Chapter 53

864 28 2
                                    


Days, turns to weeks, weeks, turns to months at sa wakas, ang araw ng pagtatapos ay dumating na kaya lahat ay abala.

"Hindi ko aakalain na darating ang araw na makakapagtapos ako." Nakangiting sabi ko habang nakatayo sa harap ng malaking salamin at masayang pinagmamasdan ang toga na suot ko na pakiramdam ko ay sobrang bumagay sa akin.

"Ako rin naman eh. Akala ko, hindi ka na ga-gruaduate. Kaya na-shock na lang ako na kabilang ka sa mga pumasa."

Siniko ko si Kapre na nasa likuran ko. Tumawa lang ang damuho. "Gago ka rin ano? Wala bang beautiful massege riyan para naman ganahan akong maglakad sa stage para kunin ang diploma ko bilang isa sa mga magtatapos ngayong taon?"

Isinuot niya sa akin ang sumbrero ng toga ko saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi. "I know susi. Matagal ko nang alam na guwapo ako." Nangingiting sabi niya saka ako kinindatan sa salamin. "And my beautiful massage to my beautiful wife, no matter how hard life is, remember that I will always be there to hold your hands in every chapter of your life." Niyakap niya ako mula sa likuran at hinuli ang mga mata ko sa salamin. "I love you so much Mrs.Key Anne Flores-Stewart." Muli niya akong hinalikan sa pisngi na ikinalapad ng ngiti ko.

Malaki ang ngiti sa mga labing humarap ako sa kaniya. Tumingkayad para gawaran siya ng masuyong halik. Natatawang humiwalay kaagad ako nang tugunin niya ang halik ko.

"And my message to my GGSS/assuming husband, try to flirt with other woman, I'm telling you, I will assassinate you with your woman."

Naglaho ang ngiti sa mga labi niya. Sa isang iglap ay biglang sumama ang mukha niya. "Susi naman, alam mong hindi ko magagawa 'yon. Flirting with other woman? No way! Kahit siguro ang pag-isipang gawin 'yon ay hindi ko magagawa. Patay na patay ako sa 'yo, remember?" Natatawang kinurot ko ang magkabilang pisngi niya nang sobrang lakas kaya malakas siyang napadaing. "You're bullying me, aren't you?"

Tinawanan ko lang ang nakasimangot niyang mukha. "I'm just teasing you my kapre. Kaya 'wag OA."

Naiiling na yumakap siya sa akin nang mahigpit. "Bakit ba sobrang mahal kita?"

"Kasi maladyosa ang ganda ko?" Parehong kaming natawa sa aking tinuran.

"Nagiging mahangin na ang susi ko."

Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya at ninamnam ang sarap ng pakiramdam ng nakakulong sa mga bisig niya. "Nahawa sa kahanginan ng kapre ko eh."

Natatawang humiwalay siya sa akin. "I'm so in love with you."

"Kapre?" Seryosong tawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Nakangiting tugon niya.

"May sasabihin ako sa 'yo."

Unti-unting nawawala ang masayang ngiting nakaguhit sa mga labi niya at napalitan ng pag-aalala ang mga nata niyang kanina lang ay puno ng nag-uumapaw na kasiyahan.

"Ano 'yon susi?" Pilit niyang pinapatatag ang boses pero hindi pa rin mawala ang pagkabahala sa mga mata niya.

"I think, I'm no longer in love with you."

Umawang ang labi niya at hindi makapaniwalang sinalubong ang aking tingin.  "Bawiin mo 'yong sinabi mo susi. You told me that you're in love with me."

"Ayoko." Parang wala lang na sabi ko.

Bumakas ang takot sa mukha niya at gusto kong humalagapak ng tawa. "Stop playing around susi."

Nakagat ko ang pang ibabang labi para pigilin ang tawa.

"Hindi naman ako nagbibiro ah." Kalmado ang mukha ko habang ang mukha niya ay hindi maipinta.

Being Married With My Mortal Enemy Où les histoires vivent. Découvrez maintenant