Chapter 25

787 28 1
                                    


Lumipas ang halos tatlong buwan, naging maganda ang performance ko sa school. May konti pa ring nanghuhusga sa akin ngunit hindi na gaya ng dati. Lahat ay nasa ayos ngunit ang nararamdaman ko para kay kapre ay palala nang palala. Para itong sakit na kinakain ang buong sistema ko.

Nagpa-check up na ako sa doctor at ang sabi lang ng doctor sa akin ay malusog naman ang puso ko at wala naman daw akong sakit. Itinanong ko sa kaniya kung bakit bigla na lang bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita o malapit sa akin ang asawa ko at muntik ko pa siyang ireklamo nang sabihing in love lang daw ako. Takte! Hindi ako in love at mas lalong hindi ako in love kay kapre! Mabuti na lamang at nakapagpigil pa ako.

Itinanong ko rin ang nararamdaman kong ito sa mga kaibigan ko ngunit kagaya ng sinabi ng doctor ay in love lang daw rin ako. Putek! Hindi nga ako in love eh! Kaya ayun, hindi ko sila pinapansin. Galit ako sa kanila. Hindi ko matanggap na sinabi nilang in love ako kay kapre! Hindi ako mai-in love sa utak ipis na kapreng 'yon! Never!

"Puwedeng makiupo?" Nabalik ako sa realidad nang may magsalita sa harap ko. I look at the person. It was Ellie. She was smiling genuinely at me.

"Yeah sure." Nakangiting sagot ko.

Nakatambay ako ngayon sa library hindi para magbasa ng libro kung hindi para iwasan ang mga kaibigan ko. Sa tuwing nakikita kasi nila ako ay inaasar nila ako at hindi ko iyon nagugustuhan.

"Finally, nakausap ulit kita." Nakangiting sabi niya na ikinatawa ko.

"Why?" I asked

"Ang hirap mo kasing kausapin. Palagi kang bantay sarado ng mga kaibigan mo." Natatawa niyang sabi.

"Eh?" Nagtatakang nasabi ko.

"I mean palagi mo silang kasama kaya hindi kita makausap-usap." Nakangiti lang akong tumango dahil hindi ko alam ang kung ano ang sasabihin. "Matagal ko nang gustong makipagkaibigan sa 'yo pero ang ilap mo." Natawa kaming pareho sa kaniyang tinuran.

"Ayaw lang kitang madamay sa mga taong ayaw sa akin. Baka kasi pagtripan ka nila kapag nalaman nilang lumalapit ka sa akin." Nakangiting paliwanag ko na ikinalapad ng ngiti niya.

"So, how's life?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Heto, buhay pa rin." Bagot kong sagot.

"Hahaha! Yeah buhay pa nga." Natahimik siya kaya binalingan ko siya ng tingin. "Anyway, saan ka pala nakatira? Palagi ko kasi nakikita ang sasakyan mong dumadaan sa Village namin."

Nakapangalumbaba ko siyang tinitigan na ikinailang niya. I laugh. "Sa lugar."

Kumunot ang noo nya. "Mukhang malayo 'yang lugar na 'yan ah." Naiilang niyang sabi. "S-saan banda 'yang lugar na 'yan?" I know she feels awkward. She can't look at me and she looks uncomfortable because of my stares.

That makes me smirk. "Sa lugar na may bahay na gawa sa semento, na may puno sa tabi ng daan." Seryosong paliwanag ko na ikinatawa niya nang mahina.

"You're so funny." Natatawang aniya. "Seryoso, saan ka nakatira?" Nakangiti nang tanong niya.

"Why?"

"Wala nagtatanong lang."

Ang sarap pagtripan ng isang 'to. Magsasalita pa lamang ako nang makita ko si kapre sa entrance ng library at serysong naglalakad patungo sa amin. Salubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha.

Hindi siya napapansin ni Ellie dahil nakatalikod siya kay kapre at busy sa pakikipag-usap sa akin.

"Can we talk?" Tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit sa pwesto namin.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon