Chapter 2

1K 36 3
                                    


"Ikaw!" Sabay naming Tanong sa malakas na boses.

"Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

"I-ikaw! A-ano rin ang ginagawa mo rito?" Gulat naman na tanong niya.

"Is there's something wrong Ms.Flores and Mr.Stewart?" Our professor asked.

"Nothing miss. I'm sorry." He apologized then sits on the chair next to me.

"Paano ka napunta rito?" Nanliliit ang mga matang tanong niya.

"Malamang dito na ako mag-aaral at ito ang magiging classroom ko kasama ang isang kapre na kagaya mo."

"Tigilan mo nga ako sa pagtawag tawag mo sa akin ng kapre, dalawang beses na 'to ah."

"Eh Kapre ka naman talaga eh. Look at you, 5'8 na ang height ko pero hanggang bibig mo lang ako, kapre." Pang-aasar ko sa kanya.

"Hoy babae, tigilan mo nga 'yang pagtawag sa akin ng kapre kung hindi..."

"Ano?" Maangas na tanong ko. Nanghahamon.

"W-wala!"

I glared at him saka Inilayo ko nang kaunti ang upuan ko para hindi kami magdikit. Ganoon din naman ginawa niya habang masamang masamang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at itinuon ang buong atensyon sa aming guro. Nagkunwaring nakikinig kahit ang totoo ay gusto ko nang matulog dahil nakakawalang gana ang mga itinuturo niya. Napapapikit na nga ako. Mahirap talaga baguhin ang bagay na nakasanayan na.

Nagising ang diwa ko nang may malakas na sumipa ng paa ko. Pinukulan ko ng nakamamatay na tingin ang may gawa niyon pero mas masama pa ang tingin na iginawad niya sa akin na para bang dinudurog ako sa isip niya.

"Bawal matulog kapag oras ng klase miss." Seryosong sabi niya.

"Bawal matulog kapag oras ng klase miss. Paki mo ba, huh?" Panggagaya ko sa sinabi niya.

"Wala kang kwentang estudyante." Walang ganang sabi niya sa mahinang boses.

I rolled my eyes and look away. Pasalamat kang  gago ka at sinusubukan kong magbago kung hindi, kanina ka pa nakabulagta riyan. Tama na iyong isang sapak dahil baka 'pag inulit ko pa ay may black eye ka na.

Sana, hindi utak ipis ang Presidenteng ito. Kaya ako naki-kick-out dahil sa mga utak ipis kong mga Presedente at mga kaklase. Kahit kasi anong iwas ko sa kanila, sila pa rin ang gumagawa ng dahilan para lumapit sa akin at sirain ang araw ko. At dahil maikli ang pasensya ko ay nakakasapak ako nang wala sa oras kaya ang resulta, wala rin sa oras na lilipat na naman ng bagong paaralan.





MATAPOS ang lahat ng klase sa umaga ay nagpahuli akong lumabas. Hanggat maaari ay ayaw kong makasabay lumabas ang Bryan Oliver Stewart/the kapre na iyon.

Napagdesisyunan kong lumbas na nang mapansing ako na lang ang natitira sa loob classroom. Paglabas ko pa lang ay canteen na agad ang hinahanap ng mga mata ko.
Nasaan kaya ang canteen nila? Nagugutom na kasi ako. Good thing I saw Ellie may mapapagtanungan ako.

I callef her. "Ellie."

"Hey Annie."

Kumunot ang noo ko dahil sa itinawag niya sa akin. Lumapit ako sa kaniya para makapagtanong. "Annie?" Takang tanong ko.

"That will be your nickname. Anyway, do you need something?"

"Saan dito ang canteen?"

"Ah, doon din ang punta ko. Sabay ka na sa akin?" Magiliw niyang sabi.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon