Chapter 19 : Trap 2.0

5.4K 139 0
                                    

Nasa klase na kami hindi nagproprocess sa utak ko ang itinuturo ni Maam sa amin. Wala ako sa sarili ko dahil hindi mawala sa isip ko ang pesteng yakap ni Monster.

"Kresh... Ayos ka lang ba ? Kanina ka pa wala sa sarili mo" Sabi ni Natasha.

"Oo... May iniisip lang kasi ako"

Inayos ko ang aking pagupo dahil baka pagalitan ako ni Maam. Pinipilit kong intindihin ang lesson pero ayaw talaga.

Wahhh nasaan ang utak ko ngayon ? Lumilipad na naman ata sa universe !...

"Ms.Dela Fuente ! Kanina pa kita napapansin na wala ka sa sarili mo ! Lumapit ka dito sa harap at sagutan mo 'to" Sigaw ni Maam sa harapan.

What ! Di ko nga alam ang sagot dahil hindi magprocess sa utak ko yung lesson. Anong gagawin ko ? For sure wala akong maisasagot.

"Ms.Dela Fuente ! Pupunta kaba sa harap o pupunta ka sa Discipline Room !"

Nakakainis ano bang nangyayari sa akin ? Tumayo na ako dahil baka lumabas ang halimaw sa katawan ni Maam. Bahala na kung hindi ako makasagot.

Kinuha ko na ang chalk at sinimulan sagutan ang nasa green board kahit hindi ko alam. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sure ako na wala akong maisasagot.

"Mrs.Dela Fuente ! Alam mo ba talaga ang gagawin mo ?"

"M--mam kasi hindi ko naman po talaga alam"

Nagtawanan sa buong klase kaya yumuko na lang ako. Pinapunta ako ni maam sa Discipline Room, nakakahiya ang nangyari sa loob ng klase. Nasa harap na ako ng Discipline Room kaya pumasok na ako para matapos na ang lahat ng 'to.

"Ms.Dela Fuente ? Ano ang kailan mo at nandito ka ?" Tanong ng Discipline Head na babae.

"Pinapunta po kasi ako dito ni Maam dahil hindi ako nakikinig sa klase"

May iniabot siya sa akin na mga papel kaya napatingin ako doon. Ano naman kaya ang gagawin ko sa mga 'yan ?

"Ok... So ito na lang ang prusa mo dahil first offense mo pa lang, ilagay mo yan sa imbakan ng mga papel banda sa dulo ng hallway"

Kala ko ang gaan ng mga papel na ito 'yun naman pala ang bigat, parang makukuba ako any time. Nasa hallway na ako at lahat ng nadadaanan kong estudyante ay nakatingin sa akin.

Pag ako nainis dudukutin ko ang mga mata nila at ipapakain ko sa Ogre...

"Diba si Kresh Dela Fuente 'yan ?"

"Bakit may dala siyang mga papel ?"

"Kung ako sa kalagayan niya mahihiya ako"

Tss ! Mga estudyante nga naman ng Werdomz Academy napaka chismoso at chismosa ang sarap tanggalan ng mga dila. Hindi ko na lang sila pinansin dahil sanay na ako sa mga ugali nila.

Nasa dulo na ako ng Hallway napansin kong may pinto kaya binuksan ko 'yon at pumasok para matapos ko na ang gawain na 'to.

"Aray ! Ang sakit ng likod ko... Feeling ko matanda na ako"

Umunat ako para mawala ang sakit ng aking likod. Inilagay ko ang mga papel sa isang sulok. May narinig akong pumasok pero hindi ko 'yon pinansin.

"Siguro ok na 'to dito tutal nasa sulok na ito"

Naisipan ko ng lumabas dahil malapit na ang sunod na klase. Pinihit ko ang doorknob pero ayaw mabuksan.

"Hala! Bakit ayaw bumukas ?"

Sinibukan kong pihitin ang doorknob sa pangalawang pagkakataon pero ayaw talagang mabuksan. Naisipan kong sumigaw baka sakaling may makarinig.

"Tulungan nyo po ako please ! May tao dito sa loob tulong !"

Kailangan ko ng makalabas dahil ayokong makulong sa lugar na 'to. Nakarinig ako ng yabag kaya tumingin ako doon. Nagulat ako na nandito si Zebren.

"A--anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko habang nauutal ako.

Ang ganda ng timing ni destiny palaging wala sa tama ! Destiny pwede makisama ka kahit minsan. Iniiwasan ko nga yung lalaking 'to ikaw naman pinagtatagpo kami.

"May pinadala si Maam sa lugar na 'to at ng aalis na ako hindi na mabuksan ang pinto" Pagpapaliwanag niya.

Napakamalas ko talaga hindi ko dapat makasama ang lalaking 'yan dito. Naiilang ako baka mamaya mahimatay na lang ako.

"Tulungan nyo ako please !'

"Kahit sumigaw kapa ng malakas dyan walang makakarinig sayo dito dahil sound proof ang lugar na 'to"

What ! Hindi pwede ! Ayokong matulog sa lugar na 'to, baka mamaya may multo pa dito. Lumapit siya sa akin kaya natulala ako sa kanya.

"A--anong ginagawa mo ?" Nauutal kong sabi

"Iniiwasan mo ba ako ?"

Ang sarap sabihin sa kanya na "OO INIIWASAN KITA KASI HINDI MAWALA SA ISIP KO YUNG YAKAP MO !" pero ayoko dahil wala namang dahilan para sabihin ko pa sa kanya.

"H--hindi kita iniiwasan busy lang kasi ako" Nauutal na sabi ko.

Sige Kresh magsinungaling kapa hanggat kaya mo.

"Mas importante pa ba 'yan kaysa sa akin ?" Tanong ni Zebren.

Huh ? Anong ibig sabihin ng sinasabi niya ? Nalilito na ako sa pinagsasabi ng lalaking 'to.

Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya gusto kong umiwas sa kanya. Iniwas ko ang aking paningin at malakas na tinulak siya.

"So... Ano ng balak natin ?" Tanong ko.

"Maghintay ng may tutulong sa atin ?"

Napakagandang plano, paano kapag walang tumulong sa amin ? Eh di nabulok kami dito ?

Lumapit siya ulit sa akin kaya umatras ako ng umatras hanggang sa pader na ang masandalan ko. Hinatak niya ako palapit sa kanya at bumilis ang tibok ng puso ko.

Dugdug Dugdug

Na amoy ko ang hininga niya na sobrang bango at nakatingin siya sa mga mata ko.

Putcha marimar ! Malulusaw na ako sa mga tingin niya pahingi ng oxygen please.

"A--ano bang g--ginagawa mo M--monster ? Nauutal na tanong ko.

Hindi niya ako sinagot binitawan na niya ako kaya mabilis akong lumayo sa kanya.

Nakaramdam ako ng antok kaya naisipan kong ilatag ang mga papel tutal luma na ang mga 'to.

"Dyan ka talaga matutulog ? Madumi kaya tingnan mo" Turo niya sa sahig.

"Paki mo ?! Wag kang maingay matutulog ako habang naghihintay paki gising na lang ako Monster"

Mukhang mapapasarap ang tulog ko ngayon. Naramdaman ko na pumipikit na ang aking mata hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pero bago 'yon naramdaman kong iniangat ni Zebren ang ulo ko at inilagay sakanyang hita para magsilbing unan.

"Matulog kana My Princess hindi kita iiwan... Promise" Sabi niya.

Kung kailan mo iniiwasan ang isang tao doon mo naman siya makikita sa hindi inaasahang panahon o oras. Kung ako ang papapiliin sana matapos na ang pangyayaring 'to hanggat kaya ko pa. Dahil baka mamaya mahulog ako kay Zebren at hindi niya naman ako saluhin.

Isa lang ang hiling ko sana makalabas na ako ng makaalis sa lugar na ito dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko.

This past few days nag woworry na ako sa nararamdaman ko kay Zebren. Ano bang ibig sabihin ng pag-ibig ? Kasi ako hindi ko alam dahil hindi ko pa 'yan nararanasan sa buong buhay ko...

...

Don't forget to vote and comment guysue

Salamat sa pagbabasa

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now