Chapter 48

651 22 1
                                    


KEY ANNE's P.O.V.

"Susi ko, gumising ka na. Miss na miss na kita."

"Doc? Bakit ang tagal niyang magising?"

"Nagpapahinga lamang siya hijo. Kapag nabawi na niya ang lakas niya ay magigising na rin siya."

"Ah... hay. Hindi na ako makapaghintay na makita siyang ngumiti ulit."

"Makikita mo rin ang mga ngiti niya. Sige na. Tawagin mo na lang ako kapag nagising na siya."

"Sige ho doc salamat."

'Yon ang mga boses na naririnig ko habang nakapikit ang mga mata ko. Gusto kong magmulat ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa talukap ng mga mata ko.

"I love you wife. I really really missed you." I heard a loud sigh. "It's been weeks since I last talk you but feels years for me."

Pinilit kong imulat ang mga mata ko at salamat dahil nagawa ko naman. Bumungad sa akin ang puting kisame. Nilingon ko ang kung sinuman na nasa tabi ng kama ko na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nakita ko siyang natigilan. Nakakanganga habang malalaki ang mata. He looks so shock.

"W-who are you?" Tanong ko sa kaniya. Nagpapanggap na hindi siya maalala.

"What? You don't know who am I? No no no no no. Don't tell me nagka amnesia ka? Com'on, wife, 'wag mo akong biruin nang ganiyan."

I blink my eyes. "B-but I-I really don't know w-who you really are." Nanghihina man ay pinipilit ko pa ring magsalita. God, I miss teasing him.

"Susi naman, wala namang ganiyanan. You're scaring the hell out of me." Kung malakas lang siguro ako ay humalagapak na ako ng tawa sa nakikita kong takot at pag-aalala sa mga mata niya. Ang nagawa ko na lang ay ngumisi.

"Y-you're really scared I m-may f-forget you?"

Binitawan niya ang kamay ko at pinakatinitigan akong mabuti. "Nagpapanggap ka lang bang hindi mo ako naaalala?" Nakasimangot niyang tanong.

Tumango ako bilang tugon dahil parang kahit isang salita ay hirap akong bigkasin.

Humalukipkip siya't masama akong tinignan. "Sinong hindi matatakot? Ang hindi ka maalala ng taong mahal mo na yata ang pinaka masakit na mangyayari sa buhay ko." .

Sinubukan kong iangat ang kaliwang kamay ko pero hindi ko nagawa nang sumigid ang matinding kirot na balikat ko. Lihim akong napangiti nang iangat ko ang kanang kamay ko at nagawa ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at dinama ang palad ko.

"I... I love you." Hirap man ay pinilit ko pa rin ang sariling bigkasin ang tatlong katagang iyon.

Unti-unting nagliwanag ang kaniyang mukha. Nakagat niya pa ang pang-ibabang labi para supilin ang ngiting gustong kumawala mula roon.

"Ulitin mo nga."

"I... I love... you."

Ang pinipigil niyang ngiti ay nauwi sa malakas na halakhak. "Ulitin mo nga?" Natutuwang ani kapre.

Being Married With My Mortal Enemy Where stories live. Discover now