Chapter 18 : Trap

5.6K 119 2
                                    

Habang binaba ang chapter na 'to iplay nyo ang kantang 'to...

...

Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Kaya ang ending malaki na eye bag with hagard face. Bumangon na ako dahil tumunog na ang alarm ng aking phone. Niligpit ko muna ang higaan ko bago pumunta sa cr.

"Wahhh ! Inaatok pa ako..
Gusto ko pang matulog... Ililigo ko na lang 'to para mawala"

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nakarinig ako ng katok sa pinto ng aking kwarto. Hulaan ko si Chelsey ang kumakatok...

"Kresh ! Bilisan mong maligo pababa na ang Blare para kumain" Sigaw ni Chelsey sa labas.

Binilisan ko ang pagligo kaya naman mga ilang minuto lang ang lumipas tapos na din ako. Sinuot ko ang pang maid na damit at lumabas na ako ng kwarto.

"Girl ang tagal mo... Wait parang ang laki ng eye bag mo, hindi kaba nakatulog ng maayos ?"

"A--ako ? H--hindi bakit ?" Nautal kong sabi.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Chelsey wala akong balak sabihin sa kanya ang nangyari kagabi dahil madaldal ang isang 'to. Nauutal ako hindi ako makapagsalita ng diretso.

"Bakit parang nauutal ka ata dyan ? Siguro may ginawa ka ng hindi ko alam"

"W--wala ! Alam mo napaka chismosa mo !"

Hinatak ko siya papunta ng kusina dahil baka maabutan kami ni Mr.Blare na nag uusap. Much better na din pala kung iiwasan ko si Zebren.

Sino ba ang hindi maiilang kapag niyakap ka ng isang lalaki ? Did you know na first hug ko 'yon sa lalaki kasi wala pa akong naging boyfriend in short NBSB. Naka tuon kasi ang isip ko sa trabaho kaya siguro wala akong time sa love life na 'yan...

"Dalhin mo nga 'to sa lamesa Kresh" Utos sa akin ni Manang Fely.

"A--ako po ba ?" Turo ko sa sarili ko.

"Gaga ! Malamang ikaw ano bang nangyayari sayo ? Wala ka sa sarili mo babaita ka" Singit ni Chelsey sa usapan.

Kailangan kong makaisip ng paraan para maiwasan ko si Zebren di pa ako ready na makita siya my gosh !.

"A--ah k--kasi masama ang pakiramdam ko. Tama ! masama po ang pakiramdam ko" Pagrarason ko.

Dahil naniwala si Manang Fely sa sinabi ko si Chelsey ang inutusan niya. Magpahinga na lang daw ako sa aking kwarto pero tumanggi ako. Ayaw ko munang makita pansamantala si Zebren dahil naiilang talaga ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi. Bakit ba kasi naisipan niyang yakapin ako ! Peste talaga siya !...

"Papasok kaba ? Diba masama ang pakiramdam mo ?" Tanong ni Manang Fely.

"Opo ! Ayos lang po ako wag na po kayong mag alala"

Iniwan ako ni Manang Fely sa kusina kaya ako lang ang mag isa. Maghuhugas na sana ako ng pinggan ng marinig ko ang boses ni Zebren sa aking likuran.

Malas naman ! Anong ginagawa niya dito ? Nang marinig ko ang boses niya nagtaasan ang mga balahibo ko. Ang weird naman !.

"Sabi sa akin ni Manang Fely na masama daw ang pakiramdam mo" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking noo.

Peste ! Wahh mamatay na ako sa bilis ng heart beat ko putcha naman ! Letche panot !.

"A--ayos l--lang ako Zebren" Nauutal kong sabi.

Inalis ko ang kamay niya sa aking noo at pumunta ako sa aking kwarto para magbihis. Bago ako umalis narinig ko pa na tinatawag ako ni Zebren pero hindi ko 'yon pinansin.

<Zebren POV>...

Lumabas na ako sa kwarto dahil maayos na pakiramdam ko. Well yung nangyaring pagyakap kay Kresh kagabi ginusto ko 'yon. Kita ko sa mukha niya kagabi na namumula ang kanyang mukha.

"Ang cute niya pala kapag kinikilig" Sabi ng utak ko.

Pababa na ako ng makasalubong ko si Dad at ang bago niyang asawa na si Kimberly. Lalagpasan ko na sila ng magsalita si Dad.

"Are you feeling good my son ?"

"Yes Dad don't worry"

"Good Morning Zebren... Mabuti na lang at wala ka ng sakit" Sabi ni Kimberly na asawa ni Dad.

"It's a bad morning to see you !" Inis na sabi ko sa kanya.

Narinig ko na tinawag ako ni Dad hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa baba na ako para kumain napansin ko na wala si Kresh.

"Kung hinahanap mo si Kresh wala siya dito dahil masama ang kanyang pakiramdam" Sabi ni Manang Fely.

Kakain muna ako dahil ang daming nakalagay na almusal sa lamesa, kasunod kong dumating sila Dad at umupo siya katabi ang bago niyang asawa.

"After your class Zebren maguusap tayo" Awtoridad na sabi ni Dad.

Tumango ako at sinimulan ang pagkain kaunti lang ang kinain ko dahil nawalan ako ng gana ng makita ko si Kimberly na asawa ni Dad. Tumayo ako para pumunta sa kusina.

Nakita ko si Kresh na maghuhugas ng pinggan kaya nagsalita ako habang nakatalikod siya.

"Sabi sa akin ni Manang Fely na masama daw ang pakiramdam mo"

"A--ayos l--lang ako Zebren"

Nauutal siya sa sinabi niya. Nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kanyang noo para macheck ko kung may lagnat siya. Hinawi niya ang kamay ko at umalis sa palabas ng kusina.

"Kresh ! saglit lang !" Sigaw ko pero hindi niya ako nilingon at nagpatuloy siya sa paglalakad.

Ang weird niya ngayon, wala naman siyang sakit... Bahala na nga malapit ng magsimula ang klase kaya need ko ng umalis.

Sumakay ako sa kotse ko papuntang Werdomz Academy.

<Kresh POV>...

After kong magbihis at kumain lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa harapan ko si Chelsey na naka suot ng uniform gaya ko.

"Bilisan na natin baka malate pa tayo".

Hinila niya ang kamay ko papasok sa kotse. Nang maayos na ang lahat pinaandar na ni Mang Jose ang sasakyan. Habang nasa biyahe tahimik lamang ako at nakatingin sa labas.

"Ang tahimik mo nama ngayon ? Baka mamaya hindi ka kumain"

"Wala kasi ako sa mood Chelsey"

"Nako wala sa mood... Ang sabihin mo may nangyari kagabi kaya wala ka sa mood ngayon"

Napatingin ako kay Chelsey. Isa ba siyang fortune teller at alam niya na may nangyari talaga kagabi ?

Hindi ko napansin na nasa Academy na kami, mabilis kaming naglakad dahil sampung minuto na lang magsisimula na ang klase. Kailangan ko munang iwasan si Zebren dahil baka anumang oras mamatay ako o di kaya atakihin sa puso dahil sa bilis ng heart beat ko tuwing nakikita ko siya...

...

Don't forget to vote and comment guysue

Salamat sa pagbabasa

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon