Chapter 25 : Star Gazing

5.3K 126 1
                                    

Habang binabasa mo ang chapter na ito iplay mo ang kantang ito para dama mo...

...

<Kresh POV>...

Nag aayos ako ng gamit dahil sa school kami matutulog gaganapin na ngayon ang Star Gazing 2018. At itong si Chelsey kanina pa excited halos 'di mapakali sa isang tabi.

"Kresh ! Kresh ! Naka impake kana ba ?" Sigaw ni Chelsey sa kwarto ko.

"Pwede ba Chelsey manahimik ka ! Marinig tayo ni Mr. at Mrs.Blare"

Nakita ko ang dala niyang gamit parang may balak ata siyang tumira sa Werdomz Academy dahil sobrang dami ng dala niya.

"Hoy gaga ! Doon kana ba titira sa Academy ? ang dami mong dala" Sabi ko.

"Nako, in case of emergency ang mga iba kong dala para always ready" Sagot niya.

Ipinagpatuloy ko ang pagiimpake may dala akong extra na damit, lotion, sabon pangligo at iba na kailangan ngayon gabi. Isinara ko na ang maleta na dala ko at sabay na lumabas kami ni Chelsey.

Pagkalabas ko sa kwarto naka salubong ko si Zebren, hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. Tinulak ako ni Chelsey kaya tumama ako sa dibdib ni Zebren.

"Aray ! Ang sakit mamaya ka sa akin Chelsey Domingo" Bulong ko sa aking sarili.

"Are you okay Kresh ?" Sabi ni Zebren.

"O--oo ayos lang ako... Salamat" Nauutal na sabi ko.

Hinatak ko palabas si Chelsey sa mansyon, nasa labas na kami kaya binatukan ko siya bilang pangbawi sa kagagahan niyang ginawa.

"Sira ulo ka bang babaita ka ? Bakit mo ako tinulak kay Monster ?"

"Aray ! Di kaya kita tinulak ! Besides parang gustong-gusto mo nga eh" Pang-aasar niya sa akin.

Iniwan ko siya sa at sumakay na ako sa loob ng kotse, inilibot ko ang aking mata sa buong sasakyan parang bago ata ang kotseng 'to. Nagulat ako ng makita ko si Zebren sa unahan ng kotse dahil siya ang driver.

"A--anong ginagawa mo d--dito ?" Nauutal kong sabi.

"Ikaw nga ang dapat tanungin ko... Anong ginagawa mo sa kotse ko ? Don't tell me gusto mo akong makasabay" Sabay kindat sa akin.

Masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili nakakaawang Zebren. Pumasok si Chelsey sa loob ng kotse ni Zebren at nasa likod kaming dalawa.

"B--bakit si M--monster ang driver natin ?" Nauutal kong sabi.

"Relaxed ! Hinga ng malalim Kresh si Sir Zebren ang nag offer na ihatid tayo kaya pumayag ako" Pagpapaliwanag niya.

Kahit kailan talaga si Chelsey napaka talino sa lahat ng oras, hindi siya nagiisip ng tama nakakaloka. Umandar na ang kotse ni Zebren buong biyahe tahimik lang kaming dalawa ni Chelsey dahil ayaw ni Monster ng maingay.

Feeling ko tuloy nasa gubat ako at tanging ibon lang ang maririnig. Lumipas ang ilang minuto nasa parking lot na kami ng Werdomz Academy kaya nagmamadali akong bumaba ng kotse.

"Kresh hintayin mo ako ! Wag kang excited mamaya pa magsisimula ang star gazing"

Wahhh ! Sana naman maisip ni Chelsey na tumahimik paminsan-minsan. Nakakainis kasi ang bunganga niya dahil nakakarindi sa tenga.

"Pwede ba Chelsey ang ingay mo !"

"Sorry naman ! Paano pa naman kasi hindi ka nagpasalamat kay Sir sa paghatid dito sa Academy"

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now