Chapter 39

675 24 1
                                    

Pesteng story 'to. Habang ini-edit ko mas lalo kong nare-realized kung gaano ka-cliché at kapangit ang plot😆. Kabwiset ang pangit.😂 buti tinagalan nung ibang readers.😂

_________________


Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Alam kong bakas sa mukha ko ang gulat at pagkalito habang sunod-sunod na dumadaloy ang butil ng mga luha sa pisngi ko. Pilit inaalam kung nagsisinungaling lang siya ngunit walang bakas ng pagbibiro ang kaniyang mukha. Nakaguhit doon ang kalungkutan at kaseryosohan. Mahina akong natawa na nauwi sa mapait na pagtawa.

"Yeah. Long time no see Kai Emerson." Mapait akong ngumiti habang pilit na pinupunasan ang luha sa aking pisngi ngunit baliwala lang 'yon dahil ayaw tumigil ng mga ito sa pag-agos. "Diyan ka lang." Pigil ko sa kaniya nang akmang lalapit siya sa akin.

Mabigat ang loob ko habang ihinahakbang paatras ang mga paa ko. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniyang malungkot na mga mata ngunit hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang ni katiting na awa.

Nang hindi ko na makaya ang sakit ay dahan-dahan akong tumalikod at mabilis na tumakbo palayo ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay tumama ako sa isang bulto. Pinunasan ko ang luha sa nanlalabong kong mga mata at tiningala ang taong iyon. Mas lalong bumilis ang pag-agos ng mga luha ko nang makitang si Bryan 'yon. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin siya sa akin ngunit mababakasan pa rin 'yon ng pag-aalala.

Dahan-dahang umangat ang kaniyang mga braso at ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig niya. Niyakap ko siya pabalik nang mahigpit habang ang noo ko ay nakasandal sa balikat niya at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.

"G-gustong kong u-umuwi. P-please. U-umuwi na t-tayo." Umiiyak kong sabi. Ramdam ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko. "P-please. I-iuwi m-mo n-na a-ako." Luhaan ang mga matang tiningala ko siya habang dahan-dahang kumakalas sa pagkakayakap niya. Ngunit ang kaniyang mga mata ay seryosong nakatingin sa may bandang likuran ko.

"Shhh... tahan na. Uuwi na tayo." Tumingin siya sa akin. Sinapo niya ang mukha ko saka pinunasan ang mga luha ko sa pisngi gamit ang hinlalaki niya. Naglabas siya ng cellphone at nagpindot-pindot doon matapos ay inakbayan niya ako at iginiya paalis sa lugar.




NAKATULALA ako sa kawalan habang binabaybay namin ang daan pauwi ng bahay. Wala ako sa sarili. Lutang ang isip ko. Tumigil na sa pag-agos ang mga luha ko ngunit ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko ay naroon pa rin.

Nabalik ako sa reyalidad nang may humawak ng kaliwang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Binalingan ko ng tingin si Bryan. Tutok sa daan ang kaniyang tingin. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakakunot ang noo.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya saka ibinalang ang tingin sa labas ng bintana.

"May gusto ka bang kainin oh puntahan?" Tanong niya. Nilingon ko siya. Nakatingin na rin pala siya sa akin. I shook my head. Bumuntong hininga siya't ibinalik ang tingin sa daan. "Hindi ko alam kung anong mayroon sa inyo ng lalaking 'yon pero, naiinis akong makita kang umiiyak at nasasaktan dahil sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang sapakin kanina dahil sa pagpapaiyak niya sa 'yo, pero pinanatili ko na lang ang sariling manahimik. Hindi ko alam ang buong kuwento eh." Pinilit niya ang sariling ngumiti sa akin nang balingan niya ako ng tingin pero bigo siya.

"Bryan..." Bigkas ko sa pangalan niya.

"Inaamin ko naguguluhan ako. Nagtataka ako kung bakit umiyak ng gano'n. Gusto ko ng explaination pero naiintindihan ko naman kung hindi mo pa kayang magkuwento." Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya at hindi na kumibo pa.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now