Chapter 36

773 25 1
                                    


BRYAN OLIVER's POV

Nagmulat ako ng mata nang mag umaga na. Kinusot-kusot ko ang mga mata at napangiti nang bumungad sa akin ay ang maamo at magandang mukha ng aking asawa.

"What a beautiful woman." Di ko maiwasang ikomento.

Umangat ang kamay ko at marahang hinaplos ang malambot niyang pisngi. Dumukwang ako at ginawaran siya ng halik sa noo

Lumapad ang ngiti ko nang maalala ang nagdaang gabi. Nakagat ko ang aking labi ngunit agad na napangiwi nang makaramdam doon ng sakit. Pero muling napangiti nang maalala ang dahilan kung bakit 'yon masakit.

Bumuga ako ng hangin. Puno ng kaligayahan ang puso ko at pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa saya.

Pinakatitigan ko ang maganda niyang mukha. Pinag-aaralan ang bawat anggulo niyon. Muli ko siyang hinalikan sa noo at dahan-dahang bungon.

Hubot-hubad kong tinungo ang banyo saka naghilamos at nagsipilyo. Naligo na rin ako dahil sa panlalagkit ng katawan ko.

Matapos kong maligo at magpalit ay lumabas na akong kuwarto saka nagtungong kusina para magluto ng agahan naming dalawa.

Nakangiti ako habang sinisimulang prituhin ang itlog sa isang maliit na fry pan. Sa isang kawali naman ay bacon.

Matapos kong lutuin ang itlog at bacon ay sinimulan kong magsain sa rice cooker para gawing fried rice. Tapos ay nagluto naman ako hotdog habang hinihintay maluto ang kanin sa rice cooker.

Maraming minuto ang lumipas tapos ko na rin lutuin ang hotdog at inilipat iyon sa malinis na pinggan bago sinimulang maghiwa ng sibuyas at kamatis saka dahon ng sibuyas para sa lulutuin kong fried rice.

Saktong pagtapos ko maghiwa ng mga ingridients ay tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa kaya agad akong naghugas ng kamay saka nagpunas bago sagutin ang tawag.

"Napatawag ka bata?" Agad na naging matalim ang boses ni Tristan dahil sa itinawag ko sa kanya. Mahina akong natawa.

"Ano na naman ba ang problema mo our stupid President at sinisimulan mo na ang pang-iinis nang ganito kaaga!"

"Masaya lang ako bata. Nga pala. May kailangan ka?"

"'Yan! 'Yan ang dapat mong itinanong. Anyway President, Gusto ko sanang mag-excuse. Hindi kasi ako makakapasok ngayon dahil may kailangan akong gawin na mas importante pa kaysa sa buhay mo."

"Hoy bata, ang ganda ng umaga ko kaya 'wag mong sirain. At magpadala ka ng excuse letter. Hindi 'yong sa akin ka nag-eexcuse!"

"Anong silbi ng pagiging presidente mo kung hindi ko naman mapakinabangan? Kaya nga sa 'yo ako nag-e-excuse dahil tinatamad akong gumawa ng excuse letter. At dahil ikaw ang president namin, ikaw ang gagawa no'n para sa akin." Bakas ang pang-aasar sa kaniyang boses na sakto lang para mapikon ako. Ayaw kong pumatol sa bata pero minsan ang sarap din talaga sakalin ng bastos na batang 'to.

"Aba't ang kapal din ng mukha mo ano? Respect me you kiddo. Mas matanda pa ako sa 'yo at bakit naman kita gagawan? May sarili kang kamay."

"Ay, akala ko gagawan mo ako ng excuse letter. Sasabihin ko pa naman sana kung anong favorite food ng pinsan ko at ang ayaw niyang pagkain. Sige ka, mamaya mabigyan mo siya ng ayaw niyang pagkain tapos magagalit siya sa 'yo. Kasunod no'n ay iiwan ka na niya. Sige kay Steven na lang ako magpapa--"

"Oo na gagawan na kita. Sabihin mo lang kung anong pabirito niyang pagkain at ayaw niyang mga pagkain."

Rinig ko ang mahina niyang pagtawa na ikinainit ng ulo. I can't believe that this kiddo is blackmailing me.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now