Chapter 4 : Meet the Monster

6.8K 180 5
                                    

Pumasok na ako sa kwarto ni Zebren ewan ko lang kung anong itsura ng lalaking 'yon at bakit monster ang tawag sa kanya dito sa mansyon...

Pagpasok ko bumungad sa akin ang napaka dumi at napaka daming kalat halos lahat ng damit niya ay nakakalat sa sahig pati ang underwear niya. Ano bang klaseng tao ang Zebren na 'yon at hindi lang naman ilagay sa maayos ang mga damit niya.

"Kwarto ba ito o bodega ng mansyon ? Napaka kalat nakakainis ! Bihira mo ang pinagkainan kung saan niya lang nilalagay !" Naiinis kong pinagliligpit ang kanyang damit at nilagay sa labahan.

Sinumulan ko ng mag walis at grabe ang alikabok na halos isang daang taong hindi na lilinisan, naiirita ako dahil sobrang dumi ng nililinis ko ngayon buti na lang at hindi siya babae. Nagwalis ako simula sa gilid ng kwarto niya hanggang sa dulo, after kong mag walis kinuha ko ang mop at nilampaso ang sahig.

Kitang-kita ang makapal na dumi na kumapit sa mop ang kaninang malinaw na tubig ngayon napalitan ng napaka kapal na dumi. Halos magkanda kuba ako sa paglalampaso malinis lang ng mabuti ang kwarto ni Zebren.

"Bakit maski isa wala siyang picture ? pangit ba ang Zebren na 'yun ?". Tanong ko sa aking sarili.

Napansin ko na naka bukas ang maliit na cabinet kaya mabilis kong tiningan ang bagay na 'yun. Kung titingnan mabuti isa 'tong pendant na mamahalin hugis bilog 'to at parang may bukasan sa gilid nito kaya binuksan ko 'yon at nakita ko ang litrato ng isang magandang babae hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil may kalumaan na ang litrato.

"Mommy siguro 'to ni Zebren I think maganda siya kasi si Mr.Blare gwapo din" Sabi ko sa aking sarili.

Agad kong binalik ang pendant sa malit na cabinet at sinimulan ulit ang paglilinis

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


Agad kong binalik ang pendant sa malit na cabinet at sinimulan ulit ang paglilinis. Kumuha ako ng maliit na basahan at pinunasan ang dumi sa cabinet. Pagkatapos kong magpunas binuksan ko ang sliding window para pumasok ang sinag ng araw sa kwarto. Meron 'tong balkonahe na kung saan kitang-kita ang buong sakop ng mansyon.

"Ayan ! Perfect para kapag pumasok si Zebren makikita niya na malinis ang kanyang kwarto"

Pumunta ako sa banyo para 'yon naman ang sunod kong linisan, inilibot ko ang aking paningin napansin ko na may flat screen tv dito sa loob ng cr kaya naman nilipitan ko 'to.

"Wow kakaibang mansyon naman ito, bihira mo may tv si Zebren sa cr ngayon pa lang ako naka kita ng ganito !"

Nagmukha tuloy akong taga probinsya kahit ang totoo taga Nispero ang lugar ko. Dahil malapit ng magtanghalian binilisan ko na ang aking paglilinis sa banyo todo kuskos ako sa banyo para mahalata niyang nilinisan ko talaga ang buong kwarto niya. Makalipas ang ilang minuto natapos na din ako sa paglilinis kaya naisipan ko munang umupo sa kama niya.

"Nakakapagod ! Bihira mo nilinis ko lang naman ang buong kwarto niya... Ano ba kasing itsura ng lalaking 'yon ?"

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya naman napatingin ako sa doon, nanglaki ang aking mga mata ng makita ko ang lalaking muntik makabangga sa akin kagabi.

"Ikaw !" Sabay naming sabi sa isa't-isa.

Agad ko siyang nilapitan dahil hindi ko pa din makalimutan ang kabastusan na ginawa niya sa akin kagabi. Aba ! tinakbuhan lang ako ng lalaking 'to.

"Hoy ! Ikaw na sira ulong lalaki ang kapal din ng mukha mo ! Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko.

"This is my home ! What are you doing here ?" naiirita niyang sabi

Hindi ako makapaniwalang bahay ng lalaking sira ulo na 'to ang mansyon. Grabe ! ka anu-ano kaya ito ni Mr. Blare ? Inilibot niya ang kanyang mga mata at nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"You don't have the right to enter this room !" Sigaw niya para siyang isang dragon na anytime magbubuga ng apoy nakakatakot siya.

"Paki mo ! Sino kaba ? at anong pinagsasabi mong room ? Pwede ba wala kang maloloko dito" Nagtatakang sabi ko.

Tumawa siya ng napaka lakas at ang aking mga tuhod ay nanginginig napaka creepy ng tawa niya para siyang isang killer katulad ng napapanood ko sa palabas. Lumakad siya papunta sa akin at napapa atras ako sa bawat hakbang niya.

"I'm the son of the CEO of Blare's Company the big business around the world" Sagot niya

Hindi ako makapaniwala na siya ang anak ni Mr. Blare at ibig sabihin siya si Zebren ang kaisa-isang anak at siya ang babantayan ko, higit sa lahat maid pa ako ng impakto na 'to. Yari na paano 'yan anong gagawin ko ?.

Napansin ko na humahakbang siya palapit sa pwesto ko kaya nakaramdam ako ng takot. Jusko po baka gahasain ako ng monster na 'to. Paano ang perlas ng silanganan Kresh ? Isusuko mo na ba ?.

Hoy utak manahimik ka dyan ! Puro na lang walang sense ang na iisip mo pambihira naman !.

"Wag kang lalapit dyan ka lang ! Paglumapit ka suntok ka sa akin !" Pagbabanta ko ngunit wala siyang paki at patuloy pa din siya sa paglapit sa akin.

"What if ayoko ? May magagawa ka ba ?" Smirk na sabi niya.

Atras ako ng atras hanggang sa napahiga ako sa kama niya at lumapit siya sa akin habang ako natatakot na sa lalaking 'to. Naka ibabaw siya sa akin at todo titig sa mga mata ko.

OMG ! Help me please ! Yung brown eyes niya naaakit ako peste naman !.

"Manyak ka ! Umalis ka sa harap ko bastos !" Sigaw ko.

"Ayoko nga ! Beside nakahiga ka naman gawin na natin ang pwedeng gawin habang nakahiga ka" Tawa niya.

Nagpapanic na ako at hindi ko na alam ang aking gagawin, palapit na ng palapit ang kanyang mukha kaya na isipan kong tadyakan ang pagmamay ari niya. Halos mamilipit siya sa sakit at na mumula ang kanyang mukha. Buti nga sa kanya ang bastos niya kasi at isa pa nasa contract na pwede ko siyang saktan.

"Hahaha ! Bagay lang 'yan sayo pervert ! Sige magdusa ka !" Halos mapa upo na ako sa lapag kakatawa ito na ang pangbawi ko dahil muntik niya na akong masagasaan kagabi.

"Sira ulo kang babae ka baliw ! Wag kang lalapit sa akin dahil di kana sisikatan ng araw !" Sigaw niya.

Dinala ko na ang mga panglinis na ginamit ko sa kwarto niya at patuloy pa din siyang namimilipit sa sakit, kaya lumabas na ako ng kwarto baka mamaya ano pa ang gawin sa akin ng manyak na Zebren na 'to.

"Monster Zebren ! Pervert ! Jerk !" Sigaw ko sa labas ng kwarto niya at bumaba na ako upang tulungan sila Manang Fely.

Baki sa lahat ng pwede kong makita siya pa ? Monster na nga bastos pa !. Stress tuloy ang beauty ko sa lalaking 'yon...

...

Salamat sa mga readers and also sa mga nagvote and comment 😊

-Author na cute 😄😂

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora