Chapter 45 : Escaped

4.3K 88 2
                                    

<Kresh POV>...

"Zebren ! Zebren gumising ka ! Mga hayop kayo wala kayong puso !" Sigaw ko kay Kasper.

Nawalan ng malay si Zebren dahil sa ginawang paghampas ni Kasper sa kanyang likod niya. Napaka sama talaga ng lalaking 'to sana hindi ko na lang tinanggap ang offer niya na makipagkaibigan siya sa akin.

"Tandaan nyong tatlo mabubulok kayo sa kulungan at masunog sana ang kaluluwan nyo sa impyerno mga demonyo !" Sigaw ko kanila.

Lumapit sa akin si Syndra at hinambalos ang kahoy sa aking hita dahila para mapasigaw ako sa sakit. Wag lang talaga nila na hayaan na makaalis ako dito dahil kapag nangyari 'yon ako ang papatay sa kanila mga hayop sila.

"Masakit ba Kresh Dela Fuente ? Wag kang mag-alala di pa tapos ang palabas" Natatawang sabi ni Syndra.

Ang sarap nilang ilibing na tatlo sa lupa o di naman kaya ilibing ng buhay. Ganyan siguro ang epekto ng mga desperada at desperado sa isang bagay.

Tinayo ni Jane at Kasper si Zebren at tinali siya ng mga 'to gamit ang lubid na ubod ng kapal. Sobrang sakit na ng aking katawan dahil sa tinamo kong pananakit nila.

"We are not idiot Zebren kala mo ba maiisahan mo kami ?" Sabi ni Jane kay Zebren habang tinatali niya 'to.

Nag-aalala ako para kay Zebren dahil balik nila 'tong patayin. Hindi ko lubos maisip na pumunta siya rito upang iligtas ako. Sa mga oras na 'to kailangan na naming makatakas dito.

"Jane at Kasper bumaba na tayo at kumain for sure 'di naman sila makakatakas dito" Sabi ni Syndra.

Tumango ang dalawa sa sinabi ni Syndra kaya lumabas na sila pero bago 'yon may sinabi sa akin si Kasper sa akin na ikinagulat ko.

"Alam kong nakatanggal na ang tali mo sa kamay mo gamit ang bubog. Kaya naman paglabas namin dito tumakas na kayong dalawa ako na ang bahala kala Syndra sorry nga pala sa ginawa ko sayo pero nagawa ko lang 'yon dahil sa galit pero ngayon na realize ko na mali pala ang gumanti" Sabi ni Kasper at tumalikod na siya sa akin.

Nang mawala na sila sa aking paningin tumulo ang aking luha at napangiti na lamang ako dahil sa mga sinabi ni Kasper. Kahit di ko lubos na kilala siya alam ko na may mabuti siyang puso at mabait siyang tao sadyang nilamon lang siya ng galit at poot kaya nagawa niya ang bagay na 'yon. Di ko siya masisisi sapagkat maski ako di ko makontrol ang galit sa aking damdamin.

"K--kasper salamat" Ang sabi ko.

Inalis ko na ang tali sa aking kamay at sinunod ko naman ang tali sa aking paa gamit ang bubog. Halos masugatan na kamay ko dahil sa bubog na hawak ko pero wala akong pake dahil ang nais ko ngayon ay makaalis sa impyernong lugar na 'to.

Makalipas ang ilang minuto natanggal ko na ang tali sa aking paa. Kaya mabilis akong nagtungo sa direksyon ni Zebren. Tinatapik ko ang kanyang balikat upang gumising nakita ko na dumalat ang kanyang mga mata kaya naman niyakap ko siya ng napaka higpit.

"Mabuti na lang at ayos ka lang. Kailangan natin makatakas dito sa lalong madaling panahon" Sabi ko.

Tinanggal ko ang tali sa kanyang katawan, nang matanggal na ko na 'to niyakap niya ako at hinalikan sa aking noo.

"Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayong masama... And sorry na din pala sa mga nagawa ko sayo" Sabi niya.

"Wala na 'yon sa akin, kailangan na natin makatakas kaya tayo na"

Hinila ko ang kamay niya palabas ng bodega. Sinilip ko ang labas umaayon ang lahat dahil wala akong nakikitang nagbabantay. Tinuro ni Zebren ang dinaanan niya kanina pa akyat dito sa ikalawang palapag ng bodega.

Maingat kaming bumababa dahil may kalumaan na ang inaapakan namin at mahirap ng gumawa ng ingay dahil baka maudlot ang aming pagtakas na ginagawa.

Nakababa na kami at kaunti na lamang ay malapit na kaming makalabas ng makita kami ng mga Ellites section B.

"Tumatakas sila ! Pigilan natin" Sigaw ng lalaki.

Naalarma ang lahat at mabilis silang pumunta sa aming kinatatayua habang may dalang tubo na bakal.

"So paano ba 'yan mukhang mapapasabak tayo sa madugong laban" Sabi ko at inihanda ko na ang kadenang gagamitin ko laban sa kanila.

"Alam mo excited na ako sa magaganap kaya be ready my princess" Sabi ni Zebren habang may hawak na kahoy.

Nasa harapan na namin silang dalawa at pinalibutan nila kami.

"Paano ba 'yan corner na kayo wala na kayong takas"

"Sisiguraduhin namin na dito na kayo mamamatay"

"Masayang laban 'to sa wakas may malulumpo kami ngayon"

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko. Kala naman nila madali kaming matalo para sabihin ko sa kanila mas magaling kaming dalawa ni Zebren makipag-basag mukha kaysa sa kanila na ubod ng lampa.

"You know guys kung ako sa inyo aalis na lamang ako dahil 'di nyo gugustuhin na makalaban kami" Pang-aasar ni Zebren.

"Tama ! Besides kung titingnan ng mabuti ang lalamya nyo !" Sigaw ko.

Sumugod sila sa amin kaya nag hiwalay kami ng direksyon ni Zebren.

Mabilis kong naiiwasan ang mga atake nila sa akin. Nakahanap ako ng bwelo kaya ako naman ang sumugod inihampas ko sa kanilang paa, tuhod at mukha ang hawak kong kadena. Nagsibaksakan ang iba kaya naman kaunti na lamang sila.

Di ko nakita ang isang lalaki sa aking likuran kaya nahampas niya ako sa aking likod kaya napa ngiwi ako sa sakit nito.

"Yun lang ba ang kaya mo ? Ako hindi pa" Inihampas ko sa kanyang mukha ang kadena na hawak ko at nakita ko na pumutok ang kanyang nguso.

Nagpatuloy ang nangyayaring gulo. Natamaan na ako sa iba't-ibang parte ng aking katawan pero patuloy parin akong lumalaban. May dugo ng lumalabas sa aking bibig pero patuloy pa din ako sa pakikipaglaban.

Napatigil ang lahat ng umalingaw-ngaw sa buong bodega ang putok ng isang baril. Tumingin ako kung saan nag mula ang baril na 'yon laking gulat ko ng makita ko na nakatutok sa akin ang baril ni Syndra.

Putcha na lintikan na ! Ano ang gagawin ko ? Di pa ako ready mamatay dahil may pangarap pa ako help me...

...

Wahhh ilang chapter's na lang hello say good bye na. Salamat sa pagbabasa

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now