Chapter 41 : Friends

4.1K 90 0
                                    

<Kresh POV>...

Makikipag-ayos sana ako kay Zebren kaso may nauna na sa akin walang iba kundi ang ex niya na si Jane. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko halos 'di ko kinaya ang halikan nilang dalawa. Para akong nanonood ng romance sa isang pelikula.

Tumakbo ako palabas ng mansyon habang umiiyak wala akong pake kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Narinig kong tinatawag ako ni Manag Fely kaso hindi ko na siya nilingon.

Kasabay ng aking mga luha ang pagpatak ng ulan. Napaka nice timing naman ng pagkakataon pati ang ulan sumabay sa nararamraman ko. Siguro alam niya din ang sakit ng puso ko.

"N--napaka duga mo naman tadhana k--kung kailan masaya na ang lahat doon mo naman kukunin" Sabi ko habang umiiyak.

Masakit pala magmahal di lahat ng oras ay masaya, first time ko makaranas ng ganito dahil ngayon lang naman ako nagkaroon ng love life. Ito na nga ang kinakatakutan ko ang masaktan ng dahil sa letcheng pag-ibig na 'yan.

Sana buhay pa sila mama at papa para may nasasandalan ako sa oras ng ganitong pangyayari.

Napansin ko na nasa park ako umupo ako sa damuhan at doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko. Paano kaya maging pusong bato ? Yung tipong wala ka ng mararamdaman na sakit at yung maging manhid kana.

"Mama at papa ang pangit ko na kakaiyak, siguro tinatawanan nyo na ako wag kayong mag alala kahit wala kayo sa tabi ko kakayanin ko 'to kasi ako si Kresh Dela Fuente" Ang sabi ko habang nakatingin sa kalangitan.

Basang-basa na ang damit ko at nilalamig ako pero wala pa akong balak umuwi dahil baka kapag nakita ko na naman si Zebren maalala ko na naman ang halikan nilang dalawa.

Naramdaman ko na may tao sa aking likuran kaya tiningnan ko 'yon nakita ko si Kasper at basang basa din siya gaya ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Sorry nga pala sa ginawa ko kanina kung di dahil sa akin hindi sana kayo nag-aaway ni Zebren" Sabi niya.

"Ayos lang 'yon walang kaso sa akin ang ginawa mo. Ganon naman talaga kapag may gusto ka sa isang tao basta mo na lang nagagawa ang bagay na hindi dapat" Sagot ko.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong may iba ka ng gusto at alam ko na wala akong pag-asa sa'yo. Pero tandaan mo nandito lang ako sa tabi mo... Friends ?" Sabi niya.

Nag shake hands kaming dalawa at napangiti na lang ako dahil ayos na kami Kasper at 'di na magkakaroon ng ilangan sa isa't-isa.

"Friends !... So kamusta yung sugat mo sa labi ayos na ba ?" Tanong ko.

"Oo, bihira mo ang lakas manapak ng boyfriend mo" Natatawang sabi niya.

Tss ! Kung alam niya lang sana na 'di ko pa boyfriend ang sira ulong lalaking 'yon. Naiinis pa din ako sa kanyan bihira mo di ako pinag explain at sinabihan pa ako ng masasakit na salita.

"Pasensiya kana pala sa ginawa ni Zebren sayo... Di ko pa siya boyfriend" Sabi ko.

Napatingin siya sa akin at napangisi tumingin siya sa kalangitan. Tumila na ang ulan at lumitaw na ang mga bituin sa langit.

"Ang ganda pagmasdan hindi ba ?" Sabi niya.

Gusto kong mas lalo pang makilala si Kasper kaya nag tanong ako. Curious lang kasi ako wala naman atang masama dahil kaibigan ko na siya.

"Paano mo nga pala nakilala si Zebren at ang ex mo na si Jane ?"

Napabuntong hininga siya sa tanong ko. Wrong timing ata ang tanong ko sa kanya ngayon ang bobita ko talaga.

"Kaibigan ko dati si Zebren bata pa lamang ako lagi akong binubully sa school nagbago ang lahat ng dumating si Zebren sa school. Pinagtanggol niya ako sa mga nangbubully sa akin kaya naging magkaibigan kami... Tungkol namam kay Jane parehas kaming nagkagusto sa kanya kaya niligawan namin ni Zebren sa huli ako ang sinagot ni Jane pero 'di niya pala ako gusto dahil ang gusto niya ay si Zebren. Nasaktan ako ng mga oras na 'yon dahil umiikot ang mundo ko kay Jane. Simula 'non pinutol ko na ang pagkakaibigan kay Zebren at nagtanim ako ng galit sa kanya" Sagot niya.

Di ako makapaniwala sa mga narinig ko galing sa kanya bihira mo ng dahil kay Jane nasira ang dalawang magkaibigan. Malandi talaga ang babaeng 'yon sinagot niya pa si Kasper di niya naman pala gusto.

Natawa na lamang ako sa mga narinig ko di halatang bully siya dati dahil sa laki ng kanyang katawan.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan ?" Taas kilay niyang tanong.

"Eh kasi di halata sa katawan at itsura mo na bully ka pala ! HAHAHA !" Di ko na napigilan ang aking sarili tawa ako ng tawa halos mapahiga na ako sa damuhan.

"Wag mo nga akong tawanan ! Dati lang naman ako bully at di na ngayon" Nakabusangot na sabi niya.

Pinitik ko ang kanyang noo dahil di bagay sa kanya ang naka busangot para siyang bata sa itsura niya.

"Aray ! Para saan naman 'yun ?" Sabi niya habang hawak ang kanyang noo.

"Di kasi bagay tingnan sayo sa laki mo na 'yan. Tingin mo magandang tingnan kong naka busangot ka damulag !?"

Tumawa siya sa sinabi ko, tumayo na siya sa pagkakaupo at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Tara na umuwi na tayo at baka magkasakit kapa malagot pa ako kay Zebren"

Inabot ko ang kanyang kamay upang makatayo na ako. Nagsimula na kaming maglakad pauwi sa aming mga bahay.

"Wait ! bago tayo umuwi may tanong lang ako" Sabi ko.

Napakunot naman ang kanyang noo at huminto siya sa paglalakad.

"Ano naman 'yon ?" Tanong niya.

"May pag-asa pa bang magka ayos kayo ni Zebren ? Sayang kasi yung pagkakaibigan nyong dalawa" Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

"Not now but soon... Sige na umuwi kana alam kong hinihintay kana ni Zebren" Sabi niya.

Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin kaya naglakad na din ako dahil nilalamig na ako. Baka mamaya magkaroon pa ako ng sakit mahirap na.

Sana maging maayos na ang lahat ng 'to, sana paggising ko wala na ang sakit na nararamdaman ko at sana magka ayos na kaming dalawa ni Zebren...

...

Ganyan ako kasipag mag update maikli hahahaha sorry guysue

Don't forget to vote and comment

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now