Chapter 32 : Falling Inlove

4.6K 92 3
                                    

<Zebren POV>...

F*ck na iinis ako sa mga banat ni Kasper kay Kresh so annoying. Kung tutuusin mas gwapo pa ako sa kanya. Ano bang nakita ni Kresh sa lalaking 'yon ? Di hamak na mas hot ako kaysa sa kanya. Papatayin ko ang lalaking 'yon kapag siya ang pinili ni Kresh.

"Nagseselos ka bro ! Lakas talaga ng tama mo kay Kresh !" Pang-aasar ni Silon sa 'kin.

"Sabihin mo nga ang totoo... Gusto mo na siya ?" Tanong ni Silon.

Oo ! Gusto ko na si Kresh, gusto ko ako lang ang nagpapangiti sa kanya at wala ng iba. Yung nangyari kanina sa library gusto kong sapakin si Kasper ang pangit ng mga banat niya kay Kresh masyadong luma. At the same time na iinis din ako kay Kresh dahil parang gusto niya din ang sinasabi sa kanya ni Kasper.

"Oo ! Nagseselos ako kasi akin lang si Kresh"

"What if... Aminin mo sa kanya na gusto mo siya ?" Suggest ni Nogor.

"Tama ! Para malaman ni Kresh ang tunay mong nararamdaman sa kanya" Singit ni Silon sa usapan.

Dapat ko na bang sabihin na gusto ko siya ? Natatakot ako na baka wala siyang nararamdaman para sa 'kin.

Ngayon na lang ako nakaranas ng katorpehan simula ng makilala ko si Kresh. Wala na ang dare na liigawan ko siya at iiwan dahil ayoko siyang masaktan.

Pero paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya ?...

"May na isip akong paraan... Sigurado ako na magugustuhan ni Kresh ang gagawin natin " Sabi ni Silon.

Siguraduhin lang nila na hindi kalokohan ang gagawin nila dahil ibabaon ko sila sa lupa. Kapag nakikita ko si Kresh bumibilis ang tibok ng puso ko at bumabagal ang paligid kapag lumalapit siya sa 'kin.

"F*ck na babakla na ata ako ng dahil kay Kresh !" Bulong ko sa aking sarili.

Kailangan ko ng sabihin kay Kresh na gusto ko siya. Baka mamaya maunahan pa ako ni Kasper pangit mahirap na... Maganda si Kresh kaya sure ako na maraming nagkakagusto sa kanya at madami din akong kaagaw pagdating sa kanya.

<Kresh POV>...

Hindi ako makapag concentrate sa lesson dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Zebren kanina. Peste naman kasi bakit kasi napaka complicated ng lahat sakit sa ulo jusko !

"Si Zebren nag seselos Kresh " Sabi ng kaliwang utak ko.

"Ayyiiee ! Si Zebren may gusto sa kanya !" Singit naman ng kanang utak ko.

Putcha naman ! Pati utak ko nakikigulo sa isip ko pag ako na inis dudukutin ko siya. Feel ko nasa nasa langit ang utak ko lumutang at lumilipad.

"Hoy Kresh ! Tulaley kana naman dyan... May problema ba ?" Tanong ni Chelsey.

Humarap ako sa kanila at tiningnan ko sila ng seryoso may gusto kasi akong malaman para matapos na ang lahat ng 'to.

"Chelsey at Natasha may tanong ako sa inyo... Paano mo malalaman na gusto mo na ang isang tao?"

Napangiti sila at nagtinginan sa isa't isa kumuha sila ng papel at may sinusulat sila doon. Ano ba ang trip ng dalawang 'to ? Nagtatanong ako tapos di ako sinagot mga bastos na kaibigan...

"Hoy di nyo ba ako sasagutin ? Bahala kayo dyan F.O na tayo !" Pagsusungit ko.

Tatalikod na sana ako ng batuhin ako ng papel ni Chelsey at Natasha pinilot ko ang papel at binasa ko ang mga nakasulat doon.

Mga sign na gusto mo ang isang tao.

1. Tumitibok ang puso mo kapag nakikita mo siya.

2. May dumadaloy na kuryente sa 'yong katawan kapag hinawakan ka niya.

3. Bumabagal ang paligid kapag nakikita mo siya inshort slow motion.

4. Tumatayo ang mga balahibo kapag naririnig o tumatama ang hininga niya sa katawan mo.

5. Lagi mo siyang naiisip o di naman kaya di ka makatulog.

6. Nagseselos ka.

7. Masaya ka kapag nakita mo siya.

8. Napapatingin ka sa kanya inshort ligaw tingin.

9. Di ka mapakali kapag nandyan siya.

10. Congrats kasi inlove ka nga talaga !...

Napangiwi ang labi ko sa mga nabasa ko tumingin ako kala Natasha at ngiting aso ang dalawa. Nanglaki ang mata ko ng tinawag ako ni Maam sa harapan.

"Ms.Dela Fuente ! Maaari mo bang basahin dito sa harapan ang hawak mong papel"

Mama ! Yari na nakakahiya kong babasahin ko 'to sa harapan ng mga classmate ko. Ano ang gagawin ko ? Hangin tangayin mo na ako please !.

Napayuko na lang sa lamesa si Chelsey at Natasha hindi ko alam kung lalapit ba ako sa harap o hindi. Wahhh ! for sure another kahihiyan na naman 'to sa klase.

"Ms.Dela Fuente ! Lalapit kaba dito sa harapan at babasahin ang hawak mong papel o pupunta ka sa Guidance Office ?" Mataray na sabi ni Maam.

Labag 'to sa kalooban ko pero wala na akong magagawa. Lahat ng classmate ko sa akin nakatingin at hinihintay ang sasabihin ko sa kanila. Yari talaga sa akin sila Natasha mamaya may pabato-bato pa kasi ng papel pwede naman iabot kaloka naman.

Tumayo na ako sa aking upuan at naglakad ako papunta sa harapan nginginig ang mga tuhod ko. Kahit kailan talaga napaka epic fail ko ayaw ko na sa earth di ko na siya love.

Binuklat ko ang papel at sinimulan ko ng basahin ang nakasulat dahil matalino ako iba ang sinabi ko sa harapan. Di ako tanga para sabihin ang nakasulat sa papel dahil malaking kahihiyan 'yun.

"Noong unang panahon payapang namumuhay ang apat na nasyon pero nag bago ang lahat ng sakupin ito ng fire nati--" Di ko pa tapos ang sasabihin ko ng sumigaw na naman si Maam.

"Pinagloloko mo ba ako Ms.Dela Fuente ?! Lumabas kayong tatlo sa klase ko at baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong tatlo"

Ayan na beast mode na si Maam nakakatakot lumabas na ang dragon sa kanyang katawan. Mabilis kaming lumabas ng klase bitbit ang aming mga gamit.

"Gaga ka Kresh ! Kung anu-ano ang sinabi mo sa harapan" Sabi ni Natasha.

"Teka ! Diba sa avatar yung sinabi mo kanina ?" Natatawang sabi ni Chelsey.

Well ako pa ba ? si Kresh ata to tol ! Binatukan ko silang dalawa dahil hindi naman kami mabubuking kung di nila binato sa akin ang papel.

"Aray naman teh ! Sorry naman kasi nagtampo ka agad kaya binato ka namin para maagaw namin ang atensyon mo !" Sabi ni Chelsey habang hinihimas niya ang kanyang ulo.

Walang tao sa labas dahil may klase naisipan namin sa Open Field na lang kami tumambay. Habang naglalakad binasa ko ulit ang hawak kong papel at lahat ng nakasulat doon ay nangyari na sa akin...

"Im totally falling in love to Zebren Blare"

...

Wahhh thank you sa walang sayang pagbabasa nito guysue

Don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now