                    

After ng ginawa ni Zebren kahapon sa Open Field halos kiligin ako sa tuwing na iisip ko ang ginawa niya dahil ang sweet 'non para sa akin. Ewan ko ba pero parang gusto ko pang maulit mangyari ang eksena na 'yon. Hindi mawala-wala ang mga ngiti at saya na nararamdaman ko.

"Kailan ang kasal natin Kresh ?" Tanong ni Manang Fely.

What ! Kasala agad ?! Di muna pwedeng mag jowa ? masyado naman advance mag-isip si Manang Fely pero pwede na din 'yon hehehe.

Ang tanong magiging kami ba ni Zebren hanggang dulo ? pero umaasa ako na sana siya yung taong makakasama ko habang buhay.

"Manang Fely anong kasal agad ? masyado pa pong mabilis para sa bagay na 'yan" Sabi ko habang naghuhugas ng plato.

Napansin ko na hindi sumabay si Zebren sa pagkain ng almusal kala Mr.Blare kaya na isipan kong dalhan siya ng pagkain sa kwarto niya.

Nasa tapat na ako ng kwarto niya ng makita kong may kausap siya sa phone narinig ko na may pinag-uusapan sila.

"Wag mong susubukan sabihin ang lahat ng nalaman mo dahil tapos na 'yon itinigil ko na ang plano !" Inis na sabi niya.

Huh ? plano ? ano naman kaya ang plano na itinigil ni Zebren ? sino bang kausap niya sa phone ? jusko pati mga brain cells ko nakikipagchismisan narin.

"Wag mo akong subukan Zebren dahil kaya kong gawin ang mga gusto ko !" Sigaw ng kausap niya sa phone.

Narinig kong binato ni Zebren ang phone niya kaya pumasok ako agad sa kanyang kwarto dahil nag aalala ako para sa kanya. Sino ba ang kausap ni Zebren at ganon na lang ang kanyang reaksyon after nilang magusap ?.

Inilapag ko sa maliit niyang lamesa ang kanyang almusal. Nakita ko siyang naka upo sa lapag habang nakahawak sa kanyang ulo kaya mabilis akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"Ayos ka lang ba ? Sino ba ang kausap mo at parang galit na galit ka ?" Tanong ko.

Nakatingin siya sa akin na akala mo nakakita ng multo sa harap niya. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya ano bang nangyayari ? May dapat ba akong malaman interms sa plano niya ?.

"N--narinig mo ba lahat ng sinabi ko ?" Tanong niya.

Tumango ako at nanglaki ang kanyag mata hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod sa aking harapan.

"Tell me anong narinig mo ?. Sorry pero dati 'yon at hindi na ngayon maniwala ka sana Kresh" Sabi niya.

Hala nababaliw na ata si Zebren anong pinagsasabi ng lalaking 'to ang oa niya naman. Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak ko siya palapit sa maliit na upuan dahil oras na para mag-almusal.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan ? alam mo nakakatakot ka din minsan. Ang narinig ko lang ay yung plano mo na hindi mo na tinuloy 'yun lang" Sabi ko.

Nakinga siya ng maluwag sa sinabi ko napa kunot ang kanyang noo ng makita niyang dinalhan ko siya ng almusal sa kwarto niya.

"Is this for me babe ?" Sabi niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Potragis ! babe daw oh my galis kinikilig akes wahhh ! ang cute pakinggan ng babe kaya pwede na pero kapag kami na tyaka doon niya lang ako pwedeng tawagin.

"Hep hep hep ! hindi pa tayo kaya wag mo muna akong tawagin na babe" Sabi ko.

Lumungkot ang mukh niya dahil sa kanyang narinig kaya natawa ako. Ang cute niyang tingnan para siyang bata na nanghihingi ng piso a nanay niya.

"Kailan mo ba kasi ako sasagutin ? ang taga na kitang nililigawan pero hindi mo parin ako sinasagot" Nakabusangot na sabi niya.

Kailan ko nga ba siya sasagutin ? not now but soon sasagutin ko din siya. Natatakot kasi akong pumasok sa relationship dahil baka masaktan ako at kapag nangyari 'yon di ko alam kung paano magmomove on dahil first boyfriend ko siya. At isa pa may possibility na ipagpalit niya din ako sa iba.

"Hindi ko alam... Nako bilisan mo na dyan dahil papasok kapa mauuna na ako dahil may test kami sa first subject namin" Sabi ko.

Nasa labas na ako ng kwarto niya ng tawagin niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa kanyang direksyon.

"Kresh may nakalimutan akong gawin sayo !" Sigaw niya.

Napataas ang kilay ko at mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ko sabay halik sa pisngi ko. Nanigas ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya, pesteng 'yan halik pa lang 'yun sa pisngi pero ang lakas na ng tama sa akin.

"Yan yung nakalimutan ko... Salamat nga pala sa almusal na inihanda mo sa akin babe" Ngisi niya sabay sarado ng pinto.

Para akong tanga sa aking kinatatayuan napa hawak ako sa pisngi ko at mabilis akong bumaba dahil malelate na pala ako sa klase.

After kong magbihis lumabas na ako sa kwarto ko at tumambad sa harapan ko si Chelsey na pakatok pa lang sa pinto.

"Jusko ko po ! Sa wakas at naisipan mo na ding lumabas kanina pa kaya ako dito" Sabi niya.

Hinatak ko siya palabas ng mansyon at sumakay na kami ng kotse papunta sa Academy. Nakatingin sa akin sila Chelsey at Mang Jose may dumi ba ang mukha ko ?...

"May problema po ba ?" Tanong ko.

"Wala naman iha ang blooming mo kasi 'yan pala ang epekto kapag inlove ka kay Zebren" Sabi Mang Jose.

Nagtawanan silang dalawa ni Chelsey at nagsimula ng paandarin ni Mang Jose ang kotse. Huhuhu pinagkakaisan nila akong dalawa.

Hindi naman traffic kaya mabilis kaming nakarating sa Academy. Bumaba na ako at nagtungo sa hallway dahil ilalagay ko ang ibang gamit ko sa locker. Masyado madaming libro sa bag ko baka mamaya maging kuba ako nito.

"Sige na Chelsey mauna kana at susunod na lang ako"

Tumango siya sa sinabi ko kaya nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. Binuksan ko ang locker ko at inilagay 'don ang ibang libro. May napansin akong papel na naka ipit sa diary ko kaya mabilis kong kinuha 'yon at binasa.

To: Kresh Dela Fuente

Are you happy right know ? well sulitin mo na ang masasayang oras mo dahil bilang na ang mga araw mo. At isa pa pala magpakasaya kana dahil kukunin ko ang dapat ay nasa akin. Alam mo may pagkamalandi ka din pala kala ko isa kang anghel pero nagkamali ako

See you soon my beautiful enemy ingat sa life mo sige ka baka mamaya patay kana pala hahaha !

From: Unknown

Pagkatapos kong basahin ang mga naka sulat sa papel nanginginig ang kaming mga kamay at tuhod. Kinakabahan ako sa mga oras na 'to dahil may death treat akong nakuha mula sa isang taong di ko naman kilala.

Inilibot ko ang paningin sa buong hallway at nagbabakasakali na nandito pa ang nag bigay ng sulat pero wala naman akong nakita na kahina-hinala na kilos.

Itinapon ko ang papel sa basurahan at sinarado ang locker ko at mabilis akong nagtungo sa klase kahit wala ako sa aking sarili dahil patuloy na pumapasok sa isip ko ang natanggap kong sulat.

Sisiguraduhin ko na hindi siya magwawagi sa plano niya. Hindi ako magpapatalo kahit buhay ko pa ang kapalit dahil hindi ako natatakot sa kanya...

...

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa super duper thank you po

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon