Chapter 44

632 18 1
                                    

Matapos naming mamili ay agad na nilisan namin ang mall at nagbyahe patungo sa orphanage. Saktong pagdating naman namin ay sinalubong kami ng mga batang nakangiti nang malapad.

"Ate Key Anne! Kuya kapre!" Salubong sa amin ng mga bata. Si kapre naman ay agad na nalukot ang mukha. Kahit kasi rito sa orphanage ay kapre ang pangalang ipinakilala ko sa kanila.

"Galit ka po kuya kapre?" Nagtatakang tanong ng isa sa mga bata.

Siniko ko si kapre nang mas lalong sumama ang mukha nito. Agad naman itong ngumiti.

"Hindi ah. Hindi ako galit."

Agad na nagliwanag ang mukha ng batang kausap. "Ganun po ba? Tara po kuya Kapre, laro tayo."

"Wait kiddo. May pasalubong kami sa inyo." Mas lalong nagliwanag ang mukha ng bata. Ang ilan naman ay nagtalon talon sa tuwa. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa sayang dala ng kanilang matatamis na ngiti.

Katulong si kapre ay isa-isa naming binigyan ng mga laruan at pagkain ang mga bata. Habang ang ilang mga madreng katulong sa pag-aalaga sa kanila ay siya namang nag-scoop ng ice cream na inilalagay sa apa at ibinibigay iyon sa mga batang nakapila at mukhang takam na takam at gustong gusto nang matikman ang ice cream.

Nakakagaan sa pakiramdam sa tuwing pagmamasdan ko ang masasayang ngiting nakaguhit sa kanilang mga labi. Naghahatid iyon ng kakaibang kasiyahan sa akin.

"Hindi talaga nakakasawang magpunta rito. Nakakawala ng stress." Nakangiting sabi ni kapre habang patuloy sa pag-aabot ng laruan sa isa pang bata na nagtalon talon sa tuwa dahil sa natanggap na munting regalo.

"Salamat po kuya kapre!" Masiglang sabi ng bata. Agad na nalukot ang mukha ni kapre. "Galit ka po?" Inosenteng tanong ng bata.

"Hindi ah. May iniisip lang ako." Pagdadahilan ni kapre nang nakangiti.

"Kapag may iniisip ka po ba nalulukot ang mukha mo?"

Mahina akong natawa saka ginulo ang buhok ng kaharap bago ito binigyan ng laruan. "Oo. Hehehe."

Tatangu-tango ang batang kausap na para bang naiintindihan nito ang sinabi ng kaharap. "'Wag mo pong lukutin ang mukha mo kapag nag-iisip po kayo. Para ka po kasing monster." Inosenteng sabi ng bata na malakas na ikinatawa ko.

"'Wag ka ngang tumawa riyan, kasalanan mo 'to eh." Nakasimangot niyang sabi.

"Bakit? Kapre ka naman talaga ah." Natatawang sabi ko.

"Ang swerte ko dahil asawa kita. Pero ang malas ko dahil palagi mo na lang akong binubully."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sa ating dalawa, sino kaya ang palaging nang-aasar at napipikon araw-araw?"

Ang kaninang masama niyang mukha ay bigla na lang naglaho tapos ay umangat ang sulok ng kaniyang mga labi. "Well, iyon ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal mo na ako ngayon."

"Talaga lang huh? Sigurado ka bang mahal na mahal kita?"

Nawala agad ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya at nagsalubong ang kilay niya. "Bakit? Hindi mo ako mahal ha? Pinapaasa mo lang ako gano'n? Joke lang 'yong sinabi mong mahal mo ako? Ayaw mo sa akin? Iiwa--"

I cut him off. "I love you."

Natigilan siya tapos ay mabilis na nag-iwas ng tingin nang nakanguso. "Pinapakilig mo naman ako eh."

"Ang weird mo po kuya kapre." Komento ng batang kanina pa pala titig na titig sa kaniya.

Naiiling akong natawa saka ipinagpatuloy ang pamimigay ng laruan sa kanila.










Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now