Epilogue

6K 127 38
                                    

Iplay nyo ang kantang 'to para dama mo ang chapter na 'to...

...

{The new beginning}

...

Makalipas ang dalawang araw nakalabas na din ako ng hospital  sinabi sa akin ni Chelsey at Natasha na isang linggo akong nakahilata at natakot sila noong mga oras na 'yon dahil baka 'di na daw ako magising pa. Nakabenda ang aking ulo at magaan na ang aking pakiramdam kahit papaano. Halos naghilom na ang sugat sa ibang parte ng aking katawan pero ang puso ko hindi pa. Mahirap magmove on sa taong mahal mo kapag niloko ka pero mas mahirap magmove on kapag ang taong mahal mo nagpaalam na.

Paano ka kakain sa umaga kung bawat sa pagdilat mo siya ang naaalala mo ? Paano ka magpapatuloy sa 'yong buhay kong ang inspirasyon mo ay wala na ? Magagawa mo pa bang ngumiti at tumawa sa kabila ng lahat ? Magagawa mo pa bang maging matapang kahit ang totoo mahina ka naman talaga ?...

Sa loob ng isang linggong wala akong malay na kwento sa akin nila Chelsey ang labis na lungkot at pighati ni Mr. Blare sa pagkawala ng kanyang iisang anak na si Zebren. 'Di daw 'to halos kumain at napabayaan niya ang kanyang mga negosyo. Nagalala sila sa kalusugan nito dahil wala siyang humpay sa pag-inom ng alak at 'di pagtulog dahil sa pighati na kanyang nararamdaman. Kahit sinong ama ay magiging ganyan ang kalagayan dahil anak mo ang namatay at higit sa lahat iisang anak mo pa.

Sariwa pa din sa akin ang mga alaala at nararamdaman ko na nandito lang si Zebren sa paligid. Kung nasaan man siya ngayon I hope na masaya na siya kung saan man siya naroon at sana kapag na buhay siyang muli hilingin niya sa poong may kapal na kaming muli ang itakda sa isa't-isa.

Nandito ako ngayon sa mansyon nila Zebren kung saan katahimikan pa din ang namumuo. Nakakapanibago dahil walang Zebren na masungit, mahilig sumigaw at higit sa lahat monster. Nag-usap na kami ni Mr.Blare patuloy pa din akong magiging kasambahay ng mansyon na 'to dahil parte na ako ng samo't saring ala-alang na buo dito.

Naisipan kong umakyat sa kwarto ni Zebren dahil nais kong linisin ang kanyang silid. Habang palapit ako sa kanyang kwarto bumibigat ang aking pakiramdam at ang aking paghinga ay parang humihinto. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sumalubong sa akin ang malamig na hangin at katahimikan nito. Naglakad ako sa loob at sinimulan ang pagwawalis.

Bawat galaw ko sa kanyang kwarto ay siyang mga ala-alang bumabalik sa aking isipan. Di ko na pigilan ang aking mga luha na bumagsak habang nagwawalis. Napa upo ako sa sahig habang nakatakip sa aking mukha.

"B-bakit mo ak i-iniwan Z--zebren ? Ang d-duga mo n-naman !" Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

Hindi ko pa pala kayang pumasok sa kwarto niya...

Tumayo na ako at pinunasan ang aking mga luha sa mukha. Na agaw ng aking atensyon ang isang maliit na cabinet dahil naka bukas 'to kaya mabilis akong nagtungo doon at tiningnan ang laman 'non. May nakita akong papel at binasa ko ang naka sulat doon.

Dear Kresh Dela Fuente

Alam mo ba noong una kitang makilala naiinis ako sayo dahil sunod ka ng sunod sa akin. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo ko sayo noong mga oras na 'yon. Pero alam mo hanga ako sayo dahil ikaw yung babaeng matapang, masipag at higit sa lahat may pagka amazona kaya natatakot ako sayo minsan makipag-sagutan dahil baka mamaya baliin mo na lang ang mga kamay ko.

Alam mo ba may truth or dare kami nila Silon na ligawan kita kahit 'di kita gusto ? Una palang ayaw ko ng pumayag sa pinapagawa nila dahil ayaw ko naman maging KJ sa kanila kaya sinunod ko na. Sabi ko 'di ko mahuhulog sa isang katulad mo at dapat ikaw ang mahulog sa akin pero damn nagkabaligtad ako ang na hulog sa larong pinapagawa nila Silon. Noong mga oras na 'yon sinabihan ko si Silon na 'di ko na gagawin ang dare dahil I'm totally falling inlove with you Kresh Dela Fuente. Bihira mo ang isang masungit, babaero, walang paki sa mundo na si Zebren Blare ay na hulog sa isang katulad mo.

Ewan ko ba pero ikaw ang laging laman ng isip ko. Siguro ginayuma mo ako kaya baliw na baliw ako sayo. Nag-isip ako ng paraan kung paano ko masasabi sayo ang tunay kong nararamdaman kaya naman dinala kita sa Isla ng palawan at doon ako naglakas loob na sabihin sayo ang lahat lahat. Alam mo ba ang saya ko 'non dahil gusto din pala ako ng babaeng gusto ko kaya 'di ko naiwasan na tumalon at sumigaw sa saya.

Isang araw bumili ako ng singsing dahil kapag dumating ang tamang  panahon ikaw ang babaeng nais kong pakasalan at wala ng iba. Gusto ikaw ang aking makikita sa bawat pagdilat ng aking mga mata, gusto ko sa bawat paglipas ng panahon katabi kita kasama ng ating mga anak at gusto ko habang buhay ikaw ang aking makasama. Nakakabakla mang isipin pero isinulat ko na lang sa papel ang nais kong sabihin sayo dahil nahihiya akong sabihin ang lahat ng 'to sa harap mo at sana kapag nabasa mo 'to wag mo akong tawanan at asarin dahil nag effort ako para lang isulat ang bagay na 'to. Ikaw lang ang aking mamahalin habang buhay Kresh Dela Fuente... I love you mwahh !!!

Nagmamahal Zebren Blare,

Matapos kong basahin ang nakasulat sa papel humagulgol ako sa pag-iyak at niyakap ang papel na mistulang si Zebren. May nakita akong maliit na kahon sa maliit na cabinet kaya agad kong kinuya 'yon ng buksan ko 'to tumambad sa akin ang kumikinang at mamahalin na diamond ring kung titingnan ng mabuti napaka mahal nito at maganda ang pagkakagawa. Isinuot ko 'yon sa aking daliri habang umiiyak at nanginginig ang aking mga kamay. Sayang dahil di natupad ang pareho naming pangarap para sa isa't-isa wala ng kasalan na magaganap sa pagitan naming dalawa. Alam kong di na maibabalik ang lahat pero umaasa ako na sa tamang panahon ay makakasama ko din siya.

Alam kong katangahan ang paghihintay pero maghihintay ako sa kanyang pagbabalik.  At sa kanyang muling pagbalik itutuloy naming dalawa ang aming love story na 'di natapos. Nakakatawang isipin pero parang Romeo and Juliet ang nangyari sa aming dalawa. Siguro it's time to moving forward na din dahil wala na akong magagawa kung kinuha na siya ng Diyos sa akin...

"Yung naghihintay ka sa isang bagay na imposible namang mangyari"

"I thought of you with love today but that is nothing new. I thought about you yesterday and days before that too. I think of you in silence. I often speak your name all I have are memories and your picture frame. Your memories is my keep sake with which I'll never part. God has you in his keeping I have you in my heart".

Hanggang dito na lang ang lahat Zebren Blare paalam...

THE END

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now