Chapter 49

659 19 1
                                    


KEY ANNE's POV

Ilang minuto na ang lumipas mula nang lumabas si Bryan at ang mommy ni Kai. Ilang minuto na rin siyang nanatiling tahimik na nakaupo sa upuang nasa tabi ng kama ko. Nakatungo lamang siya at parang walang balak na magsalita. I clench my fist in annoyance. Why he can't tell me? Am I don't deserve to know the truth? I'm still his best friend even if he left me for more than a decade!

"Tutungo ka na lamang ba riyan?" Tanong ko sa kalmadong boses kahit sa loob loob ko ay gusto ko na siyang kuwelyuhan. "Ganoon na ba 'yon kahirap sabihin kaya hindi mo kaya? Kai, ako pa rin naman 'to. Si Key Anne na best friend mo."

Nag-angat siya ng tingin. Hindi ko maintindihan ang mga mata niyang puno ng kalungkutan. Hindi ko maintindihan kung bakit kung makatingin siya sa akin ay para bang natatakot siya, nag-aalala at nanghihinayang.

"Mas mabuti pang hindi mo na lang malaman. Isa pa, aalis din naman ako. Hindi ko nga lang alam kung kailan." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ang mga sinabi niya ay may malalim na kahulugan.

Hirap man ay pinilit ko ang sariling bumangon at buong lakas siyang sinapak. Bumagsak ang katawan ko sa kama nang kumirot ang mga sugat ko.

"P-pagkatapos ng m-mahigit isang dekada, babalik ka nang walang sinasabi tapos ng-ngayon, aalis ka n-ng wala ring sasabihin? S-sana hindi k-ka na l-lang bumalik! G-ginulo mo p-pa 'y-yong utak kong n-nanahimik n-na k-kahit wala ka!" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Akmang pupunasan niya iyon ngunit mabilis kong inilayo ang mukha ko.

Yumuko siya. "Narito ako kasi, gusto ko lang namang makita ka bago mangyari ang mga bagay na alam kong kahit anong gawin ko ay hinding hindi ko na matatakasan."

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Naguguluhan. Nalilito. Ano ang ibig niyang sabihin? Napuno ng maraming katanungan ang isip ko habang titig na titig sa kaniya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Nag-igting ang panga ko nang makitang wala na naman siyang balak magsalita. "P-please Kai. 'Wag mo naman akong gawing manghuhula dahil wala akong talentong gano'n." I pleaded but he remain silent.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya kahit anong pilit niya iyong itago sa pamamagitan ng pagyuko. Mas lalo akong nalito at naguluhan.

Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito ang mga ikinikilos niya? Bakit ayaw niyang magsalita? Anong inililihim niya sa akin?

"Kai?" Tawag ko sa pangalan niya.

"I-I'm sorry. K-kung h-hindi m-man a-ako tumupad sa p-pangako ko noon. But god knows how much I want to see you. G-god knows how much I want to hug you. G-god knows how much I want to hear your voice again that t-time. B-but I have no choice. I-I c-can't do all I want to do."

"Hindi kita maintindihan." Sabi ko na naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.

"I... I... I have... brain cancer." Nakayuko niyang sabi. I stilled. "At habang tumatagal ay mas lumalala pa 'yon. Hindi ako maoperahan dahil sa multiple tumour na mayroon ako sa utak ko. Dumaan na rin ako sa mga special treatment pero wala ring nangyayari. Kaya narito ako. Gusto kang makita bago mamaalam sa mundo. A-ayoko p-pang mawala s-sa mundo nang h-hindi mo ako napapatawad. And I... I d-don't know w-what d-day I-I'll die. Lumampas na kase ako sa araw n-na ibinigay sa akin n-ng doctor k-ko."

Napaawang ang labi ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Kumuyom ang kamao ko. Gusto ko siyang kuwelyuhan dahil sa galit na namuo sa puso ko.

"At wala kang balak na sabihin sa akin ang lagay mo? Tapos ano? Malalaman ko na lang na patay ka na pala?" Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang nagtatagis ang bagang. "Akala ko ba noon, walang lihiman? Eh ano 'to? Ha! Hindi ko alam kung may karapatan pa rin ba ako sa lahat ng mga sinasabi ko sa 'yo dahil matagal mo naman na akong inabandona!  Pero Kai, a... ang sakit i-isipin n-na mamatay ka na pala nnag wala man lang paalam. Tang*na mo!" Linukob ako ng matinding pag-aalala nang bigla na lang siyang napahawak sa ulo niya kasunod niyon ay ang pagbagsak niya sa sahig. "K-kai. T-tulong!"

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now