Chapter 7

800 33 4
                                    


"Not that fast susi." He said then wink at me.

Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang bag ko. "Akin na 'yang bag ko!"

"Bilhan mo muna ako ng maiinom. Nauuhaw ako eh." Nakangising utos niya.

"Ano ako slave mo? Bumili ka mag-isa mo! Dinadamay mo pa ako sa katamaran mo, akin na 'yan sabe!"

Napaka bilis ng kamay niya kaya hindi ko iyon mahablot hablot. "Sundin mo muna kasi ang inuutos ko. Sige ka, hindi ko ito ibibigay sa 'yo." Pang-aasar niya pa.

"Gago kang kapre ka!"

"Ano 'yon susi? Gwapo ako? Ayiiee sabi na eh crush mo rin talaga ako. Hindi iyon nakakapagtaka. Sa gwapo kong ito pati ikaw ay tinamaan." Muli na naman niya akong kinindatan at nakakaloko ang mga ngiting mayroon siya habang ako nama'y sobrang lukot ang mukha.

Para kaming nagbabasketball. Ako ang guard at siya ang may hawak ng bola. At dahil mabilis siya ay hindi ko man lang iyon masagi. Gagong kapre! Mamatay ka na sana!

"Akin na sabi ano ba!"

Walang umaawat, walang nakikialam. Lahat ng nasa rooftop ay nagsisigawan at nagtatawanan lamang habang pinapanood kami. Maging ang mga kaibigan ko ay chini-cheer pa ako. Ang bubuting kaibigan. Very supportive.

"Ano kaya ang laman nito?"

Bahagya niyang inalog ang bag ko at bubuksan na niya sana iyon ngunit mabilis kong inagaw pero agad lang niyang nailayo. Argh! Hindi niya puwedeng buksan ang bag ko dahil may napkin 'yon at nakakahiya kapag makita niya!

"'Wag na 'wag mo 'yang bubuksan binabalaan kita."

"Wooh! Go Key Anne!" Pagchi-cheer sa akin ni Garreth.

"Pare kaya mo 'yan!" Mukhang mas baliw pa ang mga kasama nitong damuhong ito.

Nginisian ako ni Kapre at binuksan ang bag ko. Sinipa ko iyo para mailayo sa kaniya ngunit mabilis niya lang na naiiwas.

"Wow... ang dami mo palang pera susi, saan mo 'to ninakaw?" Nakangising tanong niya.

"Gago! Hindi ako magnanakaw!" Nanggagalaiting sigaw ko.

"Sinabi mo na namang gwapo ako. Indenial queen ka talaga." Nakangising pang-aasar niya at muling hinalungkat ang bag ko. Hindi na ako mapakali. Siguradong makikita niya ang napkin ko!

"Ano 'to? Hahahahahaha!"

Lupa kainin mo na ako please! Nag-init ang mukha ko dahil sa matinding pagkapahiya at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nang malingat siya kakatawa ay hinablot ko kaagad ang bag ko.

"'Yong laman! Bwahahahahahha!" Tawa siya nang tawa na para bang wala ng bukas.

Sa sobrang hiyang nararamdaman ay nag-walk-out ako at hindi na hinintay ang sasabihin ng mga suportive kong best friends. Hindi ko na kaya pang magtagal pa roon huwaaahhh! Nakakahiya!

Mabilis akong pumasok sa elevator at pinindot ang third foor. Maloloka na yata ako!










BRYAN OLIVER STEWART'S POV

Ngingisi ngisi ako habang tinatanaw siya palayo. Hahahaha! Hindi ko inakalang may ganun sa bag niya.
Bwahahaha!

"Ang galing mo ah! Natalo mo 'yong kaibigan namin. Ine-expect pa naman naming makakatikim ka ng sapak sa kaniya."

Nilingon ko ang nagsabi niyon. Ito 'yong mga kasama niya kanina. I know them. Palagi silang laman ng magazines at alam kong mayayaman sila.

"Alalay niyo ba ang babaeng iyon?" Tanong ko sa apat. Nagkatinginan sila at malakas na tumawa. Ehh?

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now