Chapter 12 : Stay Away

5.9K 149 4
                                    

Napatingin ako kay Zebren dahil nandito siya sa aking harapan. Ang sama ng tingin niya kay Mysterious Guy na parang may ginawa sa kanyang napaka laking kasalanan.

"May problema ba Monster ? kasi ang sama ng tingin mo sa kanya ? Magkakilala ba kayo ?" Tanong ko.

"It's none of your business pangit !" Inis na sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko palayo kay Mysterious Guy. Siguro may saltik na naman si Monster kaya nag sungit na naman. Araw-araw ata siyang may dalaw bihira mo laging galit sa mundo.

"Kilala mo ba ang lalaking 'yon ?" Tanong ko.

"Could you please shut up your mouth or else I will kiss you !" Awtoridad na sabi niya.

Tumahimik na ako kasi ayaw kong mahalikan ng isang halimaw at baka mamaya kainin ako nito ng buhay nakakatakot pa naman siya. Diretso lang ang lakad niya habang hawak ang kamay ko. Nalagpasan na namin ang building ng mga Luxurious kaya nagtaka na ako.

"Zebren ! Diba 'yun ang building nyo ? Bakit papunta ka sa building namin ? Hindi ba doon ang classroom mo ?"

"Ihahatid kita sa classroom mo at ako na din ang magpapaliwanag sa teacher mo kung bakit ka late" Walang emosyon na sabi niya.

Ang weird ng lalaking 'to kanina galit ngayon naman walang emosyon. Tao ba 'to o alien infairness ang gwapo naman niyang alien. Sumakay kami ng elevator at alam kong bawal sumakay ang isang Dreve na gaya ko.

"Zebren ! Bawal akong sumakay dito, pagnakita ako sa cctv na naka sakay sa elevator na 'to yari ako !"

"Tss ! I don't care kasama mo naman ako bakit ka matatakot ?" Seryosong sabi niya.

Oo nga naman isa nga pala siyang Luxurious ng Academy kaya walang problema. Lumabas na kami sa elavator at papunta na kami sa tapat ng classroom.

"Sige na wag mo na akong ihatid sa classro----" Hindi ko pa tapos ang sasabin ko ng hawakan niya ulit ang kamay ko.

Nasa tapat na ako ng room ko pilit kong inaalis ang pagkakahawak ng kamay ni Zebren sa kamay ko pero mas lalo niya pa 'tong hinigpitan.

"Zebren ! Bitawan mo na ang kamay ko ! Nakakahiya sa kanila baka mamaya ano pang isipin nila !" Pagpupumiglas ko.

"Tss !" Sagot niya.

Wow napaka gandang sagot ! 'yan na ata ang salitang narinig ko na ubod ng ganda. Dire-diretso siyang pumasok sa room namin na parang walang paki sa paligid niya.

Nagulat ang mga classmate ko ng makita nila ang isang Luxurious na nasa room naming mga Dreve. Halos lahat sila nakatingin sa amin ni Zebren pati ang teacher na nagtuturo sa harapan.

"Oh my god ! look magkahawak ang kamay nilang dalawa"

"Ang sweet nila infairness ang swerte ni Kresh"

"Grabe sila na bang dalawa ?"

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko, nahihiya ako hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila na wala naman kaming relasyon ng lalaking 'to.

Binitawan na niya ang kamay ko at kinausap ang teacher na nasa harapan. Naglakad na ako papunta sa aking upuan, lumipas ang isang minuto nakita kong umalis na si Zebren at pumasok na ang teacher namin.

"So class back to the topic !"

Nagsimula na ulit ang klase, tinusok ni Chelsey at Natasha ang tagiliran ko kaya nakikiliti ako. Pati ba naman mga kaibigan ko nahawa na kay Zebren kakaiba talaga ang virus niya.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now