Chapter 29 : Concert 2.0

4.8K 107 5
                                    

Habang binabasa ang chapter na ito iplay nyo ang kantang ito...

...

<Kresh POV>...

Wala sila Chelsey at Natasha sa room dahil may inasikaso sila, ngayon ko lang na realize na ang boring pala kasi walang maingay na Chelsey at chismosa na Natasha.

"Saan kaya sila nagpunta ?" Tanong ko sa aking sarili napa buntong hininga ako.

Walang teacher sa harapan kaya naman parang nakawala sa manila zoo ang mga classmate ko. May mga nagbabatuhan ng papel, mga babaeng napaka kapal ng makeup at marami pang-iba.

Naisipan ko munang lumabas ng classroom dahil wala akong kausap at para malibang naman ako. Nasa corridor ako habang naglalakad nakarinig ako ng usap-usapan tungkol kay Zebren at Jane na hindi ko naman kilala kung sino si Jane.

"Ang sweet nila grabe ! Actually bagay silang dalawa"

"Oo nga, sayang nagbreak sila pero pwede pa naman ibalik ang dati"

"Sa tuwing magkasama sila kinikilig ako ! Lakas maka Jadine !"

Nakakairita na sa tenga bihira mo simula kahapon hanggang ngayon puro kay Zebren at Jane na lang ang naririnig ko. Ano bang meron ang Jane na yan ? Bakit kilala siya dito sa buong Academy ?...

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad naka salubong ko si Chelsey pero hindi niya ako pinansin. Lumilipad na naman ang utak ng babaeng 'to kita ko sa mukha niya na kinikilig siya.

"Hoy babaita ! Ano dadaanan mo lang ako ?"

"Nandyan ka pala Kresh ? Saan ka pupunta ?" Tanong niya.

"Actually wala talaga ako dito nasa room ako di ba halata ?... Maglalakad lang ang boring kasi sa room" Sagot ko.

Nilapitan niya ako sabay kapit ng mahigpit sa aking braso. Siguro sinapian na naman ang babaeng 'to. Ngumiti siya ng napaka lapad at namumula ang kanyang pisnge.

"Teka ? Bakit parang kinikilig ka dyan ? May nangyari bang special sayo ?"

"Oo kresh ! Alam mo ba yung crush ko na si Silon tinulungan ako magdala ng libro kanina !"

Kilig na kilig ang gaga na parang anytime hihimatayin siya. Di ako makapaniwalag crush niya si Silon. Ano ba ang nakita niya sa lalaking 'yon ?

Mayabang si Silon pero ewan ko lang kung mabait hindi ko pa naman siya nakikilala ng lubusan. Meron siyang matangos na ilong, blue eyes, under cut ang gupit, maputi, matangkad at higit sa lahat chinito. Sakto naman ang pagdating ni Natasha kaya nilapitan ko agad.

"Natasha ! may gusto pala si Chelsey kay Silon ? Kailan pa ?" Tanong ko.

"Oo, matagal na... Halos sundan namin si Silon tuwing breaktime namin at wag ka nagbigay pa siya ng love letter kay Silon"

Natawa na lamang ako sa mga narinig ko, parang baliw na baliw si Chelsey kay Silon ay mali pala literal na baliw nga pala si Chelsey.

Tumunog ang speaker na nasa paligid ng Werdomz Academy kaya naagaw ang atensyon namin.

"Good Morning Werdomz Academy ang lahat ng klase ngayon ay cancel na dahil para sa paghahanda sa concert mamayang gabi."

Wow ! Ito na ang pinaka magandang balita na narinig ko buti na lang at wala ng klase dahil tinatamad ang katawan ko ngayon.

Tumambay muna kami nila Chelsey sa loob ng classroom para doon magpalipas ng oras. Tulog, kain, usap, cellphone 'yan ang ginawa namin hanggang sa sumapit ang gabi.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now