Chapter 21

755 25 1
                                    

Kinabukasan ay nag-ayos na kami ng gamit dahil tapos na ang limang araw ng honeymoon kuno namin na kung dapat ko ba talagang tawaging honeymoon. Wala naman kasi kaming ibang ginawa rito kung hindi ang magbangayan, mag-asaran tsaka magsigawan. Gaya lang nito.

"Crazy Woman! Dalian mo nga! Para kang pagong kumilos eh." Sigaw ni kapre na nasa labas na ng kuwarto namin. Hindi pala. Kwarto niya lang. Nakitira lang kasi ang mga gamit ko rito.

"Sandali lang Kapre! Hindi makapaghintay!" Sigaw ko pabalik mula sa loob. Uuwi na nga't lahat nakukuha pa rin naming magsigawan.

"Time is important susi, kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito sa labas!"

"Bakit Kapre nabilang mo ba huh?"

"Yes and almost 1 minute na! Kaya dalian mo riyan!"

Inis akong tumayo at inayos ang sarili. Dala ang maleta ay nakasimangot akong lumabas at pabagsak na binuksan ang pinto ng kwarto. Bumungad sa akin si Kapre na salubong ang kilay at mukhang gustong gusto ng umuwi.

"Bakit ba atat na atat kang umuwi huh?" Inis kong tanong at binangga siya sa balikat bago lampasan.

Hindi na siya nagsalita at sumunod na lamang sa akin. Paglabas naming bahay ay wala pa rin kaming imikan. Pinagpawisan ako ng maliliit nang matanaw ko ang yatch at dagat. Ugh! Ang tagal na ng insidenteng iyon pero napakalakas pa rin ng impact sa akin.

"Hoy susi tabi." Rinig kong sabi niya pero hindi man lang ako gumalaw. Parang napako ako sa kinatatayuan ko at pilit bumabalik ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan. "Hey susi, you look pale. Shit! Ano na naman ang nangyayari sa 'yo? Hey!"

Nabalik ako sa realidad nang tapikin niya ako sa mukha. Nasa harap ko na pala siya. May bahid ng pag-aalala ang kaniyang mukha.

"P-puwede bang helicopter na lang ang sakyan natin?" Mabigat ang hiningang pakiusap ko.

"Pero yate lang ang mayroon tayo rito."

"P-please. I can't breath in that ship. P-please." I almost kneel para lamang mapapayag siya.

"I-I will call my father." Nag aalalang sabi niya at mabilis na kinuha ang cellphone sa suot na short saka may kung anong pinindot doon.

Nakaharap siya sa akin na puno ng pag-aalala ang mukha habang hinihintay kung sinuman ang tinatawagan niya.

"Hey dad!" Bungad niya sa kausap. "Can you send your helicopter here?" Umiwas siya ng tingin at tumalikod sa akin. "I'll explain once we arrive. Yeah. Thanks dad." Muli siyang humarap sa akin. "Pasok na muna tayo sa loob habang hinihintay ang chopper ni dad. Malayo layo rin kasi itong isla kaya medyo matatagalan." He grab my hand. Hinayaan ko lang siyang hilain ako. Wala akong oras para umangal ngayon.

Pagkapasok namin ay pinaupo niya ako sa sofa saka kinuha ang bagahe ko at itinabi iyon sa gilid.

"Gusto mong uminom ng tubig?" He asked I just shrugged. "Gusto mo gawan kita ng miryenda?" Tanong niya. Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang mga paningin namin. "You want something?" Nag-aalalang tanong niya.

"Nothing. It's okay. Just sit and rest."

"Are you sure?" I noded as a response. He sigh and sit next to me. "I don't know what happened to you why you look pale lately but I'm really worried. Is there's something wrong in the sea? You're scared or what? "

"Don't mind me. Nothing's wrong." Mabilis kong sagot. Tumango siya't tumayo.

"Gusto mong matulog?" Muli ay tanong niya. I shrugged again. "Okay then." Lumapit siya sa isa pang sofa para mahiga. Nangalumbaba saka ako pinakatitigan. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon