Chapter 35 : Date 2.0

4.9K 108 13
                                    

Iplay nyo ang kantang 'to para happy diba ?! HAHAHA...

...

<Kresh POV>...

Nagising ako dahil sa kakayugyog ni Chelsey sa balikat ko. Peste talaga 'tong babae na 'to panira ng tulog. Ang sarap ng tulog mo tapos bigla kang gigisingin sarap manapak !.

"Ano ba naman kasi ! Natutulog pa ako" Naka simangot na sabi ko.

"Gaga ka ! Bumaba na lahat ikaw tulog pa din nasa Palawan na tayo girl !"

Nakahiga pala ako sa van at kami na lang ni Chelsey ang tao dito. Bumangon agad ako at kinusot ko ang aking mata. Tumingin ako sa phone ko mag 5:00 palang ng umaga. Mukhang napa sarap ang tulog ko.

"Bakit hindi mo ako ginising ? Nakakahiya kala Mr.Blare"

"Gaga ! Ginigising ka ni Sir Zebren kanina sa balikat niya pero ayaw mo naman magising kaya ang ginawa niya pinahiga ka para daw komportable kang matulog... Alam mo kinikilig ako sa inyong dalawa ni Sir Zebren !" Kinikilig na sabi ni Chelsey.

Umiral na naman ang kaharutan ng babaeng 'to, lumabas na ako sa van kasabay si Chelsey sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nakakagaan sa pakiramdam ang sarap mag relax ngayon.

"Wahhh finally I'm here na sa Palawan kala ko di na kita mapupuntahan !" Sigaw ni Chelsey sa parking lot.

Tinakpan ko ang bunganga niya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Hinila ko siya palapit sa kinaroroonan nila Mr.Blare dahil papasok na sila sa hotel, kung titingnan mabuti maganda at mataas itong hotel na tutuluyan namin mamahalin 'to for sure.

"Aray naman teh ! Pwede mo na akong bitawan masyadong masakit kaloka" Reklamo ni Chelsey.

Dala ni Mang Jose ang gamit ko kaya agad kong kinuha 'yon at nagpasalamat. Nagsimula ng maglakad si Mr.Blare kaya sumunod na kaming lahat.

"Hiwalay ang mga lalaki sa mga babae pero maliban sa amin ni Mrs." Sabi ni Mr.Blare habang magkaholding hands sila ni Mrs.Blare.

Sumakay kami sa elevator feeling ko nawawala ang kaluluwa ko sa katawan tuwing nasa elevator ako. Huminto ang elevator sa ika sampung palapag nagsilabasan na kami dala ang aming mga gamit.

"Room 612 sila Kresh, Chelsey, Manang Fely at si Ellaine... The rest na babae ay sa room 613 and 614... Understood ?" Tanong ni Mr.Blare.

Tumango kaming lahat at nagsipuntahan sa room na sinabi ni Mr. Blare. Room 611 si Zebren habang sila Mr.Blare at Mrs.Blare ay Room 610.

Papasok na sana ako ako sa room ng hawakan ni Zebren ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya at nag taasan ang aking balahibo sa aking katawan.

"Lumabas ka ng room mo mga bandang 9 am dahil may iuutos ako sayo" Sabi niya.

Hinawi ko ang kamay niya sa aking braso at sinaraduhan ko siya ng pinto. Letche talaga napaka lakas talaga ng tama sa akin ni Monster.

Nakita ko na apat ang kama at sobrang ganda, may flat screen sila na tv at may balkonahe pa. Sumilip ako doon at tumambad sa akin ang dagat na kulay asul. Nakita ko na paangat na ang araw dahil 6:00 am na ng umaga.

Inayos ko na ang mga gamit ko para mamaya walang problema. Nakita ko na tulog silang tatlo nagpalundag-lundag ako sa kama dahil sa sobrang lambot nito. Dahil hindi naman ako dinadalaw ng antok lumabas ako sa room at naisipan kong umupo sa tabing dagat.

Ang puti ng buhangin at napaka sariwa ng hangin na tumatama sa aking mukha. Nakaka relax tuloy ang gantong eksena at ang tubig dagat malinis walang bahid ng basura. Ipinikit ko ang aking mata dahil gusto kong damhin ang sariwang hangin.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now