Chapter 30

797 30 2
                                    


KEY ANNE's P.O.V.

Pagsapit ng umaga ay nagising ako dahil sa paulit-ulit na yumuyugyog ng balikat ko.

"Susi, gising na. May klase tayo. Susi? Huy, ano ba. Tulog mantika ka na naman eh."

Imbis na gumising ay tumagilid ako ng higa patalikod sa kung sino mang gumigiding sa akin saka niyakap nang mahigpit ang unan ko't muling natulog.

"Hayst! Ano ba! Gumising ka! Susi naman eh!"

Mabilis akong napabangon hindi dahil sa pagsigaw niya kung hindi dahil sa naramdaman kong parang sumasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.

"Shit!" Naibulalas ko habang sapo sapo ang ulo.

"Huy, okay ka lang?"

Ipinilig ko ang ulo ko at pilit nilabanan ang sakit na nararamdaman saka nagmulat ng mata. Agad na nagwala ang damdamin ko nang ang una kong masilayan ay ang gwapong mukha ni kapre na mababakasan ng pag-aala.

Inalala ko ang nangyari kagabi at sa pagkakatanda ko ay nasa bar ako nag-iinom kasama ang mga kaibigan ko. Teka, ipinalibot ko ang tingin sa buong kwarto at nasa kwarto namin pala ako. Marahil ay iniuwi siguro ako ng mga kaibigan ko kagabi.

"Hey, what's wrong?"

Muli kong binalingan si kapre. Naroon pa rin ang bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha. Nag-aalala ba siya para sa akin? Matutuwa na sana ako nang maalala ang nangyari kahapon. Napabuntong hininga ako nang makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit ba masyado akong apektado? Hindi naman ako ganito noon ah.

"Wala." Walang emosyong sabi ko saka lumayo sa kaniya at bumaba sa kama.

"Sigurado ka?" Tanong niya ulit.

I just nod and left him without saying anything. I want to stay away from him as long as I can. The memory of yesterday him kissed buy Kyra still hurts me and I hate it. I should just act as if I don't care but I can't help it. I am jealous because I love but I can't own him even if we are married.

Mabilis akong lumabas at patakbong bumaba sa hagdan saka tinungo ang kusina. Mabilis akong kumuha ng baso pagpasok ko pa lang saka tinungo ang ref at kinuha ang pitsel na may lamang tubig at sinalinan ang baso ko.

"Hah!" Buga ko ng hangin matapos inumin lahat ng laman ng baso.

"Huy? Anong nangyayari sa 'yo? Bakit hindi mo ako pinapansin? May problema ba tayo?"

Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likuran ko kasabay niyon ay ang pagkahulog ng baso sa sahig. Mabilis akong yumuko para pulutin ang nabasag na baso ngunit bago ko pa mapulot 'yon ay may humawak na ng kamay ko.

"Nag-iisip ka ba? Lumayo ka nga! Ako na!" Sigaw niya sa'kin dahilan para matigilan ako. This is the first time he shouts at me like this and it pained me.

Nagiging sensitive ka na yata Key Anne. Hindi ka naman dating ganiyan ah. Anong nangyari sa dating Key Anne na walang pakialam kahit sigawan pa ng kahit na sino? Ano bang nangyayari sa 'yo?
Sa isip-isip ko.

Lumayo ako sa kanya saka nagpainit ng tubig para gumawa ng kape. Kumuha ako baso saka 'yon nilagyan ng itim na kape at gatas pati asukal saka hinintay na uminit ang tubig na pinapainit ko sa heater.

Kita ko sa sulok ng mata ko ang pagtapon niya ng mga bubog na nakalagay sa dustpan sa basurahan tapos ay ibinalik niya ang dustpan kung saan niya 'yon kinuha kanina kasama ang walis saka tahimik niyang nilapitan ang ref at naglabas ng mga lulutuin para sa agahan.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now