Chapter 22

714 24 1
                                    

Matapos ang munting welcome party na inihanda ng mga kaibigan ko kasama ang magulang namin ni kapre at ilang myembro ng SSG officers ay nagpapaalam na silang uuwi na dahil gabi na rin.

May nalalaman pa silang pa welcome welcome party. Akala mo namang ang layo ng pinanggalingan namin gayong nasa ibang parte lang kami ng pilipinas nanggaling.

"Hija, uuwi na kami ng asawa ko. Mag-iingat kayo rito." Nakangiting sabi ng ama ni kapre.

"Opo d-dad. Ingat po kayo sa daan." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Ate Tey Anne, inat itaw ah." Bulol na sabi ng kapatid ni kapre.

Yumuko ako at ginulo ang buhok niya. "Ikaw din sister in law. Dadalaw si ate minsan kapag may time." She giggled and kiss me on my cheek. Muli kong ginulo ang kaniyang buhok at binalingan ang nakangiting ina ni kapre.

"I can't still believe that you are now part of our family. Take care hija. Magsabi ka lamang kapag may kailangan ka." Nakangiting sabi ng ginang.

"Opo m-mommy." Hanggang ngayon ay naiilang pa rin akong tawagin ang mga magulang ni kapre na mommy at daddy.

"Sige na at nang kami'y makaalis na." Niyakap niya ako pagkatapos ay lumabas na sila.

"Key of your car." Nagulat ako nang biglang ibato ni daddy ang susi ng sasakyan ko sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ko. "Nasa garahe ng bahay niyo ang kotse mo." Nakangiting sabi niya nang makalapit sa akin saka ako niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik at nagngitian nang parehong pakawalan ang isa't isa.

"Thanks daddy."

"You are welcome. Be a good girl okay?"

Pilit ang ngiti na tumango ako. Gusto kong maluha at magmakaawang sa kanila na lang ako titira ngunit may asawa na pala ako at kailangan kong matuto at masanay na wala sila sa tabi ko.

"Ingat po kayo." Nakangiting sabi ko kahit sa loob loob ko ay nalulungkot ako.

"Mamimiss kita Key Anne." Naiiyak na sabi ng ina ko pagkatapos ay nagpunas ng luha saka ako niyakap nang mahigpit na mahigpit na animoy hindi na ako makikita pang muli. "Bibisitahin ka namin palagi." Pumiyok ang kaniyang boses kaya hindi ko maiwasang malungkot. My mother really loves me. Nakangiti siyang humiwalay sa akin saka ako hinalikan sa noo. "Magpakabait ka baby."

"Opo mommy." Muli niya akong niyakap at tinalikuran na rin saka sumabay sa paglalakad ni daddy.

Sinundan ng mga mata ko ang papalayo na nilang likod ni daddy. Pakiramdam ko ay parang hindi ko na sila makikita pang muli. I sighed. Sanay akong palagi ko silang kasama kaya mahirap palang tanawin sila na papalyo mula sa akin.

Saktong pagharap ko sa iba pa ay bumagsak ako sa sahig dahil sabay-sabay akong niyakap ng mga kaibigan ko. Mabuti na lamang ay naalalayan ko ng kamay ang ulo ko para hindi humampas sa sahig. Ramdam ko ang paglingon ng lahat. Hindi ko man sila tignan ay alam kong nagulat sila sa nasaksihan.

"'Mga gaga! Umalis kayo! Ang bibigat ninyo!" Sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako ngunit umalis din sila sa pagkakapatong sa akin.

Namimilipit sa sakit na bumangon ako at umayos ng pagkakatayo. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot sa likuran ko.

"May inaanak na ba kami rito." Mahinang tanong ni Nika na bahagya pang tinapik ang tiyan ko.

"Kilabutan ka nga Nika." Salubong ang kilay na sabi ko saka nag-inat-inat.

"Excited pa naman kami. Wala pa rin pala." Nakasimangot na sabi niya.

Tsk.

"Oo nga. Akala ko mayroon na." Nakangusong dagdag ni Elaine.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now