Chapter 21 : Debut

5.2K 141 2
                                    

<Kresh POV>...

Nagising ako sa katok ni Chelsey sa pinto ng kwarto ko. Bumangon ako para buksan ang pinto bumungad ang ngiti ni Chelsey sa akin. Nagtataka ako sa ikinikilos niya ngayon.

"Bakit parang ang saya mo dyan ? May special ba sa araw na 'to ?" Tanong ko.

"Wala naman... Bakit masama bang ngumiti at maging masaya sa araw na 'to ?"

Isinara ko na ang pinto para makaligo na dahil kakain ng umagahan ang mga Blare. Matapos maligo lumabas ako suot ang maid na damit. Nagtungo ako sa kusina ng makita ko si Manang Fely ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Maging masaya ka sana sa araw na ito Kresh" Sabi ni Manang Fely.

"A--ano po ang ibig nyong sabihin ? May mangyayari ba mamaya ?"

Tumawa lang si Manang Fely at iniwan akong nakanganga dahil ang creepy ng mga tao dito ngayon sa mansyon. Napapaisip ako kung bakit halos lahat ng makikita ko ay nginingitian ako.

"Chelsey ! Nakakatakot ang mga tao ngayon dito sa mansyon" Sabi ko.

"Huh ? Paano mo naman nasabi ?"

"Eh kasi lahat ng makakasalubong kong tao dito sa mansyong naka ngiti sa akin" Sagot ko.

"Ahh... Yun ba ? Hindi mo talaga alam kung anong meron ngayon ?" Tanong ni Chelsey sa akin.

Natural hindi magtatanong ba ako kung alam ko naman ang dahilan nila. Actually napanood ko na to sa mga Horror Movies nakakatakot sila. 'Di pa naman November.

Umayos na kami sa aming pwesto dahil parating na ang mga Blare para mag almusal. Dumaan si Mrs.Blare at Mr.Blare sa akin kasama si Zebren na naka pang alis.

"Good Morning po Mrs.Blare, Mr.Blare at Sir Zebren" Bati ko

Nginitian ako ni Mr.Blare at ganon din ang ginawa ni Zebren samantalang si Mrs.Blare tinarayan lang ako. Actually kapag ako na inis sa babaeng 'to dudukutin ko ang mata nito. Pasalamat siya dahil asawa siya ni Mr.Blare.

Sabado ngayon kaya free day naming mga maids tuwing weekends. After naming maglinis ng mansyon pwede na kaming gumala kahit saan pa namin gusto.

Wala na ba akong makukuhang sagot kundi ngiti na lang ng mga tao dito sa mansyon ? Tinanong ko ang katabi kong maid hindi siya sumagot at ngiti lang ang ipinakta sa akin. Baka naman kasi world wide smile day kaya nagkakaganyan sila. Hindi lang naman ako nasabihan edi sana nakapaghanda ako.

Tinawag ako ni Mr.Blare habang kumakain sila kaya mabilis akong lumapit dahil baka may kailangan siya.

"Mamaya after naming kumain pumunta kayo ni Ms.Chelsey sa mall" Sabi ni Mr.Blare

Tumango ako at bumalik sa aking pwesto. Bakit naman kaya kami pinapapunta ni Mr.Blare sa mall ?.

Mabilis na natapos ang mga Blare sa kanilang pagkain kaya naman niligpit na namin ang kanilang mga pinagkainan. Pumunta na ako sa kusina para maghugas ng plato pero pinigilan ako ni Manang Fely.

"Wag ka munang maghugas ngayon sa iba ko na lang 'yan iuutos, magbihis kana dahil aalis pa kayo ni Chelsey papuntang mall"

Tumango ako sa sinabi ni Manang Fely, ang weird talaga ng mga kilos ng tao ngayon sa mansyon. May nakita akong mga lobo kaya naman nilapitan ko ito hahawakan ko na sana ang lobo ng hilain ako ni Chelsey sa aking kwarto.

"Aray ! Wag mo akong hatakin babaita ! Bakit may lobo doon ?"

"Ewan ko... Magbihis kana dahil pupunta na tayo ng mall para mag enjoy ngayon !" Masaya na sabi ni Chelsey.

Nagbihis na ako at sinuot ko ang dress na sunflower binili ko talaga 'to dahil ito ang bagong uso ngayon. Nag apply ako ng kaunting make up at flat shoes ang napili kong suotin.

Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Chelsey, naka palda siya na itim at blouse na may design na flower ang suot niya. Lumabas na kami ng mansyon sakay ng kotse ni Mr.Blare.

Habang nasa biyahe ako nakikita ko sa side mirror na tinitingnan ako ni Mang Jose, nalaman ko noong nakaraang linggo na asawa niya si Manang Fely at may dalawa silang anak na nag aaral sa probinsya.

"May problema po ba ?" Tanong ko.

Umiling siya sa akin at nag focus ulit sa pagmamaneho ng kotse. Tingnan ko kung ano ang ginagawa ni Chelsey, nakita ko na may sinusulat siya sa maliit na notebook kaya naman kinuha ko 'yon para makita ko.

"Huh ? May mga list ka ng mga gagawin natin ngayon ? At bakit kasama ang salon dito ?"

"Oo naman, para kapag nasa mall na tayo sulit ang free day natin"

Sabagay tama naman siya, mamaya gusto kong manood ng sine at sumakay sa rides ng Enchanted Kingdom para sulit. Ibinalik ko sa kanya ang maliit na noteboook at nagsulat siya ulit.

Halos kalahating oras ang biyahe namin dahil traffic, siguro dahil pay day ng mga workers ngayon kaya namimili sila ng mga gusto nila. Speaking of pay day may iniabot sa akin na sobre si Chelsey.

"Ano na naman 'to Chelsey ?"

"Basta tingnan mo na lang ang laman sa loob" Sabi niya.

Binuksan ko ang sobre at nakita ko na may laman na pera kaya mabilis kong kinuha ang pera sa sobre at binilang 'to. Imbes na 15k lang ang sahod ko naging 20k naguguluhan ako kung bakit ganito kalaki ang sahod ko.

"Chelsey ! Bakit ang laki ng sahod ko ngayong buwan ?"

"Ayaw mo ba ? Akin na lang... Wag ka ng magtaka dyan kung bakit malaki ang sahod mo ang mahalaga na tanggap muna ang pera na pinaghirapan mo"

Inilagay ko sa sobre ang pera dahil mamaya ilalagay ko ito sa bank account ko para makaipon ako ng malaking halaga habang nagtratrabaho ako sa mga Blare.

Nasa parking lot na kami ng mall kaya mabilis kaming bumaba ng kotse ni Chelsey kasama si Mang Jose. Sobrang excited ako sa araw na 'to dahil free day namin !...

Nasa loob na kami ng mall para mamili ng damit dahil binigyan si Chelsey ni Mr.Blare ng pera para panggastos namin sa mall. Matapos ang ilang minuto nakabili na kami ng damit hinila ako ni Chelsey papunta sa salon.

"Anong gagawin natin dyan Chelsey ?"

"Magpapaganda dahil It's your birthday Kresh !" Masayang sabi ni Chelsey at niyakap niya ako ng mahigpit.

What ! Birthday ko pala ngayon !? Kaya naman pala ang creepy ng mga tao sa mansyon.

...

Salamat sa mga readers at sa mga nag vote... Mahal ko kayo guysue !!

-Author na Cute 😄😃😉

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now