Chapter 34 : Date

4.5K 162 2
                                    

<Kresh POV>...

Sabado ngayon at free day namin ito ang pinaka hinihintay ko sa lahat dahil buong maghapon akong hihilata sa kama. Puyat ako lagi dahil sa pesteng Thesis na 'yan.

Bakit ba kasi kailangan mag thesis mamatay din lang naman ? Lahat kakayanin ko wag lang thesis ang ipagawa sa akin dahil maaga akong mamatay sa mundong 'to.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng makarinig ako ng malalakas na katok sa pinto ng kwarto. Kaya mabilis kong binuksan ang pinto para masakal ko siya. Bwiset siya ! Imbes na makakatulog na ako na udlot pa gigil si Ako !...

"Ano bang problema mo Chelsey ? Free day ngayon kaya hayaan mo akong magpahinga !" Naiirita kong sabi.

"Sorry na... Pero pwede mamaya kana magalit ? Kasi pupunta tayo sa Palawan ngayon kaya magbihis kana at magimpake !"

Huh ? Kami pupunta ng Palawan ? Mukhang magandang ideya at timing ang narinig ko. It's time to relax na din para masaya ang buhay at maalis ang stress ko sa letcheng thesis na 'yan.

Nag impake agad ako ng mga gamit na kailangan ko sa Palawan. Actually to the first time ko lang pupunta ng Palawan kaya excited na ako. Sa mga pictures ko lang siya nakikita dati pero ngayon mapupuntahan ko na.

"Bilisan mo ! Paalis na ang van nila Mr. Blare 'yan kasi tulog pa !" Sermon sa akin ni Chelsey.

Aba ! Kasalanan ko bang antukin ang mata ko at isa pa ikaw kaya gumawa ng thesis na halos ikapuyat mo matapos lang bawat chapters. Ewan ko na lang talaga kong hindi ka dalawin ng antok...

"Wait lang naman ! Excited ? Mauna kana kaya nagmamadali ka masyado" Sabi ko.

"Eh paano kasi ang bagal mo !"

Pumasok ako ng cr para maligo kahit mabilisan lang nakakahiya naman kong mangamoy ako sa loob ng Van. Hindi na ako nag shampoo para makaalis na kami.

"Hoy Kresh ! Bilisan mo na !" Sigaw ni Chelsey sa loob ng kwarto ko.

Mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas na ng banyo habang ang basa ang buhok ko. Lumabas na ako dala ang mga gamit ko para tuloy akong lalayas ng bahay.

"Ang tagal mo kaloka ka ! Pa VIP ang tema teh ?" Sabi ni Chelsey.

Paglabas ko sa mansyon bumungad sa akin ang napaka laking van. Para tuloy nag mukhang tren ang itsura, mabilis akong pumasok sa van at nakita ko sa harapan sila Mr. and Mrs. Blare sa unahan. Driver naman si Mang Jose, sa pangalawang upuan naman si Zebren habang nagkakalikot ng laptop niya. Nasa dulo naman si Manang Fely at ang mga grupo ni Ellaine. Wala pang tao sa gitna kaya naisipan kong doon na lang umupo at para tabi kami ng Chelsey ng mag salita si Zebren.

"Kresh... Tumabi ka sa akin"

Huh ? Sino ba sinasabihan niya ? Ako ba o si Chelsey ?"

"Anong sabi mo ?" Taas kilay kong tanong.

Humarap siya sa kanyang likuran at tumingin sa aking mata. Oh my shit ! Ayoko ng mga titig niya baka mamaya mahimatay na lang ako ! GESHH !

"Sabi ko umupo ka sa tabi ko !" Inis na sabi ni Zebren.

Wow ! Kala ko nagbago na siya hindi pa pala, umiral na naman ang kasungitan ng Monster na 'to. May dalaw na naman siya tinalo pa ako...

"E--eh paano k--kung ayoko ? May magagawa k---kaba ?" Nauutal kong sabi.

Sino ba naman kasi ang hindi mauutal kong nakikipag eye to eye ka sa kanya. Ang ganda ng mata niya meron siyang mapupungay na pilik mata. Kinabog pa ang babae ! Sana lahat !.

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil nakakahiya kala Mr. and Mrs. Blare kapag nag-away pa kami ng Monster na 'to. Tumabi ako sa kanya at todo ngiti naman siya, sabi na nga ba may saltik sa utak ang lalaking 'to.

Umandar na ang van kaya sinimulan ko ng tumahimik dahil ayaw ni Zebren ng maingay. At isa pa nasa unahan lang namin sila Mr. and Mrs. Blare.

"Pangit saan mo gustong pumunta bukas ?" Tanong niya.

Bakit ako ang tinatanong niya ? Wala naman akong alam sa Palawan na 'yan at isa pa to the first time ko lang pumunta 'don.

"Bakit ako tinatanong mo ?"

Hindi siya sumagot at nagkalikot na naman siya sa laptop niya. Nakita ko na naghahanap siya ng pwedeng puntahan sa palawan bukas at hotel na matutuluyan namin.

Mahaba-haba ang biyahe kaya kailangan namin magpahinga. Mga tatlong oras na kami bumibiyahe nakita ko na tulog na si Chelsey habang naka nganga kaya na isipan kong kuhaan siya ng picture.

"May pang block mail na ako sayo Chelsey" Natatawang sabi ko.

Napadako ang tingin ko sa dulo ng van at nakita ko na tulog sila Manang Fely. Buti pa sila ang sarap ng tulog samantala ako ayokong dahil malikot akong matulog.

Halos lahat ng kasama ko sa van ay tulog na maliban sa aming tatlo nila Zebren at Mang Jose.

"Wala kabang balak matulog ? Mahaba pa ang biyahe ?" Tanong ni Zebren sa akin.

Hindi ko siya pinasin bahala ka dyan Monster maghanap ka ng kausap mo. Nakaramdam ako ng antok kaya sinandal ko ang ulo ko sa gilid ng van. Naramdaman ko na pumipikit na aking mata hanggang sa sumara 'to. Naramdaman ko na may lumapit sa akin at isindal ang ulo ko sa balikat niya.

<Zebren POV>...

Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to hindi magpapatalo pagdating sa pakikipag sagutan sa akin. Siya lang naman ang may kaya at walang takot na sagutin ako. Kakaiba talaga siyang babae hanep !...

Nakita ko na inaantok na siya at sinandal niya ang kayang ulo sa gilid ng van hanggang sa nakatulog siya. Lumapit ako sa pwesto niya para maisandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko napigilan na hindi tingnan ang kanyang labi. Shit ! Naakit ako parang gusto kong halikan damn !.

Maganda si Kresh ang tangos ng ilong niya at maputi para siyang anak mayaman at artista. Hinawi ko ang kayang buhok papunta sa kanyang tenga dahil natatakpan ang mukha niya.

"F*ck naakit ako sa labi niya !" Sabi ng kanang utak ko.

Sinampal ko ang sarili ko dahil kung anu-ano ang pumapasok dito. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa laptop dahil gusto kong maka date ang babaeng 'to ng kami lang dalawa at aaminin ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

...

Don't forget to vote and comment guysue ...

-Author na cute 😂😉

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now