Chapter 8 : The Spice Girls

6.2K 151 3
                                    

Dedicated to HEismyfriend


...

Pabalik na ako classroom nila Zebren dahil babantayan ko pa ang lalaking 'yon mahirap na at baka may gawin na kalokohan. Naglabasan na ang lahat ng mga estudyante sa kanilang klase dahil breaktime na.

Nasa hallway na ako habang naglalakad nakatingin ang iba sa akin na parang sinusuri ang aking mukha. Mas lalo kong binilisan ang paglakad dahil naiilang ako sa mga tingin nila.

"Ganito ba talaga ang mga tao dito kala mo mangangain ng tao ?" Bulong ko sa aking sarili.

Nasa tapat na ako ng room nila Zebren sinilip ko ang bintana ng room nila ngunit wala na siya rito. Nataranta ako dahil nawala sa paningin ko si Zebren mayayari ako nito kay Mr.Blare, mabilis kong hinagilap ang hallway pero bigo akong makita siya.

Nagsimula akong maglakad sa kaliwang hallway baka sakaling makita ko si Zebren.

"S--saan na ba ang lalaking 'yon ? Mayayari ako nito" Natataranta kong sabi.

Sinilip ang bawat lagusan ng Hallway pero bigo akong makita siya. Dahil breaktime na pumasok sa isip ko na baka nasa canteen siya ng Werdomz Academy kaya agad akong nagtanong sa Information Office at tinuro sa akin ang daan patungo sa canteen.

Mabilis akong lumabas ng office tinandaan ko ang sinabi ng babae sa akin at mabuti na lamang na gawa ko dahil nakikita ko na ang canteen ng Werdomz. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad agad akong pumasok sa canteen at hinahanap ko ang kanyang pwesto.

"Bago lang ba siya rito ?"

"Siguro naka dress siya, nagpa enroll ata dito sa Academy"

"Tingin mo isa ba siyang Luxurious o Ellites ?"

Agaw atensyon ako ngayon dito sa canteen dahil lahat sila naka suot ng uniform habang ako naman naka dress. Restaurant style ang kanilang canteen kaya naman sobrang ganda nito.

Nakita ko sa dulo ng canteen si Zebren at may mga kasamang lalaki. Lumapit ako sa pwesto niya at umupo sa kanyang tabi. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na mahahanap ko siya.

"Ikaw alam mo bang kanina pa ako naghahanap sayo Monster !" Naiirita kong sabi sa kanya.

"Sino ba kasing may sabi na bantayan mo ako at wala akong paki kung kanina kapa naghahanap sa akin Pangit !" Sagot niya.

Sabing hindi ako pangit naiinis na ako sa lalaking 'to ang sarap hampasin ng lamesa sa mukha. Bigwasan ko kaya 'to ng madala sa kakasabi ng pangit !...

"Wow ! New chicks mo Zebren ?" Taas noong sabi ng lalaking red hair.

"Grabe bro ! Ang tinik mo talaga sa mga babae kaya bilib na bilib talaga kami sayo" Sagot naman ng lalaking gray ang buhok.

Ano sa tingin nila isa ako sa mga babae ng lalaking 'to ? Kahit umulan pa ng apoy at mawasak ang earth hinding hindi ako papatol sa lalaking 'to na ubod ng sama, sungit, kapal ng mukha, bastos at higit sa lahat feeling gwapo. Pero ang totoo gwapo naman talaga siya hehehe.

"Shut up Silon and Nogor ! She's not my chicks look at her face it's so ugly" Tawa niya.

Tumawa ang mga kasamahan niya at dahil sa sinabi niyang ugly face daw ako binatukan ko siya. Nagulat siya sa ginawa ko ganon na din ang mga kasama niyang mga lalaki.

"FYI ! Zebren Blare ! hindi ako pangit ! Besides kung titingnan ng mabuti ikaw ang pangit ay este Monster !" Sigaw ko.

Di ko namalayan na nakatayo na pala ako habang naka pamewang sa harap nila. Dahil sa ginawa kong pagsigaw tumingin lahat ng mga estudyanteng kumakain sa canteen.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt