CHapter 17

773 39 1
                                    

KEY ANNE'S POV

Lumipas ang mahigit isang buwan ay dumating na ang araw na pinakakinasusuklaman ko sa lahat. Ang araw ng aking kasal. Takte!

Ang lahat ay excited habang ako ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakangiti sa harap ng mga kaibigan kong kasama kong inaayusan ngayon kahit ang totoo'y ang bigat ng loob ko. Hindi pa ako handa sa mga ganito pero wala eh. Palagi akong walang choice. Sarap magmura.

"Yiieee maganda ba ako?" Kinikilig na tanong ni Garreth habang nakaharap sa amin. Nakasuot siya ng kulay blue na dress. Blue and white kase ang kulay ng tema ng kasal. Pang winter season daw tsk. May ganon pa pala. Akala ko kapag kasal, ay kasal lang hindi na kailangan ng mga ganoon.

"Uhuh. Ang ganda talaga ng mahal na prinsesa. Ikot ka nga." Pang-uuto ni Elaine sa kaniyang nakasuot naman ng blue na long dress. Sinunod naman siya ng inuuto. "Isa pa." Ustos niya uli at muli naman siyang sinunod ng babae. "Pause." Nagpause naman si uto utong Garreth. "Smile." Ngumiti naman ang babae. "Wow kamukha mo na si Tekla. Bwahahaha!" Lahat kami ay nagsipagtawanan. Habang siya nama'y lukot ang muka't nakanguso.

"Isuot niyo na po ang inyong wedding gown." Sabi ng isa sa make up artist sa akin. Nakangiti ko naman siyang sinunod kahit sa loob loob ko ay gusto ko ng tumakbo at umtras. I sighed. This it. Pagkatapos nito, goodbye single life. Ikakasal akong hindi man lang naranasang magkaboyfriend. Great.

Tinulungan ako ni Win at Nika na tapos ng ayusan na isuot ang wedding gown ko. Matapos ay pinaharap nila ako sa salamin at inayos ang pagkakatali ng buhok ko. May iniwan silang kaunting hibla sa magkabilang bahagi ng noo ko. I admit that I look beautiful in my wedding gown. Heart shape ang nasa bandang dibdib nito at puno naman ng dyamante ang nasa waist na bahagi ng gown.

Liningon ko ang mga kaibigan kong nagyakapan na ngayo'y sumisinghot singhot.

"Anong problema niyo?" Kunot noong tanong ko. Humarap sila sa akin. May mga luha pa sa mga mata tapos sabay sabay nila akong niyakap. Mabuti na lang at nabalanse ko ang aking sarili para hindi matumba.

"Waaahhh! Ikakasal ka na talaga!" Haguhol ni Garreth. Parang may kung anong kumurot sa puso ko habang nakaharap sa salamin at nakikita ang mga kaibigan kong umiiyak sa harap ko. I force a fake smile.

"Yeah. Magiging Mrs.Stewart na ako." Natatawang sabi ko at nagulat ako nang bigla silang tumigil sa pag iyak at ngayo'y may nakakaloko ng ngisi sa mga labi.

"Yiiiee excited na ako!" Masiglang sabi ni Elaine na nagtatalon talon pa. Niyakap ulit ako ni Nika at binulungan.

"Break a leg kaibigan." Bahagya niyang tinapik ang balikat ko bago kumalas sa pagkakayakap sa akin.

Napalingon kami sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok ang secretary ni mommy.

"Tapos na ba kayo? Magsisimula na ang kasal." Pahayag niya sa amin.

"Opo!" Masiglang tugon ng mga kaibigan ko at muli nila akong niyakap at mabilis din naman kumawala. Bawat isa ay may mga totoong ngiti sa mga labi. Tanda na masaya sila para sa akin. Ngumiti rin ako sa kanila.

"Mauuna na kami." Paalam ni win na nakasuot ng mahaba ring long dress. Si Nika nama'y naka dress na hanggang tuhod kagaya ni Garreth. Ang gaganda ng mga kaibigan ko. Muli na naman nila akong niyakap at lumabas na.

Sa pinaka malaking hotel sa pilipinas gaganapin ang kasal na dadaluhan ng mga mahigit tatlong libong mga bisita. Sa second floor naman ng hotel gaganapin ang reception.

"Ready?" Tanong ng secretary ni mommy. I nodded.

BRYAN OLIVER'S POV

Malakas ang pintig ng puso ko habang nakatayo sa unahan at tinitignan ang mga nakangiting bridesmaid at groomsmen na naglalakad ngayon sa red carpet. Nanlalamig din ang kamay ko. Paano kung hindi ako siputin ng susing iyon? Nakakahiya iyon kapag nagkataon.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now