Chapter 27 : Ex Girlfriend

4.8K 115 0
                                    

<Kresh POV>...

Hindi ako makatulog dahil patuloy na pumapasok sa isipan ko ang halik na ginawa sa akin ni Zebren. Nagpaikot-ikot na ako sa sahig pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok.

"Wahhh ! Please naman sana makatulog na ako... Peste kasi sa Zebren" Bulong ko sa aking sarili.

Nababaliw na ako napapangiti ako sa tuwing na aalala ko ang mga titig at paghawak ng kamay  ni Zebren sa akin.

Napahawak ako sa labi ko at ramdam ko pa din ang malalabot at mapupula niyang labi.

"H--hinalikan niya a-ako ?" Bulong ko.

"Hoy Kresh ! Wala kabang balak matulog ? Anong oras na gising kapa !"

Nagulat ako ng magsalita si Chelsey ang akala ko tulog na ang bruhang 'to. Nakapatay na ang ilaw at tanging buwan lang ang nagbibigay ng liwanag. Tulog na ang mga classmate kong mga bruha, kaya kaming tatlo lang ang gising ngayon.

"Sabihin mo nga sa amin kung ano ang ginawa nyo ni Zebren sa likod ng Academy ?" Sabi ni Natasha.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nararamdaman ko na namumula ang aking mukha. Wala silang dapat malaman dahil baka may makarinig pa at maging issue pa sa buong Academy.

"T--tuningin ng star t--tapos wala na... Kayong dalawa matulog na nga kayo !" Sabi ko.

"Ayyiiee ! Si Kresh in love na kay Sir Zebren ! Tama ako diba ?" Pangaasar ni Chelsey.

Nagtalukbong ako ng kumot para tigilan na nila akong dalawa, baka mamaya madulas ang bunganga ko at masabi ko ang totoong nangyari sa likod ng Academy.

"Matulog na nga tayo Chelsey dahil bukas kukulitin natin 'yan mapaamin lang" Singit ni Natasha.

Mga ilang minuto lang ang lumipas narinig kong humihilik ang dalawa kaya tinanggal ko na ang kumot sa aking katawan. Ang sarap ng tulog nila Chelsey samantala ako walang balak matulog ang katawan ko.

"Kresh, tulog na may pasok ba bukas" Sabi ko sa aking sarili.

Humiga ako at nagtalukbong ng kumot kasabay ang pagpikit ng aking mga mata.

Bakit hinalikan ako ni Monster ? Yung puso ko ang bilis ng tibok. Putcha mamatay na ata ako sa heart attack. Nalilito ang utak kl sa mga nangyayari !...

<Zebren POV>...

Ang sarap ng gising ko ngayong umaga dahil napagisipan ko na itigil na ang larong ipinapagawa nila Silon sa akin. Dahil gusto ko na si Kresh at ayaw ko siyang makita na masasaktan.

"Ang saya natin ah ? May nangyari ba kagabi ?" Tanong ni Nogor.

"Meron at hindi ko sasabihin sa inyong dalawa ! At isa pa pala  ititigil ko na ang utos nyo na ligawan si Kresh"

"Why ? kasi may gusto kana sa kanyan ?" Tanong ni Silon.

Tumango ako sa sagot ni Silon at namula ang aking mukha para tuloy akong nagmukhang bakla sa asal ko damn !.

"Hahaha ! Nababakla na si Zebren may pamula-mula pang nalalaman at kinikilig pa" Sigaw ni Nogor kaya binayukan ko siya.

Kahit kailan talaga itong dalawang ito ang lakas ng boses pwede na sila maging barker ng jeep sa kanto.

Umunat ako at nagpunta sa CR ng Academy habang naglalakad ang saya ko at hindi ko maiwasang hindi kumanta.

Alam mo ba may gusto akong sabihin sa'yo
Magmula ng makita'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang 
Pinapangarap ko ang pangarap ko

Ganto ba talaga ang epekto kapag may gusto kana yung ang saya mo at ang gaan ng pakiramdam mo. Tapos parang gusto mong sumigaw ?

Yung tipong napaka gaan sa pakiramdam at inspired sa lahat ng bagay. Yung mapapangiti ka na lang kapag pumapasok siya sa isip mo.

Kaya't sana'y maibigan mo
Ang awit kong ito para sa'yo
Dahil simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo
Dahil simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo

Hindi ko pa natatapos ang pagkanta ko ng makita ko si Jane na naka tayo sa cr ng girl. Siya lang naman ang ex girlfriend ko at kaibigan ko na lang ngayon, lumapit siya sa aking kinatatayuan.

"Zebren ? kamusta ? ang laki mo na !" Masayang sabi niya.

"Ito cute pa din... Teka dito kana nag-aaral ? kailan pa nandito ?" Tanong ko.

"Kahit kailan talaga ang yabang mo di ka parin nagbabago... Oo dito na ako nag-aaral actually kahapon lang ako lumipat dito" Sabi niya.

Matapos ang hiwalayan nila ni Kasper naging kami ni Jane dahil pinilit niya akong maging  boyfried niya para makalimutan si Kasper inshort pansamantalang unan.

Pumayag ako dahil naawa ako sa kanyan besides hindi ko naman siya gusto at alam niya naman ni Jane 'yon. Isang araw sinabihan niya ako na ihinto ang pagpapanggap namin dahil ayaw niya daw ng ganon na relasyon. Umalis siya ng Nispero at sa ibang lugar nag-aral.

"Sige maliligo muna ako, mamaya na lang tayo magkita" Sabi ko.

"Sa canteen na lang tayo magkita para magkausap pa tayo ng matagal" Sagot niya.

Pumasok na ako sa cr at naligo dahil mamaya magsisimula na ang klase. Pinagdala na din kami ng uniform para after ng star gazing diretso ang pasok. May shower room naman dito sa Werdomz kaya walang problema.

<Kresh POV>...

Naka uniform na ako at dala ang aking mga gamit papunta sa klase. Ewan ko ba bakit may pasok after ng star gazing hindi pa naman ako nakatulog ng maayos.

"Kresh, parang ang lamya mo ngayon ? tapos ang laki ng eye bag mo" Sabi ni Natasha.

"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi"

"Sus ! sabihin mo lang hindi ka nakatulog sa kakaisip mo kay Zebren" Singit ni Chelsey sa usapan.

Habang naglalakad kami sa corridor nakarinig kami ng mga estudyanteng nag-uusap.

"Alam nyo ba na nandito ang ex girlfriend ni Kasper at Zebren ?'

"Oo nga ! Grabe baka mag away na naman sila tulad ng dati"

"Maganda naman kasi si Jane pero may pagkamalandi lang"

Napataas ang kilay naming tatlo dahil sa mga narinig namin. May ex girlfriend na pala si Zebren ? bakit parang wala naman siyang sinasabi sa akin ?

Ay oo ng pala wala palang kami para sabihin niya sa akin ang mga past life na naganap sa kanya. Isa lang naman akong maid at nagbabantay sa katulad niya.

Pero yung halik niya ! Di ako maka move on !...

"Hoy girl ! Natulala kana dyan ! Don't tell me nagseselos ka ?" Tanong ni Chelsey.

"Hindi, curious lang ako sa ex girlfriend ni Zebren at Kasper" Sagot ko.

"Sino naman kaya ang Jane na sinasabi nila ?" Singit ni Natasha.

Naglakad ulit kami papunta sa klase dahil limang minuto na lang ang natitira.

"Kasper at Zebren ? Ex girlfriend ? Jane ?" Mga katanungan na nasa aking isip.

...

Hello nga pala sa friend kong maganda at dyosa 😂

Don't forget to vote and comment guysue

-Author na cute 😉😂

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя