Chapter 36 : Courting

4.7K 108 6
                                    

Dahil masaya ka play mo 'tong kanta to para dama mo !...

...

<Zebren POV>...

Limang araw na ang lumipas ng aminin ko kay Kresh na gusto ko siya. Noong mga oras na 'yun napaka saya ko dahil yung taong gusto ko ay meron din palang gusto sa akin. Hindi ko napigilang sumigaw at tumalon feeling ko nga nanalo ako ng jackpot sa lotto.

Ang sarap pala sa pakiramdam kapag lagi mong kasama ang taong nagpatibok ng puso mo. Sinabi ko kay Dad na may gusto ako kay Kresh kinabahan ako sa pwede niyang sabihin noong mga oras na 'yon. Naghahalo ang kaba at takot sa aking dibdib na baka hindi niya tanggap si Kresh para sa akin.

"Well... Congrats my son I know na di mo lolokohin si Kresh at isa pa botong-boto ako sa batang 'yon dahil mabait at may paninindigan sa sarili na bihira makita sa isang babae. Kung saan ka masaya I will support you my son" Nakangiting sabi ni Dad.

Nang marinig ko ang mga sinabi niya nakahinga ako ng maluwag at nabunutan ng tinik ang aking dibdib. Hatid sundo ko si Kresh sa Academy at sabay kaming kumain sa canteen kasama si Chelsey at Natasha.

Maraming tutol sa aming dalawa ni Kresh dahil hindi naman daw kami bagay. Well wala akong paki sa kanila dahil sa mundong 'to di mawawala ang mga bashers na gaya nila.

"Ang ganda ng mood natin ngayon ah ! Yan ba ang epekto ng pumapag-ibig ?" Natatawang sabi ni Silon.

"Bro ! Kailan ka kaya sasagutin ni Kresh ? Isurprise mo kaya siya" Suggestion ni Nogor.

Hinatak ko sila papunta ng open field para mag isip ng plano kung ano ang pwede namin gawin na surprise kaya kay Kresh...

<Kresh POV...>

Halos gawin akong prinsesa ni Zebren siya nagdadala ng gamit ko papunta sa klase, sabay kaming kumain, di siya na uubusan ng surprise sa akin at higit sa lahat lagi niyang sinasabi na mahal niya ako.

"Kresh ! Diba nililigawan kana ni Sir Zebren ? Kailan mo naman siya sasagutin ?" Tanong ni Chelsey.

"Korek malaking check ! Take note kita ko sa mata ni Zebren na seryoso siya sayo. Kung ako sayo sagutin mo na siya bahala ka baka mainip 'yun at maghanap ng iba" Sabi ni Natasha.

Dapat ko na bang sagutin si Zebren di ba masyadong mabilis ang limang araw para sagutin ko na siya at besides baka isipin ng iba na easy to get lang ako.

First boyfriend ko si Zebren kung magiging kami at natatakot akong masaktan dahil hindi ko alam kung paano mag move on sa oras na magbreak kami.

Naglalakad kami sa hallway ng makarinig kami ng usap-usapan tungkol sa akin.

"Ang landi niya grabe ! Paano niya naakit si Zebren ?"

"Iba talaga kapag may ginamit kang gayuma ang lakas ng effect grabe !"

"Ganyan talaga kapag social claimer jusko mga mahihirap nga naman"

Ang sarap manakal ng tao anong akala nila may ginawa akong kakaiba kay Zebren kaya nililigawan niya ako ? Mga impokrita ng lipunan nakakainit ng ulo jusko.

Hinawakan ni Chelsey si Natasha dahil gusto niyang sugurin ang mga babaeng nagkukumpulan sa gilid namin. Kung pag-usapan ako kala mo wala ako sa paligid niya nagpaparinig ba sila o nanadya na ?...

"Easy lang Natasha umalis na lang tayo dahil wala tayong mapapala kung makikipag-away pa tayo" Sabi ni Chelsey.

Naglakad na kami papunta sa klase ng banggain ako ni Syndra kasama ang mga alipores niya.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now