Chapter 47

621 20 3
                                    


Hindi ako mapakali habang pabalik-balik na naglalakad sa harap ng OR kung saan inooperahan si Key Anne.  Ang ama naman niya ay tahimik lang na nakaupo sa bench at nakatingin sa kawalan. Magkaharap lang ang kwarto ng asawa ko at ng manugang ko.

"Magtatatlong oras na sila sa OR." Wala sa sariling nasabi ko. Si Emerson ay nasa emergency room kasama ang mga magulang niyang kararating lang galing US. Ngayon ko lang nalaman na may iniinda palang karamdaman ang tang*nang 'yon.

Nabaling ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng hallway nang makita ko ang mga magulang ko na papalapit sa amin.

"Son." Ani Dad. Lumapit siya sa akin at sabay nila ako niyakap ni mommy.

"Kumusta na sila?" Tanong nila sa akin.

"Nasa operating room pa rin." Nanlulumong tugon ko.

"Hindi namin alam kung anong gagawin para mapanatag ang loob mo pero lagi mong iisipin na narito lang kami para sa 'yo." Senserong sabi ni dad.

"Thanks dad." Tinapik niya ang balikat ko saka siya naupo sa tabi ng daddy ni Key Anne. Si mommy naman ay nanatiling nakatitig sa akin.

"Gusto mo bang umuwi muna para makapagpalit?" Tanong niya.

Mabilis ang aking pag-iling. "Saka na kapag nasigurado kong ligtas na sila."

Muli niya akong niyakap."Gaya ng sinabi ng daddy mo, narito lang kami lagi para sa 'yo."

"Thank you mom."

"Kahit ano basta para sa 'yo anak." Ngumiti pa siya sa akin bago naupo sa bench at nakipag-usap sa daddy ni Key Anne.

Sinilip ko sa maliit na bintana sa pinto ng OR ang nangyayari sa loob. Abala pa rin ang mga doctor sa pagtanggal ng mga bala sa katawan niya at habang tumatagal ang operasyon ay mas lalo akong kinakabahan.

Please god... help my wife, help her mother. Nabaling ang tingin ko sa likuran ko nang may tumapik ng balikat ko.

"Pumunta kaagad ako rito nang mabalitaan ko ang nangyari." Seryosong ani Adrian.

"Salamat."

"Don't say that. Wala naman akong ginawa para pasalamatan mo."

"Whatever. But honestly, I'm so nervous. What if something bad happen to my wife? I don't think if I could still live."

"Be positive Bryan Oliver, your wife is a strong woman. I believe, she can survive." 

"Do you think she can?"

Ngumiti siya sa akin. "Trust her. She will."

Hindi na ako nagsalita pa at muling ibinaling ang tingin sa pinto ng OR. Matyagang naghihintay ang magiging resulta ng operasyon.

"Umupo ka kaya muna hijo? Kanina ka pa nakatayo baka mangalay ka." Anang ama ni Key Anne.

"Okay lang ako tito. Mas lalong hindi ako mapakali kung uupo ako." Sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa pinto ng OR. 

Naging tahimik ang lahat hanggang sa bumukas ang pinto ng kuwarto ng mommy ni Key Anne at lumabas doon ang Doctor. Agad na tumayo ang manugang ko at lumapit sa doctor. Napatayo rin ang mga magulang ko at si Adrian.

"Kumusta ang asawa ko Doc?" Kalmadong tanong ni tito na mababakasan pa rin ang ng pag-aalala. Kahit ako ay kinakabahan. Ngumiti ang doctor dahilan para mabuhay ang munting pag-asa sa amin.

"Naging matagumpay po ang operasyon." Lahat kami ay nakahinga nang maluwang. "Ililipat lang muna namin siya sa recovery room para sa recovery niya."

"Salamat doc." Bakas ang kasiyahan sa boses ni tito.

Tumango lang ang doctor saka muling pumasok sa loob. Ilang sandali ang lumipas ay muling bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang ilang doctor at nurses na tulak tulak ang stretcher kung saan nakahiga ang walang malay na ina ni Key Anne. Sinenyasan ako ni tito na susundan ang asawa nito. Tumango ako at ngumiti. Sumunod din sa kaniya ang mga magulang ko. Tanging kami na lang ni Adrian ang natira sa labas ng OR.

Muli kong ibinalik ang tingin sa loob ng OR. Linukob ako ng matinding takot nang makita sa maliit na bintana ng OR na nagkakagulo ang mga doctor at nurses. Mabilis akong lumapit sa bintana. Nanginginig ang kamay habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa kong puno ng pasa. Bigla akong binalot ng matinding takot nang makita ang paminsan-minsang pag-iisang linya ng guhit na iyon sa monitor ng Ventilator Machine.

"Damn Key Anne! Don't give up please! Don't you dare leave me!" Puno ng takot na sigaw ko. I can't stop my tears from falling while watching the doctor that trying to their best to save her.

"What's wrong?" Tanong ni Adrian na tumayo sa tabi ko at nakisilip na rin.

Hindi ko siya magawang sagutin. Ni hindi ko alam kung paano ibuka ang bibig. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako binalot ng ganito katinding takot.

Gusto kong pumasok. Gusto kong ako mismo ang gumawa ng ginagawa nila para maisalba siya ngunit alam kong hindi maaari.

"Oliver Calm down." Ani Adrian nang lingunin ako.

Lumuluhang nilingon ko siya. "Paano ako kakalma kung nag-aagaw buhay ang asawa ko sa loob!" Napaigtad siya dahil sa malakas na pagsigaw ko ngunit wala akong pakialam.

Nanlalabo ang matang ibinalik ko ang tingin sa nasa loob. Abala pa rin sila sa pagsalba sa kaniya. Mahigpit na kumuyom ang kamao ko nang mapansing wala pa ring pagbabago.

Halos mag-iisang minuto pa bago bumalik sa normal ang paghinga niya at pakiramdam ko ay parang nabuhay ang munting pag-asa ko.

"Like that Key Anne, like that. Fight. Don't you dare give up." Mahinang bulong ko.

Muling ibinalik ng mga doctor ang atensyon sa ginagawa. Halos kalahating oras dib ang lumipas bago sila natapos.

Unti-unti akong napadausdos paupo sa sahig nang makita sa mga mata ng doctor ang galak. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa tuwa. Kahit na naroon pa rin sa akin ang kaba ay mas lamang ang sayang nararamdaman ko.

Halos mahigit isang oras pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng operating room. Mabilis akong tumayo saka mabilis na nilapitan ang doctor.

"Kumusta ang asawa ko doc?"

Ngumiti ang doctor na ikinahinga ko nang maluwang. "Stable na ang lagay niya."

"Salamat!" Hindi ko mapigilang isigaw dahil sa labid na tuwa. Sumenyas ang doctor na babalik sa loob. Malaki ang ngiti sa mga labing tumango ako.

"Umuwi ka kaya muna para makapagpalit ka? Kami na muna ang bahala sa asawa mo." Ani Adrian na nakatingin sa duguang uniporme ko.

"Mabuti pa nga. Ayaw kong makita ako ng asawa kong pangit paggising niya."

Naiiling na natawa siya sa akin. "Sige na. Alis na. Baka mahawa pa ako sa kahinginan mo."

Nakangiting tumango ako sa kaniya saka patakbong umalis sa lugar. Maagaan na ang dibdib dahil sa magandang balitang natanggap.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon