Chapter 4

853 42 2
                                    

Wala na akong nagawa nang mapaniwala nila ang kanilang makitid ang utak na presidente na ako ang may kasalanan ng lahat. Kaya imbis na nasa classroom na ako para mamamahinga habang wala pa ang guro ay nakasunod ako sa paglalakad ng kapreng ito na utak ipis. Sarap niyang tirisin.

"Kebago-bago dalawang beses nang nasangkot sa gulo. Ugaling mahirap nga naman." Pagpaparinig ni kapre.

"Hoy kapre! Narinig ko 'yon ah!" Inis kong sabi sa kaniya.

Huminto siya at nilingon ako. Huminto rin ako dahil ayaw kong magkalapit kami. "Alam mo ba ang pinagsasasabi mo ha? Alam mo rin bang pangit ang kapre?"

"Bakit kapre ka naman talaga eh. Oh eh ano naman ngayon kung pangit ang kapre? Mamamatay ka ba kapag tinawag kitang kapre kapre kapre kapre kapre kapre." Paulit-ulit na sabi ko.

Nanlisik ang mga mata niya. "Alam mo bang ang guwapo kong tao para tawaging kapre?"

Malakas akong humagalapak ng tawa. "Subukan mo kayang manalamin para malaman mong ang pangit pangit mo?"

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "'Wag mo akong sabihan ng pangit dahil guwapo ako! Guwapo!"

Muli akong humalagapak ng tawa hindi dahil natatawa ako dahil ang totoo kong nararamdaman ngayon ay naiirita ako! Sobra! "Kapre ka na nga, utak ipis ka pa at mahangin pa." 

Inis niya akong tinalikuran. "Parang baliw."

Wait? Anong sabi niya? Baliw? "Hoy hindi ako baliw!" Sigaw ko sa kaniya. Mabuti na lang walang nakakakita sa amin kundi issue na naman ito.

"Baliw ka! Baliw baliw baliw baliw baliw baliw baliw"

Natigil siya kakasabi ng baliw nang ihampas ko sa ulo niya ang dala kong backpack."Sabi ng hindi ako baliw kapre!"

Salubong ang mga kilay na hinarap niya ako. "Para saan 'yon?"

"Nagtatanong ka pa? Kasalanan mo 'yan! Tinawag mo akong baliw!" Ayaw ko talagang itawag sa akin ang baliw. Naiirita ako.

He smirk in amusement. "Baliw ka naman diba? Baka nga takas mental ka pa."

"Hoy ikaw utak ipis na presidente! Pasalamat ka at gusto kong magtino ngayon kung hindi, kanina ka pa nakabulagta riyan!"

"Nagtitino raw. Eh bakit dalwang beses ka nang nasangkot sa gulo simula nang pumasok ka?" Walang ganang sabi niya.

"Dahil mga utak ipis kayo!" Iritang sabi ko at naunang maglakad.

"Ang talino kong tao para tawagin mong utak ipis na presidente tandaan mo 'yan!"

Huminto ako at naiiritang hinarap siya. "Alam mo bang hindi na maganda ang gising ko, 'yang pangit pang mukha mo ang makikita ko? At isa pa hindi ako mahilig magtake note!" Muli akong nagpatuloy sa mabilis na paglalakad. Naririnig ko naman siyang sumisipol sipol.

"Ang ganda pala ng legs mo crazy woman."

Pigilan niyo ako! Mapapatay ko 'tong kapreng ito! Nagtitimping hinarap ko siya. "Minamanyak mo ba ako huh?" Nag-iigting ang panga ko sa sobrang inis na nararamdaman.

"Kung ikaw lang din ang mamanyakin ko, salamat na lang. Baka dumikit lang ang kahit dulo ng daliri ko sa balat mo, kikilabutan na ako grrhhh." Parang diring diri na sabi niya.

Iniangat ko ang kamay ko at sasapakin na sana sya ngunit agad ko rin iyong ibinaba nang maalala ko ang pangako ko kay mommy. Pasalamat ka talagang kapre ka at sinusubukan kong magbago. Kung hindi, kanina ka pa nakabulagta riyan.

Sininghalan ko siya't muling nagpatuloy sa paglalakad. Walang pakialam sa nakakainis niyang mga komento.

Nang makarating kami sa detention room ay may pinasukan siyang kuwarto at pagbalik niya ay may hawak na siyang mop at timba na may lamang tubig.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now