Chapter 43 : The Devils

4.2K 75 1
                                    

<Kresh POV>...

Nagising ako sa tubig na binuhos sa aking katawan. Nanghihina ako dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa aking sikmura.
Di ko lubos maisip na kayang gawin sa akin ni Kasper ang bagay na 'yon. Nakatali ang mga kamay at paa ko kaya hindi ako makagalaw.

"Gumising kana dyan dahil tapos na ang pagiging buhay prinsesa mo" Sabi ng babaeng may kahabaan ang buhok.

Inilibot ko ang aking paningin nasa bodega ako na kung saan napapaligiran ng mga bakal at iba pang kagamitan na may kalumaan na. Nagsalita ulit ang babae kaya tumingin ako sa kanyang direksyon.

"Jane ?!... Syndra ?!... Kasper ?! Ano bang kabaliwan 'to ?" Tanong ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit sila magkakasama. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa aking dibdib nakakatakot ang awra na bumabalot sa kanilang katawan.

"Hindi 'to kabaliwan Kresh Dela Fuente ang tawag dito reunion !" Natatawang sabi ni Jane.

Anong pinagsasabi ng babaeng 'to ? nababaliw na namam ata siya iba talaga epekto kapag takas mental.

Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking buhok halos diinan niya ang pagkakahawak nito. Halos sumakit ang anit ko dahil sa ginagawa niya.

"Nasasaktan ako Jane ! Tama na !" Sabi ko habang napapainda sa sakit.

"Wow nasasaktan ka pala kala ko kasi manhid kang tao 'di naman pala" Pangaasar niya sa akin.

Lumayo siya sa akin at may binunot siyang baril sa kanyang bulsa. Nanglaki ang aking mga mata at halos di ako makahinga sa aking kinauupuan. Ano bang nangyayari ? Bakit nila ginagawa 'to ?.

"Ano kayang mangyayari sayo kapag pinutok ko ang baril na 'to ?" Tanong niya sa akin at itinutok niya ang baril sa aking direksyon.

Walang lumalabas na boses sa aking bibig para akong binuhasan na yelo. Mas lalo akong kinabahan sa posibleng mangyari ngayong araw.

Kailangan kong makatakas dito dahil alam ko na may balak silang masama sa akin.

"B--bakit nyo ba 'to g-ginagawa ?" Nauutal na sabi ko.

Pinipigilan ko ang aking takot dahil ayokong makita nila na mahina ako sa mga oras na 'to. Kailangan kong lumunok ng sampung bato ni Darna at basbas ni Wonder women para maka survive.

"Simple lang it's time to pay back Kresh Dela Fuente ! Kabayaran 'to sa pang-aagaw mo kay Zebren, actually 'di naman aabot sa ganito ang lahat kung di ka niya nakilala" Sigaw sa akin ni Jane.

Masyado siyang desperada kay Zebren palibhasa may kalandian din sa sarili...

"Diba kasalanan mo din naman ? Kung di mo iniwan si Zebren edi sana kayo pang dalawa ! Ang sabihin mo malandi ka !" Sigaw ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inihampas ang hawak niyang baril. Nahilo ako sa ginawa niya naramdaman ko na mag umaagos na dugo sa aking ulo. Napangiwi ang aking bibig dahil sa sakit ng paghampas niya.

"Yan lang ba ang kaya mo ? Ang lumaban ng hindi patas ?" Sabi ko.

Tumawa siya ng napaka lakas at itinutok ang baril sa aking ulo. Nanginginig na ang aking mga tuhod ano mang oras ay mapapaluhod na ako.

"Mamaya mo na siya patayin dahil may hihintayin pa tayong bisita" Sabi ni Kasper kay Jane.

Lumapit sa akin si Kasper at hinalikan ako sa aking labi. Sinipa ko siya sa kanyang tuhod kaya napa atras siya.

"Aba ! pumapalag pa si baby girl ko ! Ito ang bagay sayo !" Sabi niya.

Sinampal niya ako ng dalawang beses sa aking mukha at pumutok ang labi ko sa ginawa niya. Halos maiyak na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

"B--bakit pati i--ikaw Kasper ? Sabi mo magkaibigan na t-tayo pero anong ibig sabihin n-nito ?" Nauutal na tanong ko.

Tumulo ang aking mga luha dahil di ako makapaniwala na ang mabait na Kasper ay may tinatagong ka demonyohan sa sarili. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata galit at poot ang nakikita ko doon 'di ko makita ang Kasper na nakilala ko.

"Dahil lahat na lang ng importante sa akin ay inaagaw niya !" Sabi niya.

Tumalikod na siya sa akin at lumabas ng bodega. Gusto kong makita ulit ang Kasper na nakilala ko pero huli na ang lahat para sa bagay na 'yon. Lumabas na din si Syndra at kaming dalawa na lang ang na iwan.

"Alam mo na kung sino ang hinihintay naming bisita ?" Tanong sa akin ni Jane.

Napakunot ang aking noo sa tanong niya. May bisita na darating pero sino naman kaya siya ?.

"Walang iba kundi si Zebren ! Alam mo may balak kaming patayin si Zebren Blare tapos isusunod ka namin" Ngisi niya sa akin.

After kong marinig ang pangalan ni Zebren tumulo ang mga luha ko dahil naalala ko ang mga nasabi ko sa kanya at hindi lang naman kami nakapagpatawad sa isa't-isa. Bakit pati si Zebren idadamay nila ? Ano ba ang ginawa ng lalaki na 'yon sa kanila ?.

"Diba ako ang gusto niyong patayin ?! Bakit idadamay nyo pa si Zebren !" Sigaw ko sa kanyang mukha habang tumutulo ang aking mga luha.

"Siguro dahil trip lang namin ? Wag kang umiyak dyan di kasi bagay sayo ! Gagawin naming romeo at juliet ang love story niyong dalawa ! HAHAHA !" Natatawang sabi ni Jane.

Lumabas na siya ng bodega at ako na lang naiwan mag isa. Natulala ako sa mga narinig ko. Hindi ko na marinig ang bawat tibok ng puso dahil sa mga narinig ko kay Jane. Kailangan kong makahanap ng paraan para mapigilan ang kanilang plano.

Hindi ako papayag na madamay si Zebren sa kabaliwan nilang tatlo. Kailangan kong makatakas at matanggal ang nakatili sa aking katawan. Inilibot ko ang aking painingin naka kita ako ng bubog kaya inuusog ko ang upuan papunta doon. Hirap na hirap ako dahil nakatali ang katawan ko.

"Unti na lang ! Konting-konti na lang ! Gotcha !" Sabi ko at mabilis na kinakaskas ang bubog sa tali...

...

So yan maraming salamat nga pala sa mga taong nagagandahan kahit pangit yung story ko

Keep reading guysue and don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now