Chapter 23 : Evil Plan

5.2K 99 0
                                    

<Chelsey POV>...

Nasa school na ako kasama si Kresh maaga kaming nakarating sa Werdomz Academy dahil walang traffic. Ilang minuto pa bago mag simula ang klase kaya kung anu-ano muna ang aming pinaggagawa para pampalipas oras.

Flashback...

Bata palang ako naghiwalay na ang mama at papa ko dahil nag asawa ng iba ang papa. Iniwan niya kami kay mama at hindi na kami binalikan.

"Papa iiwan nyo na po ba kami ?" Tanong ni Niketa ang bunsong babae sa aming magkakapatid.

"Hindi, magtratrabaho lang si papa at babalik din ako"

"Kailan ka naman po uuwi ?" Tanong ko ako ang pangalawa sa aming makakapatid.

"Tss ! Hindi na yan babalik maniwala kayo, dahil kung totoo tayong mahal ni Papa hindi siya mag aasawa ng iba !" Galit na sabi ni Kuya Herdie siya ang panganay sa amin.

Umalis si Papa dala ang mga gamit niya habang si Mama iyak ng iyak na parang isang sanggol. Lumipas ang oras, araw at panahon umaasa na magpapakita si Papa sa amin pero bigo kami. Dahil hindi na siya nagpakita kahit kailan at maski ang kanyang anino ay wala kaming nakita.

Tama si Kuya Herdie hindi na babalik si Papa siguro masaya na siya sa bago niyang asawa. Bawat araw na lumilipas ang siyang panghihina ni Mama dahil nagkaroon siya ng malalang karamdaman.

Si kuya Herdie ang tumaguyod sa aming pamilya, siya din ang bumibili ng gamot ni Mama. Kaya isang araw na isipan kong magtrabaho sa mga Luxurious. Naging maganda naman ang bunga dahil mabait ang mga Blare sa kanilang mga trabahador at katulong.

Hindi ko sasayangin na pinag aral ako ni Mr. Blare sa Werdomz Academy. Ngayon magaling na si Mama kaya sobrang saya namin pero bawal na siyang magtrabaho sabi ng mga Doctor kaya kami na ang magtratrabaho para sa kinabukasan ng pamilya.

End of Flashback...

Nakabalik lamang ako sa realidad ng kalabitin ako ni Kresh sa aking likuran. Hindi ko narinig ang mga sinabi niya sa akin.

"Chelsey ? Narinig mo ba yung sinasabi ko sayo ?"

"Hindi, ano ba ang sinabi mo ?"

"Sabi ni Mrs.Choi pumunta ka daw sa faculty kasi may iuutos daw siya sayo" Sabi ni Kresh.

Tumayo na ako para pumunta sa faculty, paglabas ko ng klase sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin dahil ilang buwan na lang ay magpapasko na.

Pumunta ako sa faculty teacher at nakita ko si Maam sa bandang dulo kaya nilapitan ko si Mrs.Choi dahil may iuutos daw siya sa akin.

"Mrs.Choi ? Ano po ba ang iuutos nyo sa akin ?"

"Paki balik naman nito sa library at sabihan mo na din si Mrs.Marquez na pumunta mamaya sa Principal's Office" Tumango ako at umalis habang bitbit ang libro na pinapasauli ni Mrs.Choi.

Nasa hallway na ako walang masadong tao dahil may klase. Nagmukha tuloy na ghost town ang Academy. Pumasok na ako sa loob ng library at isinauli ang libro, sakto dahil nakita ko si Mrs.Marquez kaya nilapitan ko siya.

"Mrs.Marquez pinapapunta daw po kayo sa Principal's Office"

"Sige iha susunod na lamang ako"

Umalis na ako para bumalik sa klase ng makita ko ang grupo ng mga lalaki sa Ellites Section B. Hindi ko na sana sila papansinin pero narinig ko na pinag-uusapan nila ang pangalan ni Sir Zebren kaya mabilis akong nagtago.

"Boss ano ang plano natin laban kay Zebren?"

"Boss kung lumpuhin na lang kaya natin ?"

"Wag ! Masyadong hindi marahas" Sabi ng lalaking tinatawag nilang boss.

Hindi ko makita ang mukha ng lalaking nakatalikod dahil nakatago ako sa gilid ng pader. Ano ba ang kailangan nila kay Sir Zebren para pagbalakan nilang lumpuhin ?.

"Boss ! Kung tanggalin natin ang preno ng kotse niya para mabangga siya ?"

"Mga tanga ! Walang kwenta ang mga na isip nyo dahil papatayin ko ang mayabang na Zebren na 'yon".

Nagtawanan ang lahat ng section B nakakatakot sila dahil nanglilisik ang kanilang mga mata. Hindi nila maaring mapatay si Sir Zebren, kailangan malaman 'to ni Kresh sa lalong madaling panahon.

"Boss, Paano po yung babaeng minsan kasama ni Zebren ?"

"Wag kayong mag alala dyan dahil damay din sa plano natin si Kresh Dela Fuente at ako ang bahala 'don"

What ! Pati si Kresh idadamay nila sa plano nila ? nababaliw na sila !?...

Hindi ko makita ang mukha ng boss nila, aalis na sana ako para sabihin kay Kresh ang lahat ng matabig ko ang basurahan at gumulong ito sa sahig.

"Malas ! Na lintikan na !"

Tatakbo sana ako ngunit huli na ang lahat kaya wala na akong takas. Nakaramdam ako ng takot dahil baka ano ang gawin nila sa akin.

"Kapag sineswerte ka nga naman, bihira mo nandito pala ang kaibigan ni Kresh"

Nagulat ako dahil ang boss na sinasabi nila ay si Kasper Drem pero bakit ? Nilapatin niya ako naramdaman ko na nanginginig ang aking mga tuhod.

Kala ko mabait siyang tao pero nagkamali ako. Ang hirap talagang magtiwala sa isang tao lalo na't hindi mo pa siya lubos na kilala.

"Kapag sinabi mo kay Kresh o kanino man ang mga nalaman mo... Idadamay ko ang pamilya mo Chelsey Domingo"

Hindi ako makahinga at makagalaw ng banggitin niya ang pamilya ko. Wala siyang awa pati ang pamilya ko nais niyang idamay sa mga plano niya.

"P--pero kala ko mabuti kang tao ? B--bakit pati si Kresh idadamay mo pa ?" Nauutal kong tanong.

"Hahaha ! Sorry pero hindi ako mabait na tao gaya ng inaakala mo Chelsey" Ngisi niya habang nakatingin sa dalawang mata ko.

Nilalaban ko ang takot sa aking dibdib pero hindi ko talaga kaya. Nakakatakot ang kaharap kong Kasper Drem ng Ellites, Ibang-iba ang awra niya ngayon.

"Nagkakaintindihan ba tayo Chelsey ?"

"O--oo b--basta wag mo lang idamay ang pamilya ko !" Sigaw ko.

Tumawa ng malakas ang grupo ni Kasper at iniwan nila akong tulala sa aking kinatatayuan. Napasalampak ako sa sahig dahil nanginginig ang aking mga tuhod.

"Sorry Kresh kung hindi ko sasabihin sayo ang mga nalaman ko... Dahil ayokong madamay ang pamilya ko" Hindi ko napigilan na hindi umiyak dahil duwag ako at mahina.

Tumayo na ako at pinunasan ang luha sa aking mata, naglakad na ako dahil malapit na ang simula ng klase. Habang naglalakad ako hindi ko marinig ang mga nasa paligid ko tanging ang sinabi lang ni Kasper ang tumatatak sa isip ko.

Nababaliw na ang lalaking 'yon ! Ano ba ang ginawa sa kanya ni Sir Zebren at pati si Kresh ay idadamay niya pa ?.

Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi matuloy ang plano nila...

...

Thank you sa mga patuloy na nagbabasa

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now