Chapter 13 : Bullying

5.8K 127 3
                                    

Hindi ako masyadong nakatulog sa sinabi kagabi ni Zebren. Ewan ko kung anong problema niya kay Kasper ang bait naman ng tao. Nakasakay kami sa kotse at si Mang Jose ang driver.

"Hoy babaita ka ! May problema ba ?" Kalabit sa akin ni Chelsey.

"Wala naman... Bakit ?" Sagot ko habang nakatingin sa labas.

"Kanina pa kaya ako nag sasalita dito Kresh ! Habang ikaw nakatulala"

Ganon na ba ka occupied ang utak ko para hindi marinig ang mga sinasabi ni Chelsey ?. Lutang ako ngayon dahil sa mga sinabi ni Zebren kagabi.

Di ko na pansin nasa parking lot na pala kami ng Werdomz Academy. Bumaba na kami ng sasakyan para pumasok sa aming klase.

"Wahhh ! Excited na ako sa star gazing girl !" Masayang sabi ni Chelsey with matching hampas sa braso ko.

"Teka nga ano bang meron sa star gazing na 'yan ?" Tanong ko.

"Dito tayo matutulog sa Academy ng isang gabi tapos may malaking gagamitin na telescope para maka kita ng star"

"Yun lang ? parang ang boring naman"

Habang naglalakad kami may mga estudyanteng nagkukumpulan sa hallway kaya naki tingin na din ako.

"Grabe ! Ang lakas niyang awayin ang spice girls ng Academy tapos isa lang pala siyang katulong"

"Ang yabang kala mo kung sinong reyna kapag nandito sa Academy !"

"Sa mansyon pala ng mga Blare siya nagtra-trabaho"

Narinig ko ang kanilang pinag uusapan kaya malamang ako ang tinutukoy nila. Naka dikit sa mga pader ng Academy ang mukha ko habang naka suot ng pang maid na damit.

"Ayan na siya ! Ang lakas ng loob mong banggain ang Spice Girls ng Academy !" Tinulak ako ng babaeng blonde ang buhok kaya napa salampak ako sa sahig.

"Hoy ! tigilan nyo nga ang kaibigan ko !" Sigaw ni Chelsey.

Sino naman kaya ang may pakana ng lahat ng 'to ? Wala siyang puso kung gusto niya ng gulo pwes pagbibigyan ko siya. Malaman ko lang kung sino ang gumawa nito sisiguraduhin kong hindi na siya sisikatan ng araw.

Binuhasan ako ng juice sa ulo at hindi pa sila na kuntento pinagbabato pa nila ako ng mga dala nilang pagkain.

"Tama na ! Tigilan nyo na si Kresh !" Sigaw ni Chelsey.

"Dapat lang sa kanya yan ! Maid na nga malandi pa !"

"Oo nga ! bihira mo tatlong lalaki sa Academy ang nilalandi ng kaibigan mo ?"

"Siguro kaya nilalandi niya sila Zebren dahil gusto niyang yumaman ! Social claimer !"

Masakit ang mga sinabi nila akin pero wala akong panahon para patulan sila dahil ayokong madismaya si Mr.Blare dahil nangako ako na magtitino ako dito sa Academy.

Tumayo ako para maka layo sa mga estudyanteng walang ginawa kundi husgahan ang aking pagkatao. Pumunta ako sa cr para hugasan ang aking mukha dahil sobrang lagkit nito.

Pagpasok ko sa cr hindi ko na pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"B---bakit ganon na lang sila m--makahusga sa akin ? Di naman nila ako kilala" Sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha.

Naramdaman ko ang presensya ni Chelsey sa aking likuran at agad niya akong nilapitan.

"Kresh... Ayos ka lang ba ?"

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now