Chapter 29

701 27 1
                                    


BRYAN'S POV

Alas dyes na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Key Anne. Ngayon lang niya ito ginawa nang walang paalam at nag-aalala na talaga ako. Ilang beses kong kinontak ang cellphone niya ngunit nagriring lang at walang sumasagot.

"Saan ka ba nagpuntang susi ka..." Hindi mapakaling tanong ko habang naglalakad nang pabalik-balik sa salas. Tumawag na ako sa kanila ngunit wala siya roon. Hindi ko naman matawagan ang mga kaibigan niya dahil wala silang number sa akin. Ugh! Sa susunod talaga hihingiin ko na ang number nila.

"Ugh!" Marahas kong ginulo ang buhok ko saka muling dinial ang number niya at ngayon naman ay hindi na siya makontak. Inis akong naupo sa sofa. Saan ko naman kaya hahagilapin ang babaeng 'yon?

Bahala na nga! Hinablot ko ang susi ng sasakyan ko na nakapatong sa lamesa at mabilis na lumabas ng bahay. Saktong pagsara ko ng pinto ay ang pagdating ng kanyang sasakyan kasunod niyon ay ang isa pang sasakyan na sa pagkakatanda ko ay si Nika ang nagmamay-ari. Para akong nabunutan ng tinik. Pumarada ang mga sasakyan sa harap mismo ng bahay. Kumunot ang noo ko nang si Elaine ang lumabas mula sa sasakyan at hindi key Anne.

"Good evening Bryan." Nakangitimg bati niya sa akin at ibinato ang susi sa akin na agad ko ring nasalo. "Susi 'yan ng sasakyan ni Key Anne."

"Nasaan siya?" Kunot noong tanong ko.

Inginuso niya ang katabing sasakyan kung saan lumabas si Nika na binuksan ang back seat ng kaniyang sasakyan. Lumapit ako nang senyasan niya akong lapitan siya. Kumunot ang noo ko nang makitang si Key Anne ang nasa back seat at mahimbing ang tulog.

"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko. "Kanina ko pa siya hinahanap. Saan kayo nagpunta?" Dagdag ko.

"Sa bar lang. Ilabas mo na sasasakyan ko 'yang asawa mo. Baka mamaya magsuka pa 'yan diyan." Malamig niyang sabi.

Nanibago ako sa klase ng pagtrato niya sa akin. Hindi siya nakatingin at seryoso lang siyang nakatingin sa kaibigan niya.

"Anong nangyari?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Wala. Nagkatuwaan lang." Malamig niyang tugon.

Nagbuntong hininga ako saka lumapit sa back seat at dahan-dahang inilabas ni Key Anne saka pinangko.

"Naglasing ba 'to?" Tanong ko uli kahit alam ko na ang sagot dahil amoy alak si Key Anne.

Imbis na sagutin ay hindi niya ako pinansin at basta basta na lamang pumasok sa kaniyang sasakyan saka iyon pinaandar.

"Hoy! Hintayin mo ako!" Sigaw ni Elaine na nagmamadaling lumapit sa kotse ni Nika saka 'yon binuksan.

"Bye Bryan! Take care of our bestfriend!" Sigaw niya't mabilis na isinara ang pinto.

Gumilid ako nang magbeep si Nika kasunod niyon ay ang pag-atras ng sasakyan niya hanggang makalabas ng gate. At nang tuluyan na silang makalabas ay pinaharurot na niya kaagad ang kotse paalis.

Malalim na nagpakawala ako ng hangin at buhat buhat si Key Anne na pumasok sa loob ng bahay at dumiretso na sa bedroom.  Inilapag ko siya sa kama nang makapasok ako sa kuwarto namin. Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha. She's so beautiful like an angel. Pero kapag gising ay parang ipinaglihi sa sama ng loob dahil palagi na lamang siyang nakasimangot.

Napangiwi ako nang bumuka ang bibig niya at malakas na bumuga ng hangin. Amoy alak ang hininga niya at sobrang tapang niyon. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to.

Umayos ako ng tayo at nag-isip kung anong gagawin ko sa kaniya. "Dalhin ko kaya siya sa bathroom para paliguan?" Binatukan ko ang sarili dahil sa sinabi. Hindi 'yon pwede tanga.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now