Chapter 22 : Debut 2.0

5.2K 127 3
                                    

Habang binabasa ang chapter na ito iplay nyo ang kantang ito...

...

Ngayon ko lang nalaman na kaarawan ko pala hindi ko napansin ang araw at buwan sa sobrang bilis ng panahon. Nasa salon na kami para ipaayos ang dapat ayusin.

Lumipas ang ilang oras lumabas na din kami sa wakas ni Chelsey, hindi ko maiwasang hindi mailang dahil bawat makasalubong namin sa mall ay napapatingin sa akin.

"Ang ganda niya naman para siyang artista"

"Sana lahat ganyan ka perfect, maputi na nga makinis pa"

"Infairness swerte ng boyfriend niya sa kanya"

Ilan lamang 'yan sa mga narinig ko dito sa mall, tiningnan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa parang wala namang pagbabago para magandahan sila sa akin.

"Girl ! Infairness ang ganda mo ngayon tinalo mo pa ako"

"Che ! Wag mo nga akong bulahin Chelsey"

Natawa kami sa mga pinagsasabi namin, naka sunod lang si Mang Jose sa amin dahil siya daw ang magbabantay sa amin ni Chlesey. Hinila ako ni Chelsey sa bilihan ng gown kaya nagtaka ako kung bakit kami nandito.

"Anong gagawin natin dito ?" Tanong ko.

"Bibili ng gown kasi may event daw na magaganap sa bahay ng mga Blare and need daw magsuot" Sagot niya.

Parang wala naman akong nalaman na may event na gaganapin sa mansyon ng mga Blare. Siguro yung mga pupunta sa event na 'yon ay mayayaman na tao sa Nispero at galing sa malalayong lugar.

"Pumili kana ng gown mo dahil pipili din ako" Naka ngiting sabi niya.

Humiwalay muna ako kala Chelsey para makapili ng gown na susuotin ko ngayon sa event. Ang daming magagandang gown na damit for sure na sobrang mahal ng mga 'to.

Napanganga ako sa price na nakita ko umaabot lang naman na fourthy five thousand ang halaga ng mga gown na nandito.

"Sigurado ba talaga si Chelsey na bibili kami sa ganitong kamahal na lugar ?" Kamot batok kong tanong sa aking sarili

Naakit ang aking mata ng makita ko ang kulay blue na gown katulad ng kay cinderella kaya nilapitan ko 'to. Kung papansinin ng mabuti maganda ang kalidad ng materyales na ginamit at ang ganda ng disenyo na ginawa.

Sigurado ako na magmumukha akong isang prinsesa pero walang prinsipe so sad. Naalala ko bigla sila mama at papa sayang kasi hindi ko sila makakasama sa debut ko. Sayang kasi hindi ko masasayaw si papa at mama. Kung hindi lang sila maagang kinuha sa akin ito na ang pinaka masayang kaarawan ko sa lahat.

"Mama at Papa kahit nasaan kayo mahal na mahal ko kayo. Sayang hindi ko kayo makakasama sa araw na 'to"

Tumulo ang luha sa aking mata dahil namimiss ko na ang mama at papa ko. Narinig ko ang boses ni Natasha sa aking likuran kaya mabilis kong pinunasan ang aking luha.

"Wow ! Yan ba ang napili mo Kresh ? For sure na magmumukha kang cinderella at si Sir Zebren naman ang prinsipe"

Never na mangyayari 'yan Chelsey ! Magunaw man ang mundo hindi ko hahayaan na maging prinsipe si Zebren sa buhay ko.

Binili ni Chelsey ang gown na napili ko at kulay red naman ang sa kanya. Hindi na kami nakapag EK dahil kailangan daw kami ni Mr.Blare sa mansyon, kaya mabilis kaming pumunta sa parking lot.

"Girl ! Nandoon na daw ang mga bisita sa mansyon nila Mr.Blare kaya dapat pagpunta natin doon suot na natin ang gown na ito" Sabi ni Chelsey

"Bilisan nyo na mga iha baka mahuli tayo sa gaganaping event sa mansyon" Singit ni Mang Jose sa usapan.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon